Let the adventure begin

3 0 0
                                    

Chloe POV

Hay naku nakakatamad naman ang  palaging mag isa, palaging may kulang. Yan ang buhay ng isang single nabubuhay na lang palagi sa pagasa na sana dumating na yung the one and only of my dreams,kaso  tulad nga ng sinabi ko palagi na lang silang paasa. Sana magkaroon ng pagkakataon na makikita ko sya, makakasama, yung tipong kikilighin ka, kaso  parang napakalabong mangyari  non kase lahat na ng tao ngayon masyadong napapaandar ng looks, sexy body,popularity,at higit sa lahat pera .

Eto na nga yung araw  na parang may pagbabagong darating yun  bang parang may isang bagay na magpapabago ng takbo ng mundo ko. Ewan ko ba parang feel ko lang.

''Ma sasali ba ako don parang magsasayang lang ako ng pagod don''habang nakabusangot ang mga nguso ko. Eh ayaw ko man talaga eh, kaso parang napilitan lang ako kasi nakakahiya naman kasi kung  tatanggi ako diba

''Edi sumali ka wala  naman mawawala kung sasali ka eh. Tsaka pera naman may talent ka,Hindi yung puro ka video games'' Ewan ko ba Kay mama palagi nya akong sinusuway sa paglalaro ko ng games. Dito lang naman nawawala ang pagka bored ko, aagawin nya  pa sakin

''Oh sha maligo kana at alas dos na maglalakad ka pa nyan  tandaan mo wala tayong driver na maghahatid sayo''Payo  ni  mama sakin habang nanonood ng t.v.

Pero isa talaga ang kalaban ko tuwing may lakad ako. Eto ay ang paghahanap ko ng damit palagi kasi akong nahihirapan sa pagpili. Hindi ko alam  kung ano ba ang babagay  sakin. Hindi kasi ako yung type ng babae na mahilig magsuot ng fitted ,mahilig ako don sa mga maluluwang.sabihin na nilang manang pake ko ba sainyo trip ko to atchaka bagay ko naman kaya.

At sa wakas pagkatapos ng mahabang panahon ay nakahanap narin ako ng plain t shirt na white at  pants at habang nagaayos ng mukha  ng  may biglang.....,.........

Peeeeeeeep.       Peeeeep peeeeèeeeeeeeep

Aba  talagang may sundo  pa ako. Pa-VIP lang ang peg sabagay  minsan  lang yan kaya lubos lubusin mo na.

''Chloe bilisan mo na at may naghihintay sayo wag mong paandarin ang kakuparan mo'' aba eto talagang si  mama paalis nalang manenermon pa

''Opo palabas na po  ako ''sabay halik sa pisngi ni mama.

Napatingin naman ako sa driver. Aba gwapo at mukang  Korean obvious naman sa kulay at mata.

''Hi'' bati nya sakin nginitian ko lang sya. At mayamaya nakarating narin kami sa church. Buti naman nakarating nakami kasi medyo na ookwardan ako sa kanya eh

''Glad to see you here''Sabi sakin ni samunim. Si samunim talaga di  nagbabago mabait parin.

''What kind of instrument do you want to learn'' tumitingin tingin naman ako sa paligid.may nakita akong drums kaso ayaw ko yun baka pagkamalan pa akong tomboy. ayaw ko rin naman ng violin nakaka-stiff neck at no choice ako piano ang natira sa tingin ko naman parang madali lang to. Kaya yun tinuro ko yung piano

''I'm fine with these'' Sabi ko sa kanya tapos bigla  naman nyang  tinawag yung driver  kanina. Tapos nagusap na sila  syempre koryano ang language nila kaya di ko maintindihan nakita ko nalang kumuha ng upuan yung driver tapos tumabi sakin

Syempre katulad ng nakasanayan kailangan ng pagpapakilala ng bawat isa

''Hi I'm Tristan and i am  going to be your teacher. How about you what is your name?'' Syempre agad naman akong sumagot ayaw Kong mapansin nyang naaamaze ako sa kagwapuhan nya.

''I'm Chloe Shayne '' sabay shake hands

''What a nice name '' Sabi nya

Katulad ng inaasahan nakakapagod puro basic lang naman ang tinuturo nya sakin . pero grateful ako kasi puro papuri ang naririnig ko nila sa kanya

''Great'' ''awesome'' ''you did a good job''

Hanggang  sa matapos ang dalawang oras  ng pagtuturo nya sakin kinilig naman ako dahil di sya umalis sa tabi ko . ganito pala ang feeling kapag kinikilig. Ang sarap  pala sa feeling parang NASA heaven. Maya maya ay tinawag na kami para mag pray para sa miryenda. Don ko naman nakilala  si kuya  Dwight dahil sya yung naglilead ng prayer.




Habang nakikipagchikahan ako sa mga bata , napansin  ko namang biglang hinagkan ni kuya Tristan si kuya  Dwight. Aba aba may nabubuo yatang bromance  dito. Ano bang Ibig sabihin nito naging paasa na naman ako. Tama  nga sila sa kasabihang '' dati  konti lang ang lalaking gwapo ngayon konti nalang ang gwapo na lalaki''. Inaamin ko medyo nasaktan ako sa nakita ko pero wala naman akong karapatan magreklamo dahil sa kadahilanang  di naman sya akin.


Mayamaya pa ay nagyayaan ng magsiuwi. Dala  ng pagkashock ko kanina, di ko na namalayang  nasa  tabi ko na pala si kuya Tristan .

''Why are you lonely'' bigla syang nagsalita at sumabay sa paglalakad ko

''Ahm, nothing '' sagot ko naman sa kanya na Hindi tumitingin sa mga mata nya.

''I hope you will come tomorrow'' habang nakangiti

''Okay'' tugon ko habang nagmadali  akong lumakad palayo  sa kanya . alam mo kuya may itsura  ka naman kaso wag naman sanang  beki ang pang it kaya non.




At dala  narin siguro ng pag iisip ko sa nangyari  Hindi ko na namalayang nasa  tapat na pala ako ng gate namin. Hanggang ngayon yun parin ang na iisip ko .sana di ka nalang ganyan  may chance panaman  sanang magkagusto ako sa iyo .wag mo naman sanang sirain yon kuya Tristan.









Falling Inlove With The SilaisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon