tiptec #02

292 16 6
                                    

(c) all rights reserved JULY 11, 2013

CLsakuraloves presents

tip-tec #02

Mabilisang love life ba kamo? Okay kol ako dyan, gayahin niyo lang ako sa ginawa ko. Babae kaman o lalake, basta gayahin mo lang ako.

Ako si Viel, isang araw humingi ako ng advice sa napakacute kong ate, kilala niyo ba kung sino sya? Edi si snow white na feeling snow na white. De joke lang, si Ate CL ang tinutukoy ko. Kasalanan niya kung bakit ako nagkaroon ng love life, pero dahil sa kasalanan niyang iyon, heto ako, HAPPY :)

FLASHBACK

"A-rayyyyy! ano ba?! Sino ba yung bumato sa akin?"

Aray! patay na! Ewan ko ba kasi kung bakit ako nakinig sa kalokohan ni ate CL, akalain niyo ba namang sinabi niya sa akin na batuhin ko daw ng crumpled paper yung babaeng gusto ko? The Fvck di ba?  Ang taray niya mag-isip hayyy! 

Pero dahil nandito na to, kakarerin ko nalang, hindi narin naman ako makakatakas, edi panindigan!

"A-i'm sorry Mae"

"IKAW? ikaw ang nagbato sakin? Ibang klase kadin nu? Bakit ka ba nambabato ng papel? Wala ka bang magawa sa buhay mo huh? E kung sinumbong kita kay Ma'am? Asar!!!"

Arouch, imbis na magkalove life yata ako, ay magkakaroon ako ng hater, hindi lang basta basta hater, my love hater. Ang labo yata nun?! Haysst 

"Sorry na nga e"

"Ewan ko sayo! Subukan mo lang ulitin yun, isusumbong na talaga kita kay Ma'am Dey"

"^____^" yan lang nasagot ko.

Pagtalikod niya ibinato ko ulit yung isang papel.

"Viel, ikaw ba nanadya ka talaga huh?" sabi niya with matching nakapameywang pa.

"O--o?"

"Pambihira ka! Anong gusto mo huh? Isusumbong na ba kita. GRRRRR!" matapos niya sabihin yun muli ko syang binato gamit ang last crumpled paper na hawak ko. Yan ang sabi sakin ni ate e, so carry lang yan Viel!

"Ano bang gusto mo huh?"

"Ikaw"

"Anong ako? Baliw ka ba?"

"O-o baliw sayo" hindi kasama yan sa mga sinabi sa akin ni Ate sadyang yan lang ang nasa isip ko ngayon.

"Mukha moooo! Bat mo ba ako binabato ng mga crumpled paper huh?"

"Kasi gusto kita"

"Gusto? tapos binabato? ganun na pala ang nagkakagusto ngayon nu?"

"O-O? yun ang sabi ng ate ko"

"Sino ba yang ate mo na yan? Hindi ba niya alam ang salitang respeto sa taong minamahal niya?"

"Oo nga nu? hindi rin naman ako pabor sa ganyan kaya lang ang sabi niya effective naman"

"ano??"

Pagkatapos nun nilapitan ko siya, kinuha ko yung tatlong crumpled paper sa may ilalim nang upuan niya...

"Sabi kasi ni ate kapag binato kita ng pagmamahal ko, baka batuhin mo din ako ng pagmamahal mo"

"Pagmamahal ba tawag dyan?"

"Oo kasi sinulat ko dito, tingnan mo ohh??" 

Inalis ko ang pagkakacrumple ng tatlong papel at ipinakita ko sa kanya ang 3 words na isinulat ko. Then pinabasa ko sa kanya isa isa.

"I"

"LOVE"

"YOU???"

"Ayan, ayan ang pagmamahal ko at ang salitang yan ay para sayo lang. Sa iyo ko lang ibinato e, Ohh ano?"

"Leche kaaaa!"

Aray! Parang dragon lang siya na nagalit...

Kinuha niya sa akin ang tatlong paper at kinrumpled niya ulit sabay nang pagbato niya sa akin....

"Sabi nang ate mo baka batuhin din kita ng pagmamahal ko kapag binato mo ko di ba? O ayan I LOVE YOU, pero sandali lang may isa pa!" nagsulat siya sa isang papel, kinrumple niya at ibinato niya sa akin, at nung basahin ko.

"TOO?"

"OO, I LOVE YOU TOO!"

Kaya ngayon puno ako ng pagmamahal sa GF ko.. NAGBABATUHAN KAMI E :)

CL TIPTEC : batuhin mo ng pagmamahal ang minamahal mo using CRUMPLED PAPER, baka sakaling batuhin kadin niya ng pagmamahal niya hahaha!

BORING?? OO NGA hehehe ^____^

EXTRA-ORDINARY WAYS to have LOVELIFE : ATE CL tips and techniquesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon