Taki POV
"So, ano friends?" nakangiting tanong ng mokong na to'.
Ang kulit gustong makipag friends, eh ayoko nga. Hmp.
"Bakit ba gusto mong makipag-friends?" tanong ko
"Wala lang" sagot niya
"Eh! Wala naman pala eh, aalis na ako" sabi ko at akmang aalis na.
"Sige na!" pangungulit niya.
Aish. Ano makikipag-friends ba ako mga readers!?
Bahala na nga.
"Sige, sige" sabi ko at akmang aalis na ulit pero hinatak niya yung braso ko.
"What do you mean?" gulat niyang tanong.
"Oo na, friends na tayo" sabi ko at tuluyang umalis na.
~~~~~
5 months later........
Naging maganda naman ang samahan naming tatlo nina Miko, ako, at Nami.
Si Nami ayun nanliligaw kay Kyo, pero si Kyo di siya pinapansin.
Si Miko naman, ayun makulit pa rin pero lalong guma-gwapo. :D
Kinikilig nga ako sa tuwing nangungulit siya sakin. Oo, inaamin ko may gusto ako kay Miko, pero pinipigilan ko hanggat maaga pa kasi ayokong masira friendship namin.
"Taki, may sasabihin ako sa'yo" seryosong sabi ni Miko.
Bakit parang kinabahan ako.
"A-ano yun?" tanong ko.
"Uhm. Mamaya after class magkita tayo sa park" sabi niya.
Gaano ba yun kaimportante at gusto niya sa park pa namin yun pag-usapan.
Tumango nalang ako at ngumiti.
"Sige, mauna na ako Taki may class pa kasi ako" sabi niya at tinapik ako sa balikat.
"Sige" sabi ko at ngumiti.
Tumalikod na siya at naglakad palayo
~~~
Miko POV
Haist. Aamin na ba ako sa kanya?
Paano kung masira ang friendship namin?
Takte. Bakla na kung bakla, basta kinakabahan ako.
Hooo! Kaya mo yan Miko.
Puta. Nakakabakla talaga. Sana pumayag siya.
Kasi sino ba namang hindi magkakagusto sa kanya, eh ang ganda na niya, ang bait pa, tapos matalino.
Sa lahat ng naging karelasyon ko.
Sa kanya lang talaga ako kinabahan manligaw.
Tsk. Go with the flow na nga lang.
~~~
A/N:
Hahaha. First time magkaroon ng POV si Miko, kinabahan pa siya. :D
Btw, kanino kaya aamin si Miko?
Mmmmmm.....