Umaga pa lang sa labas ng Pennsylvania nag-aabang na ako sakanya..
Naka-sandig ako sa Tagong Poste kung saan kita ko ang malawak na Campus ng school na pinapasukan niya. Sampung minuto palang naman ang nakakalipas simula ng makarating ako para Silipin siya. Nakaka-dalawang sindi na din ako ng sigarilyo dito sa tinatambayan ko. Sa kabilang street ko ipinarada ang sasakyan ko para hindi maging kapansin-pansin ang pagtigil ko sa tapat ng gate nila.
Hanggang sa dumating na siya..
Tiningnan ko lang ang pagbaba niya sa sasakyan nilang Audi TT Black, sinundan ko siya ng tingin simula paglakad niya papasok hanggang paghinto niya sa gate para sa inspection.
Hindi padin talaga siya nag-babago, pala ngiti pa din siya tulad ng dati hindi pa din nababago ang pagiging nerd at weirdo niya Tss..
Nabalitaan ko ang mga pagka-panalo niya, Parehong-pareho sila ng kuya niya. Kung sabagay ano nga ba ang dapat ipagtaka eh magka-dugo sila..
Bahagya na lang ako napangiti at tsaka dumura.
Malapit na Shin..
Malapit na tayo magkita, makikilala mo na ako..
Susubukan natin ang talino mo gaya ng kakayahan ng kuya mo..
Matapos ko siyang titigan ng matagal ay pinatay ko na ang sigarilyong hawak ko at tinapakan gamit ang sapatos ko tsaka nagpasyang umalis.
Shin's POV
Papasok na ako sa PSA, akala ko malalate ako mabuti na lang at sakto sa oras!
Hinatid ako ni Mikoy driver namin, actually matanda na siya pero gusto niya daw na tawagin na lang siya sa pangalang Mikoy para nakakabatang pakinggan.
Pagdating sa tapat ng school ay agad na akong nagpaalam kay Mikoy at bumaba sa kotse. Pagdaan ko naman sa gate ay huminto ako for inspection.
" Ang aga niyo yata Ms Shin?" Biro ng guard namin na si Mang Eser.
Bahagya naman akong napatawa at ngumiti sakanya.
"Late na nga ako mang eser eh!"
"Haha O' siya, pumasok na po kayo. Okay na at ilang minuto lang ay mag bebell na. " paalala niya sabay turo patungo sa daraanan ko.
"Sige po, salamat mang eser!" At Nagdali-dali na akong tumakbo papunta sa Building kung saan nandoon ang room ko.
Nang makarating ako sa room ay agad na akong umupo sa unahan dahil nakita ko ang teacher namin na Papasok na.
BINABASA MO ANG
MY NOTORIOUS DOWNFALL
Teen FictionSi Shin ang babaeng Ex-change student na Maglalakas loob pumasok sa Denville Academy kung nasan ang isang tumpok na Notorious na grupo para lang sa goal niyang grumaduate ng Salutatorian sa school nila . Maipasa kaya niya ang pina-pagawa ni princi...