tip-tec #01

634 23 19
                                    

(c) May 25, 2013 by CeeryL. All Rights Reserved

CLsakuraloves presents

tip-tec #01

>>RICA<<

Madalas kong maranasan ang pagtinginan sa labas, sa school, sa daan, or even sa loob ng jeep. Alam niyo yung feeling na "WOW!" ganun na ba ko kaganda para i-admire? Ahaha CHOS lang ^__^.

Seriously, palagi talagang ganun, nag-ssmile lang ako nun, pero minsan deadma nalang may mga taong bastos din kasi minsan na kung makatingin e parang may gustong gawing masama sayo.

Matanong ko lang, paano naman kung yung isang taong makakasakayan mo e gwapo, cute, mabango, maputi, mukhang matalino at higit sa lahat ay tingin ng tingin sayo? nakatabi mo sya sa upuan, pero pansin mo e sulyap ng sulyap sayo. Ano kaya ang magandang gawin? Kakausapin? Papansinin ka naman kaya? Syempre nakakahiya yun di ba?

Palagay niyo kaya, Ano kaya ang advisable na way na safe but unique??

Kung hindi niyo alam pwes ako may alam ako. Itinuro kasi ni Ate CL yung paraang yun. Isa lang ito sa CL tip tec. meaning CL tips and technique para magkaroon ng Love life.

FLASH BACK...

"Bayad po" then sumakay nako sa jeep, pag upo ko huminga ako ng malalim at nag ayos ng upo.

Ilang minuto pa ang lumipas pero hindi padin puno ang jeep, naiinip na kasi ako. Tumingin ako sa may right side ko dun sa may pinto ng jeep para macheck yung mga sasakay pa. Sa pagkakataong ito,dun ko nakita yung guys na katabi ko, nagka contact nga mga mata namin e, almost 5 seconds din siguro then yumuko ako at umiwas ng tingin, kakahiya kasi ang kinis ng mukha niya, ang pula ng labi niya, ang ganda ng mga mata niya higit sa lahat ang bango ng hininga niya waaaaaaaa!

(Bago pala ang araw na to, nakausap ko na si Ate CL bout dito, i mean itinuro na niya sakin yung isang technique sa ganitong pagkakataon. So swerte ko lang kasi alam ko na ang gagawin.)

Pagkaiwas ko ng tingin, may times padin na pakiramdam ko ay nakatingin padin siya sakin and dahil dun, inapply ko ang payo ni ATE CL.

KInuha ko ang tablet ko, nag bukas ng browser and then nag-open ako ng FB account ko. Pero bago yun, i made it sure na nakatingin padin siya sakin or kahit sa anong kinikilos ko. At nung napagtanto kong ganun padin ang set up, ti-nap ko ang tab ko sa may link na TIMELINE, alam niyo kung bakit? Simple lang lilitaw kasi doon ang pangalan ko, alam niyo din ba kung bakit kailangan pa lumitaw ng name ko? MAS simple lang ang dahilan.

Makikita niya name ko, at kung ang taong to ay interesado sakin kakabisaduhin niya ang pangalan ko at isesearch niya ako pag uwi niya sa kanila. Gets niyo? gets ko? gets ba natin? Hahaha.

(Ang galing di ba? Akalain niyo may ganun? Tama naman siya di ba? strategy nga naman at higit pa dun safe at hindi nakakahiya, hindi mo pa iisiping ikaw ang unang dumaMOVES kasi siya yung magsesend ng friend request sayo TAMA? IF EVER LANG..)

5 days had passed wala naman akong natatanggap na friend request. Tss, Asa pamandin ako ng asa. nawalan tuloy ako ng gana haay...

Sabi nga ni Ate CL :

"Ganun talaga, minsan nagiging posible ang imposible, pero minsan nagiging imposible naman ang posible, basta tiwala lang okay?"

Ang lupet niya grabe :)

At kinabukaasan nun....

Someone wants to be my friend,

Cyrus Avelino ang name ang kaso walang profile picture hindi ko tuloy alam kung sino siya. Madami pa mandin manloloko ngayon di ba? Kaya yun hindi ko nalang inadd. But all of a sudden, nag message siya sakin at ang sabi dun...

Hi pretty Rica Olay, just wanna say thankyou nung araw na nakasakayan kita sa jeep, thankyou sa tablet mo, este sa pag-open ng fb account mo nung time na iyon. Ang weird pero pinagpray kong mabigyan ako ng chance para makilala kita. Alam mo bang na-love at first sight ako sayo? Kung alam mo lang kung gano ko kagustong kausapin at tanungin ka at kunin ang number mo pero sakit ko na yata ang pagiging mahiyain kaya yun nauna pa ang hiya. Pero mabut nalang at nagkaroon ako ng pagkakataong malaman ang pangalan mo, mabuti nalang at naisipan mong i-tap sa may timeline mo ang fb mo. Alam mo mula nung araw na iyon,  pagkauwing pagkauwi ko sa amin. sinnearch ko kaagad ang fb account mo.Tiningnan ko mga pictures mo at paulit ulit kong ginagawa iyon. Hmm kaya lang ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob para magsend ng friend request at message, baka kasi ma-reject lang ako e. Tinanggal ko nga pala ang PD ko kasi baka i-ignore mo lang ako e kaya yun.

Anyway, sana hindi yun ang last time na makita kita. I'll be waiting with your acceptance and response though. Hmm Rica, i just hope na, alam mo na ang gusto kong sabihin ... ^____^ take care and Godbless you :)

END OF FLASHBACK....

"Ano nanaman yan? Ikaw ah? parati mo nalang binabasa yang message na yan, nagseselos na tuloy ako..."

"Ehehehe, oo nga e, e kasi naman e, ang sweet sweet ng taong nagsend nito sakin..."

"Owww talaga? wala namang ILOVEYOU, pero sweet padin para sayo?"

"OO naman, e kasi, kasi, kasi........"

Napapikit ako bigla...

"Mas sweet ako pag may I LOVE YOU, i love you Rica..." he said that after kissing me.

Meet CYRUS AVELINO, my soon to be husband, nagseselos yan parati sa message sinend niya dati kasi parati lang daw akong may time basahin yun pero sa kanya wala. Parati din niyang sinasabing hindi naman sweet yun kasi MAS sweet daw siya, lalo na pag sinasabihan niya ako ng ILOVEYOU... Ikakasal napo kami sa JUNE ... YEYYYY! Thanks kay Ate CL :))))

TIP-TECH : (Kung may makakasakayan kayo sa jeep na type niyo, try niyo lang gawin ang ginawa ni RICA, ohh di ba? dahil dun magkakahusband na siya... Simple lang naman ang gagawin niyo kung hiya kayong kuhanin ang number niya, magsurf kayo, i mean mag facebook kayo habang katabi niyo siya, pero make sure na sumusulyap siya sa ginagawa mo, then punta ka sa TIMELINE mo at istop over mo kung saan niya makikita ang NAME mo :) OKAY DOKEY?? HI-5 bebe's :)

EXTRA-ORDINARY WAYS to have LOVELIFE : ATE CL tips and techniquesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon