Chapter 1

37 1 1
                                    

Jason's POV

"Yes! Pasokan nanaman, makikita ko na uli si Angela!" - sigaw ko sa aking kuwarto. Dali-daling akong pumunta sa banyo para maligo. Matapos kong maligo kumain na ako para makaalis at pumasok na sa paaralan. Ngayong pasokan, kami ay 3rd year high school na. Nandito na ako ngayon sa aming paaralan, tumingin ako sa bulletin board dahil doon nakalagay ang listahan ng mga students ng iba't ibang section. Nakita ko ang pangalan namin ni Angela sa section ng Gold Room. 7 agad akong pumunta sa room. 7. Pagdating ko sa classroom namin, nakita ko si Jose.

"Jose!" - sigaw ko sa classroom. Nagtinginan lahat, grabe parang nakakita ng multo kung makatingin ahh.

"Bro, long time no see!" - sabi niya. Sabay brofist.

"Nakita mo ba si Angela?" - tanong ko. Baka sakaling nakita niya.

"Sorry, bro. Hindi ko pa nakikita ehh." - sagot niya. Sayang, asaan na kaya 'yun?

"Ahh ganun ba. Ok lng, bro. Salamat! ^_^" - sabi ko. Haist! Tagal naman niya. Magsisimula na ang klase wala pa siya. Baka naman ibang section siya? Hindi naman siguro kasi tinignan ko yung listahan ng students sa section namin nandun yung pangalan niya. Asaan na kaya siya? Biglang...

"*pant pant* Sorry Sir, I'm late" - pagod na pagod na sinabi ni Angela. Yes! Tama yung nakasulat sa listahan na makaklase kami ^_^! Tumango si sir at...

"You may take your seat" - sabi ni Sir. Zara. Kumaway ako kay Angela.

"Psst. Angela dito ka!" - sabi ko. At umupo nga siya sa tabi ko. Nagkamustahan kami.

"Oh, Boss! Kamusta na?" - sabi niya. Nagtataka siguro kayo kung bakit "Boss" ang tawag niya sakin? Simula noong 1st year kami "Boss" na ang tawagan namin.

"Ok lng, Boss. Ikaw? Kamusta ka na?" - sabi ko. Baka sakaling nagkaroon ng sakit o kaya may nangyaring hindi maganda sa kanilang pamilya.

"Ok lng di--" - hindi na tapos ni Angela yung sinasabi niya kasi bigla nalang may kumalabog sa unahan. Ayun pala hinampas ni sir. yung table kasi...

"Ehem, Mr. Medina and Ms. Pineda" - anyare? Bakit kami tinawag? Papasagutin kaya kami sa tanong ni sir? Hindi naman siguro kasi first day of the school year pa lang naman. Bakit kaya?

"Kung magdadal-dalan lang kayo diyan sa likuran, pwede na kayong lumabas at doon kayo magdal-dalan." - The fudge? Ganun na ba kami kaingay para palabasin sa klase? Ang strikto naman nitong prof. namin (-_-). Kung pwede nga lang hampasin itong prof. namin gagawin ko na eh, pero anong magagawa ko studyante lang ako kaya...

"Sorry po, Sir. Zara" - sabay naming sinabi ni Angela. Nanahimik kami pagkatapos kaming pagsabihan.




Nang matapos ang klase, recess ang kasunod kaya sabay kami ni Boss pumunta sa canteen. Sabay kaming kumain at nagkuwentuhan.

"Ilang oras recess natin?" - tanong ni Angela. Hindi niya ata nakita yung schedule namin sa bulleting board kakamadali sa pagpunta sa room (XD).

"Isang oras recess natin." - sabi ko. Yup tama ang nabasa niyo isang oras ang recess namin dahil noong 1st year maraming klase ang nag-oovertime.

"Weh? Bakit parang ang tagal naman?" - tanong niya. Grabe parang hindi siya dito galing last year ahh! Nakalimutan na niya ba na noong 1st year pa ganito schedule ng recess namin?

"Grabe ka naman Boss! Parang hindi ka dito nag-aral ng dalawang taon at hindi mo alam na isang oras ang recess natin. Hahaha! XD" - sinabi ko ng may halong pang aasar... Maya-maya habang nagkuwe-kuwentuhan kami, may tumayo sa gilid namin at si Angelo yun.

"Hi, Angela!" - sabi ni Angelo na may halong onting paglalambing. Ano nanaman ginagawa niya dito? Maggugulo nanaman ba siya?

"Ahh hello" - sabi ni Angela na parang nahihiya, sabagay mahiyain at hindi naman siya masyadong friendly. Ako nga lang ata kaibigan niya dito sa school eh (XD).

"Oh! Bakit parang nahihiya ka yata? Ayy, oo nga pala mahiyain ka nga pala." - sabi niya ng paasar. Alam mo naman palang mahiyain siya magtatanong ka pa (-_-). Alam niyo, kung may lakas lang talaga ako ng loob na harapin siya gagawin ko eh. Kaso wala talaga eh, hindi ko talaga kaya.

"Tara na, Jason. Punta na tayo sa field." - sabi ni Angela. Nagulat ako dahil hindi niya ako tinawag ng "Boss" nakasanayan na namin na ganun ang tawagan namin. Kaya tumango nalang ako. Pagkatayo namin bigla akong hinawakan sa kamay ni Angela sabay takbo papuntang field. Tumingin ako kay Angelo habang kami ay tumatakbo nakangiti. Yung ngiti niya parang may balak siyang gawin.

Abangan ang mga susunod na chapters ^_^.

The Holy WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon