she's been kidnapped!

12 1 0
                                    

Naglalakad ako sa isang madilim na pasilyo ng aming garden. Ininhale ko lahat ng masarap na simoy ng hangin.Inisip ko lahat ng dapat isipin nang biglang may humablot sa kin at tinakpan ang aking bibig.

May kung anong nakakahilong amoy ang pinantakip sakin. At unti-unti ay nagdilim ang aking paningin.

Nagising ako sa isang silid. Ano ba to? Plaging ganto nalang ba ang eksena sa buhay ko? Pero sa pagkakataong ito, hindi ospital ang hula ko.Nasa pamamahay ako ng kung sino!

Nilibot ko ang buong bahay,hanggang sa mapadpad ako sa may kusina. Narinig kong may tao run,dahil narinig kong may gumagalaw sa mga kitchen utensils!

Tinangka kong maghanap ng matulis na bagay.Buti nalang at may nalingon akong basag na salamin.

Hinanda ko iyon.Upang isaksak sa lalaking nakatalikod. Matangkad ito at matipuno ang katawan.

"yaaaa..."

Pero.. hindi! Napigilan niya ang kamay ko. Grabe! ang lakas naman ng pandama ng lalaking ito!

Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak-hawak na basag na salamin. Pinisil niya iyon hanggang sa dumugo ang aking kamay!. Diniinan niya pa lalo ang pagkakahawak sa kamay ko dahilan para tumulo ang dugo sa sahig na nanggagaling sa kamay ko.

"Ano ba! Nasasaktan ako!'

Emotionless ang lalaking kani-kanina lang ay nakatalikod.Samantalang maluha-luha na ko sa nakikita't nadarama ko!

Natapos ang ganong eksena sa gamutan.Bipolar ba ang lalaking ito? kani-kanina lang halos patayin ako sa sobrang sakit tapos ngayon, ginagamot ang sugat ko?

"Sino ka ba? Ba't mo ko kinidnap? Anong kailangan mo sa kin?"

Sunod-sunod na ang mga katanungan ko.Tumingin siya sakin, at itinigil ang paggamot.

"ako si sid! Alam mo bang may atraso ang pamilya mo sakin?.Kaya kung hindi man nila mabayaran ang kasalanang yon,ikaw ang magbabayad"

"PERA? pera ba ang kailangan mo? Pakawalan moko at ibibigay ko sayo ang gusto mo!"

"Nagkakamali ka!"

Pagkatapos niyang sabihin yon ay tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa sofa

"Magsho-shower muna ako!"

MY KIDNAPPER AND ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon