OF - 6

4 0 0
                                    

*After 1 Month*

Kathryn's POV

Sunday ngayon at naisipan ng barkada ko, barkada ni DJ at barkada ni Kuya na mag-outing. Para mas maging close kami sa isa't-isa. Nasa resort kami ng ninong ko ng magsalita si Gleen.

"Gosh! It's super init na! Asan na ba sila?" Sabi ni Gleen. Arte talaga nito!
"Wait lang girls. Uhm, Ate Lyn, nasan na daw sina DJ?" Magkasama kasi barkada ni Kuya at barkada ni DJ eh.
"Papunta na daw sila. Oh, ayan na pala sila eh!" Finally!
"Hi Antonette!" Nakangiting sabi ni Katsumi.
"Hello Kats!" Sus. Antonette talaga xD
"Hello Gorgeous!" Nagpapacute na sabi ni Kuya Liam kay Elaine.
"Che! Wag mo nga akong kausapin!" Sungit naman ni El xD
"JC! Mahal ko!" Tumakbo si Gleen at yumakap kay JC.
"Tsk. Bitaw nga!" Nag walkout naman kagad si JC.
"Sungit naman nun!" Nakapout na sabi ni Gleen.
"LynadelBabes! Pakiss!" Ahahaha. Mapagbirong sabi ni Seth.
"Halika dito SedricBabes!" Lumapit naman si Seth at hinalikan siya ni Ate Lyn sa pisngi.
"Halika na. Pagod na ako." Ayy, ba't biglang naging matamlay at masungit ata si Kuya? Sumunod naman kami sa kanya papasok ng cottage.
"Uhh. Kuya NJ, asan si Kuya Zayn?" Pabulong kong tanong kay Kuya Niall.
"Susunod na lang daw siya. Delayed kasi flight niya galing London eh." Kaya pala.
"Ahhh. Ok po :)" Teka, asan si Meryll?

Kasalukuyan kong hinahanap si MJ nang nakita ko silang magkasama ni DJ malapit sa pool. Mukhang nagkukulitan silang dalawa. Hinayaan ko nalang sila at baka makaistorbo pa ako. Teka, bakit parang may masakit? Sa bandang puso ko? May heart disease na ba ako? Nag decide na lang akong bumalik sa kwarto namin (magkahiwalay ang kwarto ng boys at girls).

"Oh BebeKath. Di ka pa magsiswimming?" Tanong ni Ate Lyn habang pumipili ng swimsuit.
"Bukas na lang ate. Wala pa ako sa mood eh." Humiga na lang ako sa kama at nag twitter.
"Ocge. Samahan na lang kita. Bukas na lang din ako maliligo." Tumabi sakin si ate at natulog.

Angela's POV

Nasa dalampasigan ako ngayon. Nagmumuni-muni. OP ako sa mga lovers sa loob eh. Hayyy. Habang nagtatampisaw ako sa tubig, may tumawag sa aking napaka pamilyar na boses.

"Baby Ace" Gosh. Isa lang ang tumatawag sakin ng ganun! Lumingon ako at nakita ko ang lalaking nang-iwan sakin noon.
"Baby Zee?" Mangiyak-ngiyak kong sabi. Hindi ako nagkakamali, siya nga to!
"Hi." Wow ha?! Act as if nothing happened?!
"Bakit bumalik ka pa? At kung umasta ka akala mo parang wala lang nangyari ah!" Galit na galit talaga ako sa kanya ngayon!
"Baby please, let me explain first" Hahawakan niya sana ang kamay ko ng sinampal ko siya.
"Wag na wag mo kong matawag na baby! The thought na umalis ka ng bansa, pahiwatig na din yun na tapos na ang relasyon natin!" This time, humahagulgol na ako.
"No, wag mong sabihin yan. Tayo pa rin diba? Mahal mo pa din ako diba?" Lumuluha na din siya.
"Matagal na tayong tapos at di na kita mahal!" Ofcourse I still love him. Hindi lang talaga ako handa sa ngayon. Tinulak ko siya at bumalik na ako sa loob.

"Oh AC, anyare sayo?" Nag-aalalang tanong ni Thalia na kasalukuyang nakikipagsubuan ng ice cream kay Kenneth.
"Wala to. Cge, akyat muna ako." Pumasok kaagad ako sa kwarto. Pero nakita naman ako ni Kath at hindi na ako nakaligtas sa mga tanong niya.
"AC, what happened? You can tell me." Hayy, mabuti na siguro ito para malabas ko naman ang sama ng loob ko.
"Remember nung kinwento ko sayo na I'm currently waiting someone to come back kahit alam ko na malabo nang mangyari yun? Well, he's back. Nakita ko siya kanina." Nagulat naman si Kath at pinunasan ang luha ko.
"Sino? Saan?" Nag-aalalang tanong ni Kath.
"Zayn ang pangalan niya. Nakita ko siya sa dalampasigan kanina." Bigla naman nanlaki ang mga mata ni Kath.
"Omygosh! Si Kuya Zayn? Kabarkada ni Kuya yun!" Sh*t!
"Tadhana nga naman oh! Edi mas lalo kaming madalas na magkasama nito!" Lord, please naman. Wag mo muna akong iharap kay Zayn.
"Teka, pano ba kayo nagkakilala? Naging kayo ba?" Sunud-sunod na tanong ni Kath. Ok, ike-kwento ko na lang sa kanya.

*FLASHBACK*

10 years ago

Nasa park ako ngayon kasi sabi ni Mommy, masaya daw dito. Naglalaro ako ng barbie ng may lumapit saking batang lalaki.

"Hello. Ako nga pala si Zayn Javadd. 9 years old. Ikaw?" Ang cute niya :)
"I'm Angela Colleen. 6 years old :)" Ngumiti siya ng napakalaki.
"Pwede bang Ace na lang tawag ko sayo? Ang haba ng Angela Colleen eh" Sabi ni Zayn na nakahawak sa batok niya.
"Ok. Zee na lang din tawag ko sayo para short lang din" Tumawa naman kami pareho at naglaro.

Naging matalik na magkaibigan kami ni Zayn. Parehas kami ng school na pinapasukan at parang hindi mo kami mapaghihiwalay. Hanggang sa pagtungtong ko ng 15 at siya naman 18, umamin siya sakin na mahal niya daw ako. Alam kong ang bata-bata ko pa nun pero pumayag naman sina Mommy at Daddy dahil may tiwala naman sila kay Zayn. Naging masaya kaming magkasintahan pero nagbago ang lahat ng yun ng umalis siya ng hindi sinabi sakin. 4months pa lang kami nun. Nalaman ko nalang na pumunta pala siya ng London para daw sa Lolo niya. Naiintindihan ko naman yun pero bakit kailangan niyang maglihim sakin? Hindi din siya nagpaalam man lang. May pinapadala siyang mga e-mails pero hindi ko binasa. Simula nun, kinalimutan ko na siya kahit masakit para sakin.

*END OF FLASHBACK*

"So yun nga ang nangyari." Hala! Ba't umiiyak tong si Kath?
"Sorry, na carried-away lang ako. Nakakaiyak storya niyo eh." Hayy nako.
"Tsk. Ang saklap diba?" Pabiro kong sabi sa kanya.
"Bakit kasi hindi mo siya hinayaang mag-explain? Diba sabi mo nagpapadala siya ng mga e-mails? Bakit di mo binasa?" Sabi ni Kath habang pinupunasan ang luha niya.
"Di mo kasi naiintindihan Kath eh. Iniwan ako. Masakit pa eh, di ko pa kayang tanggapin kung ano man ang i-explain at sasabihin niya sakin. Wag muna ngayon, fresh pa ang sugat eh" (last year lang kasi nangyari yung pang-iiwan ni Zayn) Tumawa naman siya.
"Oh siya, cge. Baba na tayo. Wag mo nalang muna pansinin si Kuya Zayn. Kailangan na nating kumain ng dinner eh." Hinatak na ako ni Kath pababa at ako naman eh hindi nag dare na tumingin kay Zayn.

"Guys. Si Zayn nga pala. Kabarkada din namin nina NJ. Kakauwi niya lang galing London. Zayn, mga kabarkada ko na din." Masiglang sabi ni Kuya Haz.
"Hi guys." Cool na sabi ni Zayn.
"KUYAAAAA!" Tumakbo si Thalia at yumakap kay Zayn na ikinagulat ng lahat.
"Kuya mo?!" Sigaw ng barkada at tumango naman si Thalia.
"Hindi ba halata? Hahahaha." Tawa ni Thalia sa reaction namin. Ramdam kong tumingin sakin si Zayn kaya dumiretso na lang ako sa lamesa.

-----
Cliff hanger! Sorry guys, sakit na ng kamay ko kakatype! Hihihi. Ano kaya mangyayari kina Zayn at Angela? Abangan ;) VOMMENT kayo please!

Angela on the side --->
-----
Add and Follow me !!
Instagram : laynaaa
Facebook : https://www.facebook.com/KeiraStyles101?fref=photo

Our FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon