Chapter Eight
Paris, France
Naalimpungatan siya sa walang habas na pagriring ng kung ano mang nagriring na bagay. She groaned and lifted her head to check the time.
8:30
Ang aga-aga pa lang! Well, maaga pa para sa kanya iyan dahil napuyat siya kagabi. Sa wakas kasi ay natuloy na ang victory party nila para sa naganap na Paris Fashion Week. Alas tres ng madaling araw na siya nakauwi sa kanyang sariling flat.
It's been two weeks since she left the Philippines. Two weeks na rin siya dito sa Paris, mabuti na lang at naisipan niya noong bumili ng sariling flat dahil pabalik-balik siya sa lugar, para hindi hassle kapag sa hotel siya palaging mag-i-stay.
Tamad niyang hinanap sa kama ang kanyang cellphone pero hindi naman iyon ang nagriring. Napakunot-noo siya. Sunod niyang dinampot ang telepono sa kanyang bedside table.
"Hello?"
Bonjour madame. The lady greeted in French.
"Yes, who's this?" She asked sleepily.
This is from the reception in the lobby madame, I would like to inform you that there's some people looking for you here.
Doon niya naalala na mahigpit nga pala ang security ng building na kinaroroonan ng kanyang flat. Hindi sila nagpapaakyat ng kung sinu-sino. Kailangan muna ng permiso sa dadalawing may-ari ng flat.
"May I know who they are?"According to them, they are your parents. Namely Alexander and Lilian Nieva. Can I send them in madame?
Doon na siya tuluyang nagising. "Sorry, did I hear you say my parents? You mean, Alexander and Lilian Nieva?"
Yes madame.
"Oh. O-okay." What the hell are they doing here in Paris?! "Send them in, just give them directions. "
Absolutely madame. Merci, bien.
"Merci."
She groaned inwardly. What are they doing here? She ask to herself. Pinilit niyang bumangon para ayusin ang kanyang sarili. Hindi niya alam kung ano ang trip ng parents niya at bigla-bigla na lang pumupunta ng Paris ng wala man lang pasabi.
Mabuti na lang at wala siyang panahong mamalagi sa kanyang flat nitong mga nakaraang araw kaya maayos at malinis pa ang buong lugar. Hindi niya na kailangang mag-ala Flash sa paglilinis."Mom, dad!" She greeted cherfully as she open the door. "What a surprise! Bakit hindi man lang...." Unti-unting namatay ang kanyang sigla ng makita kung sino ang nasa likuran ng kanyang mga magulang. "Nagsabi." She said in a low tone, finishing her sentence. Tuluyan na siyang napakunot ng noo ng makita si Blake at ang mommy nito.
Natauhan lang siya ng sinalubong siya ng yakap ng kanyang ina. "We miss you princess!"
"C'mon mom." She groaned but still accepted her mom's warm embrace. "It's not like it's my first time being away with you for a long period of time. Besides, I've been away from the country just merely two weeks." She rolled her eyes.
Bumitaw na siya sa yakap nito at pinatuloy ang kanyang mga bisita. "Pasensya na po, I've got nothing to offer than coffee. I barely stay here, umuuwi lang ako dito kapag may oras akong matulog."
"Tsk. There you are again, working yourself to death." Saway ng mommy niya.
"Well, hindi sana ganito ka-hectic ang sched ko if I didn't move those prior commitments for that so called wedding." Natahimik ang parents niya, well tahimik naman talaga si Blake at ang mommy nito. Now it's starting to get awkward. Tumikhim siya. "Anyway, let's move on. That issue is long gone. I'll go get you some coffee." Tumayo siya at nagtungo sa kitchen. Hindi niya maiwasang maging sarcastic lalo na kapag kaharap niya ang magaling na si Blake. Andoon parin yung galit niya sa binata, hindi basta-bastang makakalimutan ang ginawa nito sa kanya. Hindi siya iyong tipo ng taong basta-basta na lang nagpapatawad. She damn hold grudges on someone who did wrong to her. At ang kapal lang ng mukha nito para magpakita pa sa kanya!
BINABASA MO ANG
All I Wanted (Bachelorette Series 3)
RomanceBook Three of Bachelorette Series ✔️ Completed (As of 11/01/19 #1 in #fixedmarriage) How do I make him love me when he's already deeply inlove with someone else? How can I have his heart when in the first place, it already belongs to someone else? ...