1 - 1st day

67 6 9
                                    

*dub dub dub dub

Grabe sobrang kinakabahan nako. Sana maging ok talaga ngayon :( 

Bakit naman kasi pinanganak akong mahiyain. nga ba? :) sensya na mejo kulang ako sa confidence lalo na kung first time ko pa lang sa isang place at wala pakong masyadong kakilala.

Eto na. Eto na talaga. Papasok nako sa service. Sino kaya sila? Mabait kaya sila? Magkakaroon kaya ako ng mga friends dito? Sana magkaroon ako dito kahit isang kaclose man lang. Pero okay lang din kahit ayaw nila sakin basta mag-aaral nalang akong mabuti. Yun naman talaga yung dahilan kaya ako papasok ng school. Right guys??

Nga pala di pa ako nakakapagpakilala sa inyo!! Ako nga pala si Curshaine Lee isang new student sa Aero Windford Academy. Simple lang ako. Wala masyadong arte. Di rin ako mahilig mang-approach ng tao. Sanay ako na ako yung inaaproach pero don't worry approachable naman ako saka mejo friendly ^_^

Lagi nalang ako kinakabahan pag first day of school lalo na ngayon kasi freshman lang ako at wala pang masyadong alam tungkol sa school na to'. 

Grabe sobrang laki talaga ng school na to'. Let me picture out yung Aero Windford Academy. Pag hindi ka pa nakakapasok sa entrance, aakalain mong isang malaking palasyo na may river pa sa tig-isang gilid. with matching arch (yung parang sa barbie and the diamond castle). Tapos mala-princes and princesses ang pagpasok sa main entrance. Pano ba naman red carpet yung dadaanan ng mga students. Kala ko nga nandun na yung mga rooms yun pala sasakay pa kami ng underground train. Bago ka makasakay sa train, may two ways dun na parang intersection, depende sa kung anong building yung room mo. Naka-classified yung 1st way from building A to D which is in the west part. While yung another way, from building E to H na nasa east part.

Imaginin nyo na lang kung gano kalaki yung school na to'. Kaya halos magkaganda ligaw-ligaw nako at nakakahilo pa kasi kanina pako paikot-ikot dito kakahanap sa room B304.

Naglalakad nako ngayon sa hallway nang biglang may bumangga sakin na kanyang dahilan ng pagkabagsak ko sa floor at ng mga gamit ko -_-. Sa kakamadali nung lalaki, nag-sorry nalang sya at nagpatuloy sa pagtakbo.

Aishh pagod na pagod na nga ako kakahanap ng room tapos may bubunggo pa sakin -_-, yan tuloy nagsihulog yung mga gamit ko. Kay aga-aga binibwiset ako.

Buti nalang wala masyadong nakakita sa pagbagsak ko. Kundi sobrang kahihiyan nanaman to'. Ayaw ko na talagang iharap pa tong mukhang to'.

After 123445345234 years at nakita ko na rin yung room namin. Mejo na-aamazed pa ako kasi kahit yung pintuan nung room anlaki. Parang hindi ata school tong napasukan ko :)

Papasok palang ako ng biglang may kumalabit sakin. Grabe ang ganda nya kahit hindi sya ganun kaputi. Yung buhok nya ang haba na straight na mejo silky na ambango ahahaha. Pwede na syang maging model. Baka model talaga sya?!? Malay natin, mejo matangkad din kasi sya tapos ang sexy. Hahaha!!! Di po ako lesbi ahh :D baka akalain nyo lang hehehehe....Girl crush lang po ^_^

"Uhmm miss eto ba yung room B304? Kanina pa kasi ako paikut-ikot eh sabi nila dito daw yung building B."

Mygosh kinausap ako ng girl crush ko hahaha. Kaya mejo na-freeze ako sa pwesto ko at nag-nod lang. Ngumiti naman sya sakin. Feeling ko mabait sya at approachable... :D sana maging friends kami.

"Uhmm new student ka ba? Ako kasi new student. Hehehe kaya mejo di ko pa masyado kabisado tong Aero Windford Academy. By the way, I'm Hayley McQuillen. Pwede ba tayo maging friends since tayo yung unang nagkakilala dito hehehe."

"ahhh..Ehh...oo new student din ako. Curshaine Lee but you can call me Shailee. Gusto mo tayo maging friends?!?" Mejo nahihiya pa ako makipagusap. Saka kaya ko naman yun tinanong kasi baka jinojoke lang nya ako dba?

Sorry, I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon