Kinabukasan, pinag usapan na namin ang plano niya.
"So ayun nga, ano? Game?" Tanong niya sa akin. Okay na siguro yun?
"Oo na, sige na. Lilipat na tayo." Sabi ko.
"Yayy!" Sigaw siya sabay yakap sa akin. "Thank you talaga ah! Ang tagal ko nang pinapangarap na makapunta sa Maynila! Thank you talaga!"
"Oo na, sige na. Pasalamat ka mahal kita eh!"
"Kailangan tayo lilipat?" Aba, tuwang tuwa. Ay, oo nga pala. Pangarap niya nga pala yun. Di ko naman pinangarap yun kahit di pa ako nakakapunta dun. Hays. Mga babae nga naman.
"Pag iisipan ko muna."
"O sige. Mag eenpake na ako ah. Iwan muna kita dya-"
"Wag kang excited. Next year pa tayo lilipat."
Sabay simangot si Joan. "Ano ba yan! Next week nalang-"
"Next month!"
"Next week!"
"Next year!"
"Bukas!"
"Bukas?!-"
"Ayun! Sabi mo yan ah. Mag papack na ako ng damit." Sabi niya sabay pasok sa kwarto.
At ako? Naiwan akong nakatulala sa kusina. Luging lugi ako. Bukas? Maynila? Di ko nga alam pano pumunta dun! Tapos babiyahe kami bukas? Para ano? Maghanap ng trabaho? May matitirhan ba kami doon?
BINABASA MO ANG
Naghihintay
عاطفيةTsaka na yung description kapag tapos na yung story Yung mga chapters sa story na to, paiba iba ng haba. Sana mag enjoy ka sa pagbabasa.