Taki POV
"Taki, samahan mo ako" sabi ni Nami at hinila ako papunta sa clasroom ng mga boys. Anong gagawin namin dito?
"Nami, anong gagawin natin dito?" tanong ko sa kanya.
"Well, aabangan lang naman natin si Kyo!" masiglang sabi ni Nami.
"Sinong K--" di ko na natapos ang sasabihin ng mapansin kong biglang lumungkot ang mukha niya.
"Nami, bakit?" nag-aalalang tanong ko sa kanya.
"Aish. Wala siya dito, tara na nga!" sabi niya sabay pout.
"Sino ba kasi yu--" Okay. Naputol na naman ang sasabihin ko ng magsalita siya.
"Waaah! Taki si Kyo!" sabi niya
Tinignan ko naman yung Kyo na sinasabi niya at napansin kong palapit ito sa amin. Pero may kasama siyang dalawang lalaki yung isa na naka-blonde at yung isa na naka-black hair lang.
"Hi, girls" bati nung Kyo sa amin.
"H-hello" nahihiyang sagot ni Nami sa kanya. Hahaha nagba-blush si Nami.
Napansin kong naglabas ng phone si Kyo at--"Can i have your number?" nakangiti niyang tanong. Sa a-akin? Waah! Mukang manyakis.
Bago pa ako makapagsalita sumingit na si Nami.
"Number? Uhm. Yes" sabi ni Nami.
Grabe mukha talagang manyak yung Kyo na yun. Mukhang praning maka-ngiti.
Aish. Maka-alis na nga. Masira pa mood ko sa mukhang manyakis na ito eh. Hmp.
Aatras na sana ako ng biglang--
Aray! Nagkabanggaan kami nung lalaking naka-blonde yung kasama ni Kyo!
Infairness! Ang gwapo niya di tulad nung Kyo na yun!
"Sorry" sabi niya.
Di ko na ito pinansin at tumakbo nalang ako.
~~
(Recess)
Nandito kami ngayon sa canteen.
Malamang recess eh, alangan naman nasa Library? Juk lang. V"Taki, ano sa'yo treat ko. Dahil good-mood ako ngayon?" tanong niya habang nakangiti.
"Uhm. Vanilla Cake nalang tsaka Pineapple Juice" sabi ko at ngumiti din.
"Okie. Wait me here!" masiglang sabi niya.
Hay naku! Iba na ba ang taste ni Nami at nagkagusto siya dun sa mukhang manyak na yun?
"Eto na!" masigla na naman niyang sabi.
Nilapag na niya ang food ko at nagulat ako.
Halos nanlaki talaga ang mata ko. Tulad nitong nasa baba!O______________________O
Pano' ba naman yung inorder niyang food ay Chocolate Cake na may ketchup with mayonnaise and cheeswiz ang ibabaw. Dafudge. Ay! Wala na talaga itong taste.
"O' , anyare sa mukha mo, makatitig ka para bang diring-diri ka?" tanong niya sabay subo ng Chocolate Cake niya with matching ketchup, mayonnaise, and chesswiz sa ibabaw. Ay! Haba ng name.
"Bakit ganyan yung inorder mo?" tanong ko.
"Hindi ko nga din alam eh" sabi niya sabay pout.
Naknang! Nahawaan na ba si Nami ng mukhang manyak na Kyo na yun!?
♡♡♡