OF - 7

5 0 2
                                    

Zayn's POV

Hindi ako makakain ng maayos at tumititig lang ako kay Ace. Bumalik lang ako sa katinuan ng tinawag ako ni Louis.

"Brad, matunaw si Angela niyan! Hindi mo pa nagagalaw pagkain mo oh!" Ramdam ko ang pagka awkward ni Ace dahil yumuyuko lang siya.
"Siguro type mo si Angela no? Sus, wag mo nang pakawalan yan tol!" Pabirong sabi ni Liam habang tumatawa. Bigla naman linapag ni Ace ang kutsara niya at padabog na umalis.
"Uy, anyare dun? May nasabi ba ako?" Tanong ni Liam.
"Siraulo ka kasi! Ilagay mo sa lugar ang pagpapatawa mo!" Naiinis kong sabi at susundan na sana si Ace nang hawakan ni Ryn-Ryn ang kamay ko.
"Wag muna Kuya. Hayaan mo muna siya, masyado siyang nasaktan." Makahulugang sabi ni Ryn.
"Sige, akyat na ako." Walang gana kong sabi at umakyat. Naisipan kong bukas ko nalang siya kakausapin. Kailangan kong magpaliwanag sa kanya.

Kathryn's POV

Eto na ngabang sinasabi ko eh. Pagkaalis ni Kuya Zayn, tinadtad ako nga mga tanong ng barkada.

"Ano bang meron sa kanila?" Sabi ni Thalia.
"May nakaraan ba sila?" Tanong naman ni Gleen.
"Magkakilala sila?" Obvious namang tanong ni Elaine.
"Chill guys! Ike-kwento ka nalang sa inyo. Ganito kasi yun." Pag-uumpisa ko.

(See Angela's Flashback Story on Chapter 6)

"Andaya naman ni Zayn, wala man lang siya nakwento." Pagtatampo ni Kuya Liam.
"Tumigil ka nga. Hindi bagay sayo!" Napa-irap si Elaine sa pagtatampo 'DAW' ni Kuya Liam.
"Sungit mo talaga love. Pero mahal pa din kita." Nakangising sabi ni Kuya Liam.
"Kilabutan ka nga sa mga pinagsasabi mo!" Nandidiring sabi ni Elaine.
"Babe, gusto mo pa?" Sinubuan ni Thalia si Kenneth ng salad.
"Oy Thalia. Parang wala kang pake sa Kuya mo ah?" Takang sabi ni Seth.
"Sus. Kilala ko ang Kuya ko. Alam kong malulutas niya ito. Talino kaya nun!" Sabi ni Thalia.
"Ahhhhh." Sabi ni Katsumi.
"Ay guys, mag bonfire na lang tayo? May naisip akong activity na gagawin natin." Suggestion naman ni Meryll.
"Game!" Pagsang-ayon naming lahat at pumunta sa beach.

Nakita namin si AC kaya inaya na namin siya at umupo na kami sa sand. Magsisimula na sana kami ng magsalita si Kuya Haz.

"Uy teka. Napaka unfair naman. Andito si Angela tapos wala man lang si Zayn? Hala sige, tawagin nyo si Zayn. Hindi tayo magsisimula hangga't wala siya." Utos ni Kuya kina Kuya NJ at Kuya Lou. Napansin kong naging uneasy si AC kaya kinausap ko siya.
"Wag kang magpaapekto AC, act natural lang. Siya dapat ang kabahan kasi siya ang nang-iwan." Ngumiti naman siya at tumango.

Matagal kaming naghintay kay Kuya Zayn. Pagkalipas ng 10 minuto, dumating na siyang hinahatak nina Kuya NJ at Kuya Lou. Nag form kami ng circle. Nasa kaliwa ko si AC at nasa kanan ko naman si Ate Lyn. Katapat ko naman si DJ na katabi si MJ. Hayyyss.

"Explain mo na ang mechanics ng game mo MJ." Sabi ng pinsan niyang si Kuya NJ. Yes, mag-pinsan po sila.
"Ganito. Parang truth or dare lang ito. Pero ang pinagkaiba is kung sino ang matatapatan ng bote, kakanta siya. Yung kantang nagtutugma sa nararamdaman niya ngayon. Walang tatanggi!" Pagbabanta ni MJ.

Inikot niya na ang bote at tumapat ito kay ......

-----
Ooppsss, nabitin ka ba? Sorry, bawi ako next time :) Next Chapter: puro kantahan ang magaganap. VOMMENT kayo please!

Zayn on the side --->
-----
Add and Follow me !!
Instagram : laynaaa
Facebook : https://www.facebook.com/KeiraStyles101?fref=photo

Our FateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon