Chapter 2: Tindero sa Bus

23 0 0
                                    

Lakad. 

Sampa sa bus.

"oh mani, mani, mani kayo dyan. bili na kayo mainit bagong luto"

Baba sa bus.

Lakad.

Sakay sa kabilang bus. 

Alok ng paninda.

Baba.

Araw -araw ganito ang nangyayari. halata mo naman siguro na isa ako sa mga taong sumasakay sa bus at nagtitinda ng mga pagkain, iba-iba ang paninda ko minsan ice candy, minsan kasoy, at minsan naman dyaryo. pero ang tinda ko ngayong araw ay mani. Sampu isang balot, masarap ito mainit init pa, ano bili ka?

Ang ganitong buhay ay mahirap, delikado pwede kang madisgrasya pero bakit ko ito ginagawa kasi kailangan, kailangan kong may maiuwing pagkain para sa pamilya ko, hindi man ganun kalaki ang kinikita ko dito ayos na rin yun, mas ok na ito kaysa naman sa nakatunganga kaming lahat ng pamilya ko at walang makain.  

Sapat-sapat lang ang kinikita ko dito sakto para saming apat, sa akin, sa asawa ko, at sa dalawang kong anak 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 22, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Reality of LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon