MNDF #2

10 1 0
                                    

Shin's Pov


Matapos ng klase ay hinintay ko lang si Mikoy sa gate dahil sinabi niya susunduin niya raw ako. Habang naghihintay ay umupo muna ako sa may bench sa waiting area ng may biglang dumaang taga Denville academy.



Mga naka Black coat, white long sleeve sa loob at neck tie na black at slacks na black din. Kung tutuusin ay parang nakapormal rin sila pero parang sa intsek din ang kwelyo nila nakataas pero maiksi na abot hanggang kalhati lang ng leeg nila. Balita ko ay iginaya raw nila yon sa uniform sa Japan. parang sa Slumdunk nga eh! Haha



"Grabe talaga ang grupo nila Jimmy! P*ta muntik na atakihin si Hernan! HAHAHAHA " narinig ko pang kwento ng isa.



Bakit sila napadaan dito? Eh may kalayuan ang school nila samin?



"May Part 2 yun bukas pre! On-going amg series nila eh. Hanggat di nakaka-alis ang mga yun tuloy ang lagim sa DSA. " dagdag pa ng isa.


Pinilit ko na lang wag makinig  kahit na ang lakas-lakas ng mga boses nila! d-_-b

Hanggang sa lumipas ang sampung minutong paghihintay ay nakikita ko na ang sasakyan namin.


Grabe! San pa siya nagpunta?!





"Ms. Shin! Sorry na-late ako traffic kase banda sa Denville eh." Dahilan niya sakin na bigla namang ikinawala ng inis ko.




"Denville? Bakit?" Mapapadaan ka kase talaga sa school na yun. Bago samin.




"Eh may grupo ng mga lalake ang nag-aaway sa labas. Grabe Miss halos parang nagtatayaan lang sila kase nagtatawanan lang. Ewan ko ba sa mga binatang iyon! " pagki-kwento niya habang inaayos  ang seatbelt niya at tsaka pinaandar ang sasakyan.




"Nagtatawanan? "





"Oo miss! Puro sugat nga ang kalaban, samantalang yung grupo ng bigotilyo ay wala maski isa! Na-angasan nga ako miss! Kase parang inaantok pa siya. " saad niya na halatang namangha talaga sa nakita.




"Ahh kaya ka nalate mikoy? Ganon ba? Kase nakita mo ang mga idolmong kinabog si San Goku at Saitama? " Sarcastic kong  sabi sakanya habang naka-cross arms at prenteng naka-upo.

MY NOTORIOUS DOWNFALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon