Chapter 53: The Burial

1.6K 50 5
                                    

Last week lang. Last week lang nung nagluto kaming magkakasama nina Big Ben at Seb. Last week lang, sobrang saya pa namin at punung-puno pa siya ng saya at lakas. Isa sa mga pinakatahimik na sakay ko sa isang sasakyan, ang pagpunta namin sa simbahan ni Brent. Wala ni isa ang nagsalita sa amin, walang kumibo. Habang siya, sa daan ang tingin; ako sa kawalan.

Kasi ayaw mag sink in. Hindi pa rin ako naniniwalang totoo yung sinabi ni Brent. Pero bakit naman siya magbibiro ng ganoon di ba? Kung para lang kausapin ko si Mama Tori, hindi naman siguro kailangang umabot sa ganto, hindi ba?

"We're here, Cade." Saka lamang ako nagising sa katotohanan ng hawakan ni Brent ang kaliwang kamay ko.

Tumingin ako sa kanya, at hindi napigilan ang sarili ko na mapailing, "May oras pa para sabihin mong joke lang 'to, Brent."

Napayuko si Brent, at ang tanging natanggap ko mula sa kanya ay ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Napapikit ako nang makaramdam ako ng matinding sakit sa puso ko. Pakiramdam ko may kamay na nasa loob ng dibdib ko, at mahigpit na nakahawak sa puso ko- pahigpit ng pahigpit ng pahigpit.

Lumabas si Brent sa sasakyan, hindi rin nagtagal ay pinagbuksan na rin niya ako ng pinto. Pagbaba ko, tumingin ako sa paligid.

Nasa harap kami ng isang maliit na simbahan, simbahan na ngayon ko lang nakita; simbahan na nasa gitna ng malawak na damuhan. "This church is owned by the Ynarez's."

Bahagya lamang akong tumango bilang sagot. Muling hinawakan ni Brent yung kamay ko, subalit inalis ko ito. "Okay lang ako." Mahinang sabi ko sa kanya. bahagyang humawak ako sa kamay niya, sa may bandang pulso niya, yung tama lang na maaalalayan niya ako. "Ganito na lang." Sabi ko sa kanya.

Tumango siya, "Are you ready?"

Kahit na umiling ako bilang kasagutan, inalalayan niya ako paakyat sa simbahan. At sa bawat paghakbang ko pataas, pabigat ng pabigat yung paa ko; at pabagal ng pabagal yung mpagtibok ng puso ko. Pakiramdam ko, panandaliang tumigil ang pagdaloy ng dugo sa katawan ko, at wala akong ibang marinig kung hindi ang mabagal na pagdaloy nito.

Dahan-dahang binuksan ni Brent ang malalaking pintuan sa harap ng simbahan, dahan-dahan lang dahil may seremonya pang nagaganap.

Nang marinig ko ang tunog ng kampana, at ang pag-iyak mula sa mga taong nakaupo, doon. Doon ko lang talaga napagtanto na wala na si Big Ben. Na totoo ang lahat, iniwan na niya kami.

Panandaliang nawalan ng lakas yung mga paa ko, mabuti na lamang at nandyan si Brent para saluhin ako, "Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.

Tumango ako, kahit hindi naman talaga 'oo' ang sagot ko.

"Thalia! Thalia!"

Nagulat ako nang makarinig ng maliit na tinig na paulit-ulit na isinisigaw ang pangalan ko. Pagyuko ko, nakita kong si Ashton iyon, at nakataas ang kanyang mga kamay. Tinignan ko si Brent upang ipahawak muna sa kanya yung bag ko, kinuha naman niya ito. Bumwelo ako, at binuhat si Ashton. Niyakap kaagad niya ako at itinago ang ulo niya sa pagitan ng leeg ko at balikat ko. "Big Ben's dead." Bulong niya sa tenga ko, kasabay ng pagramdam ko ng mainit na pagpatak ng luha niya sa balikat ko.

Binilasan ko ang pagkurap ng mga mata ko upang pigilan ang sariling mga luha ko na nagbabadyang kumawala rin. Napansin kong nakatingin sa akin si Tito Juan, yung daddy ni Ashton pati narin si Tita Maricon, mommy niya. Nginitian lang nila ako, at hinayaan lang si Ashton sa balikat ko. Bakas sa mga mukha nila na wala pa silang tulog.

"Why did you come just now?!" Napatingin ako sa side ko, nakita ko si Maybel na napakasama ang tingin sa akin at nakapamewang. Pero kahit mataray ang itsura niya, nakita ko ang panginginig ng mga labi niya, kaya naman kaagad ko siyang nilapitan at niyakap. Hindi nagtagal, ay humagulgol siya. "You should've come earlier." Mahinang sabi niya sa akin.

Western Heights: Casanova's PropTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon