Chapter 3

0 0 0
                                    

Andrew's P. O. V.

Umakyat na ako papunta sa kwarto namin at nung pumasok ako sa loob, may mga paperbag ng H&M at mga bulaklak sa sofa.

"Kanino galing tong mga to?" Tanong ko ng pasigaw kay Joan habang nagbibilang ng mga paperbag.

"Kay Jake. Bagay ba sakin?" Sabi niya pagkalabas niya ng banyo. Sinusukat niya ang mga damit habang nakatingin sa salamin.

"Kay Boss?! Nililigawan ka ba nun?!" Di ko mapigilang taasan ang boses ko. "Diba may boyfriend ka na?! Bakit nagpapaligaw ka pa?!"

"Andrew hindi ako nagpapaligaw kay Jake-"

"Eh anong ginagawa niya dito kanina?!" Tanong ko ng pasigaw. "Magkasama ba kayo kanina?!"

"Alam mo namang ayaw kong sinisigawan ako-" 

"Magkasama ba kayo kanina?!" Tanong ko ng pabulong, yung tipong pasigaw parin at galit.

"Pilosopo! Hindi kami magkasama kanina!" Siya naman tong galit. Tinanggal niya ang kwintas na kumikinang kinang. "Sinundo niya ako kanina sa tindahan. Nagulat nga ako eh,. Sabi niya day off ko muna daw-"

"Dapat umuwi ka agad!" Sigaw ko sa kanya.

"Hindi pa ako tapos magsalita diba?! Nagpasalamat ako. Nagpaalam na ako para umuwi tapos niyaya niya ako sa SM! Bakit ako tatanggi? Minsan na nga lang daw siya sa Pinas eh! Pinagbigyan ko siya-"

"Tapos nagdate-"

Biglang tumunog phone ko. Hinablot ko ito sa bulsa ko para sagutin.

NaghihintayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon