"Anyare sayo? Bakit bigla mo akong hinila papunta dito sa field?" Tanong ko kahit alam ko naman kung bakit.
"Wala lang, alam ko kasing aasarin nanaman ako ni Angelo kaya lumayo nalang ako." Sagot niya. "Tara na baka malate tayo sa susunod na subject natin."
Angela's POV
Makalipas ng tatlong oras ay natapos na ang klase. "Bye, Angela!" Sigaw ni Jason habang naglalakad palayo. "Bukas nalang uli."
Naglakad na ako pauwi sa amin. Paguwi ko may voice message na natanggap ang telepono ko.
"Isang araw nalang at hindi ka pa nakakapili ng iyong Servant, dadalawa nalang ang natitira at yun ay ang Archer at Warrior. Dalian mo at baka hindi ka makasali sa Holy Wa--"
Pinatay ko na dahil ayoko nang mapakinggan pa ang mga susunod niyang sasabihin. "Alam ko, hindi mo na kailangang i-paalala pa."sabi ko sa sarili ko.
Pumunta ako sa sala, tinanggal ko ang carpet sa gitna at may nakita akong isang malaking seal. Pagdating ng 3 ng madaling araw sisimulan ko na ang summoning spell para sa magiging Servant ko.
"3:00 am na. Sisimulan ko na ang spell para makuha ko ang Warrior, isa sa pinakamalakas na Servant." Bulong ko sa sarili ko. Kinuha ko ang kuwintas na binigay ng aking ama sa akin bago siya namatay.
*performing the summoning spell*
Pagkatapos kong gawin ang spell nanghina ako, tinignan ko ang kamay ko merong seal na nabuo. (n/a: Ito ay tinatawag na command seals, apat nabeses lang ito pwedeng gamitin. Kapag-ito ay nagamit mapepwersahang sumunod ang iyong servant sa isang utos mo kahit ayaw nila.) Biglang may kumalabog isa sa mga kuwarto sa itaas. Tumakbo agad ako at binuksan ang pinto ng kuwarto kung saan ko narinig ang kalabog. Pagkabukas ko...
"Alam mo, 2 palang ng madaling araw. Lahat ng orasan dito nauuna ng isang oras." Sabi niya. Pagkatingin ko sa paligid, ang gulo ng paligid lahat ng orasan ay nagtumbahan at sira-sira.
"So, ikaw pala ang aking servant, tama ba?" Tanong ko.
"Huh? Ikaw ang migician ko?" Nagtatakang tanong niya. "Hindi ako naniniwala."
"Huh? Bakit hindi ka naniniwala? Eh ako nga nag-summon sayo dito eh." Sabi ko sa kanya.
"Ikaw? Sa pagkatao mong yan ikaw ang nag-summon sa akin? Mukha nga hindi ka mage eh. At wala ka nga sa kwartong toh nung na summon ako eh." Sagot niya. Iniinis talaga ako nito ahh. "Bahala ka nga diyan at hahanapin ko ang totoo kong magician."
"SUMUNOD KA SA MGA SINASABI KO!" Sigaw ko at ginamit ko ang isa kong command seal para mapasunod siya.
Nagulat siya dahil ginamit ko ang isa kong command seal para lang mapasunod siya. "Sinayang mo lang ang isa mong command seal para lang mapasunod mo ako." Nakangisi niyang sabi.
"Sasayangin ko talaga para lang mapasunod at malaman mong ako ang nag-summon sayo." Sabi ko. Sabay talikod ako.
"Sorry." Sabi niya. "Nabasa ko ang isip mo, ikaw nga ang magician ko at nabasa ko rin na hindi ka lang isang ordinaryong mage. Isa ka ring high class na mage." Sabi niya habang nakatalikod ako. Napabuntong hininga nalang ako. Nanahimik ang kwarto ng isang minuto.
"So, hindi ka si Warrior?" Tanong ko sakanya.
"Nope! Kita mo namang wala akong hawak na espada, di ba?" Sagot niya. Napabuntong hininga nalang uli ako dahil hindi ko nakuha si Warrior.
"So, kung hindi ikaw si Warrior? Ibig sabihin ikaw si Archer, tama ba? Ano ang tunay mong pangalan?" Tuloy-tuloy kong tanong.
"Ako nga ang Archer pero hindi ko maalala kung sino talaga ako dahil palpak ang pagkaka-summon sa akin." Sagot niya. WTF? Kasalanan ko pa kung bakit hindi siya makaalala?
"So, kasalanan ko pa ngayon kung bakit hindi ka makaalala? Ganon?" Naiinis kong tanong.
"Parang ganon na nga." Sagot niya -_-.
"Anong parang ganon na nga? Ehh, halos maubusan ako ng energy sa pag-summon sayo tapos palpak pa yun?" Galit kong tanong. Napabuntong hininga nalang ako. "Oh, siya. May papagawa ako sayo."
"Ano una mong papagawa sakin? Makikipaglaban na ba tayo sa iba pang magician? O. Makikipa-" naputol ang kanyang sasabihin dahil binato ko sa kanya ang walis at dustpan. Nasalo naman niya (XD). "Ano 'toh?" Nagtataka niyang tanong.
"Walis at dustpan." Sagot ko.
"Alam ko, pero ano gagawin ko dito? Kala ko ba may ipapagawa ka sa akin?" Tanong uli niya.
"Oo nga, huwag kang masyadong atat lumaban. Ang una mo munang gawin sa ngayon ay linisin mo yung mga nasira mo dito sa kwarto." Sagot ko sabay ngiti. At pumasok na ako sa kwaryo ko para matulog na dahil antok na antok na ako.
Abangan ang susunod na chapter ^_^. Sa susunod na chapter ay may mga labanan nang mangyayari.
BINABASA MO ANG
The Holy War
FantasyThe Holy War, ito ang digmaan sa pagitan ng pitong magician. Bawat magician ay may kanya-kanyang servant, isang servant bawat magician. May mga iba't ibang class ng servant merong Archer, Warrior, Assassin, Berserker, Lancer, Rider at Sorcerer. Kung...