Chapter 04: Call

21 3 0
                                    

Author's Litanya:
Dedicated sa lahat ng nagbabasa (meron ba? XD) Hahaha! Keep on reading guyseu~

Dael's POV
Ang wierd ng naramdaman ko nung hinawakan nya yung kamay ko. Parang bumilis tibok ng puso ko. Nah. Nevermind na lang.
"Dael! Dael!"
"Oh bakit?"
"Tinatawag lang kita."
"Para kang baliw Kean."
"Baliw sayo pwede ba? Hahaha! Joke lang! Ang seryoso mo kasi ehh."
"Kung trip mo ako , wag ngayon please? Nakakabadtrip eh"
" Pardon(1)"
"Pardonné(2)"
"Nakakaintindi ka pala ng French."
"Ayy hindi nakakapagsalita lang. Sarcasm here. Tss."
"May monthly visitor ka ba kaya mainit ulo mo?"
"Bakit ka ba tanong ng tanong?!"
"Wala. Tara na sa classroom"
At yun na nga hinila na nga ako ng lalaking nagngangalang Kean. Tsk.

Natapos lang ang buong klase tsaka na kami pumuntang cafeteria. "Dael! Anong gusto mo? Libre na kita."
"Steak."
"Steak?! Ano 'to? Dinner? Break pa lang uy!"
"Gusto ko eh! Magagawa mo?!"
"Sabi ko nga. Steak ang bibilin. Anong drinks?"
"Kahit ano na lang."

Pagkabalik nya may dala syang steak na may kung ano-ano pang nakalagay. Tss.
"Oh! Steak mo."
"Ayoko ng luto! Gusto ko fresh tsk!" Binulong ko na lang yung gusto ko fresh.
"Uwi na lang ako. Sa bahay na lang ako kakain."
"Ganun? Okay"

Papunta akong parking lot ng tumunog yung phone ko.

Mom's Calling
"Hello Mom?"
("Dael! Hindi ka ba nakakaintindi?! Diba sabi ko sayo wag ka nang makikipagkita sa mga bampira?!") Bulyaw nya sakin.
"I know. I'm sorry."
("Tandaan mo Dael , sila ang pumatay sa Daddy at kuya mo. Kaya tigilan mo na yung pakikipag-ugnayan mo sa kanila.")
"But--"
("Pipiliin mo ako para umanib sa pamilya nating lobo o pipiliin mo ang mga kaibigan mo at papatayin ko sila? Choose Dael. I want your answer after a month")

Then that's it! Pinatay na nya yung tawag. How mess my life is?

ICE's POV
Ang bagal magtime -_- kukunin ko sana yung Mini Ferrero sa bag ko nang magbell na. Lumabas na ako ng classroom para magbreak nang may tumabi sa akin.
"Hi Czxarine! Sabay na tayo magrecess?"
"Bahala ka."

Habang naglalakad kami papuntang cafeteria ay daldal sya ng daldal. Nilagay ko na lang yung headphones sa tenga ko. Para saan? Para hindi ko marinig pinagsasabi nya. Wala naman akong mapapala kung papakinggan ko yung mga kwento nyang walang kwenta. Tss -_-
"Czxarine! Anong gusto mong kainin?"
"Chicken salad"
"Drinks?"
"Tubig"
"Pambili ng pinapabili mo?"
"Fck. Akala ko libre mo"
"Sa panahon ngayon wala nang libre. Hahahaha!"

Inabot ko na sa kanya yung pambayad at umalis na. Pagkabalik nya ay inabot na nya sakin yung pinabili ko at kinain ko na. Alangan namang itapon ko. Common Sense please?

"Arieze."
"Kuya Migz! Tara sabay ka na samin."
"Okay. Bibili lang ako ng pagkain ko."
Pagkabalik nung Miguel ay tumabi sya sa akin. Nagpatuloy kami sa pagkain hanggang sa tumunog na yung bell kasi tapos na ang breaktime. Tsk!

-Fast Forward-

Third Person's POV
Sa isang madilim na eskenita ay naglalakad si ICE papuntang bahay nila dahil yun lang daw ang mabilis na daan papunta sa kanila. Tumunog yung cellphone na na ang ringtone ay 'Scary Mommy' sinagot na nya ito dahil unknown number ang tumatawag.

"Sino ka?"
("Eyes can see you ICE")
"Edi wow" Sabay baba ng tawag.

Sa kabilang dako naman ay may lalaking naiinis dahil binabaan agad sya ng tawag.

*May araw ka rin ICE*

-TO BE CONTINUED-

A/N
(1)Pardon - Sorry
(2)Pardonné - Forgiven

Kaepalan Ng Nagsulat:
Salamat ng marami sa mga nagbabasa nito~! See you sa next chapter!

Hunter's Love (Vampire Series #1) [EDITING] [ON-GOING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon