Chapter 1: Ako si Obet

28 0 0
                                    

“Hoy bata ano yan?”

“huh, wala po”

Lumapit sa akin ang isa sa mga nagbabantay ng grocery

“patingin nga”

Pinakita ko sa kanya ang dalawa kong kamay at ng wala syang makita ay kinapkapan ako.

“ano bang hinahanap mo?”

“hindi ko rin po alam eh, nakalimutan ko po kasi, sige alis po muna ko tatanong ko ulit” sabay hakbang ng konti at konting kamot sa ulo

“sige” at tumalikod na sya, kasabay ng pagtalikod nya ay ang pagbalik ko at ang mabilisang pagdampo’t ko ng dalawang lata ng ligo sardines isang pula at isang green syempre para di halata yung maliit lang binulsa ko ito at dahang dahang lumabas na parang walang nangyari.

May pangulam na kami isa para ngayon at isa para bukas. Hihihihi :))))

_______________________________________________________________________

“ikay!” sigaw ko habang papasok ng bahay

“kuya, andyan ka na pala”

“asan si tatay? Nilagay ko sa lamesa ang mga delata at nagumpisa ng maghain

“syempre nasa kanto nakikipaginuman kila manong juan, kuya nakita mo ba yung bagong laruan ni tintin?”

“yung Barbie doll?”

“oo kuya ang ganda no, kelan kaya ako magkakaroon ng ganun?”

“gusto mo ba nun?”

“oo kuya gusto ko nun”

“edi hiramin mo”

“eh kuya ayaw nya nga kong pahiramin ng mga laruan nya di ba kasi baka sirain ko lang daw”

“o sige hahanapan kita nun”

“talaga?”

“oo pero hanap lang hindi bili”

“kuya naman eh”

“ahahaha. Kumain na nga tayo”

Ako si obet, labing dalawang taong gulang at si Ika kapatid ko sampung taong gulang na sya, kung titignan mo parang dalawa nalang kami pero sa totoo lang tatlo kami, ako si  ika at si tatay kaya lang si tatay simula noong namatay si nanay dahil sa aksidente naging ganyan na sya kain, tulog, inom ng alak. hinahayaan nalang namin sya minsan kasi kinausap namin sya kaya lang sinigawan lang nya kami. mahal namin si tatay at alam kong kahit ganyan sya mahal rin nya kami, pero sana dumating yung araw na maging maayos na sya, sana balang araw bumalik na sa dati ang lahat. sana.

_____________________________________________________________________________

"kuya! kuya!" sigaw ni ikay

"mmmm"

"kuya, bangon na!"

"bakit?"

"sabi ni mang berto isasama ka daw nya sa pagpasada nya ng jeep"

"huh?!" bigla akong napabanon ng marinig ko ang sinabi ng kapatid ko

The Reality of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon