[MBIACC]13: Detention

96 36 0
                                    


CHAPTER13: DETENTION.

(Selena's PoV)

"Ms Imperial, hindi ko nagustuhan ang pakikipag away mo kay Ms.Perez kahapon, dapat alam mo ang rules ang regulations ng school dahil Scholar ka ng school na 'to."

Napanguso ako, ano ba kasi yang Cassandra na yan e. Bwisit na yon! Nandito ako ngayon sa faculty ng adviser ko. Pinapagalitan ako tungkol sa nangyari kahapon. Naiinis lang naman ako e. Huhuhu :(

"At dahil dyan may parusa kayo ni Cassandra Perez. Maglilinis kayo ng CR. Ikaw sa Cr ng boys at si cassandra sa girls. Pag katapos, eto yung detention Slip. Dederetso kayo don. Pagtapos nyo maglinis, Get it?"

Napabuntong hininga ako.

Kasalanan nya yun e! Tanggalan ko kaya sya ng matres >_<

"Sige po ma'am. Aalis na ko."

Tumango naman si maam and mouthed goodluck.

Goodluck?

Habang papunta ako sa Cr ng boys nagkasalubong kami ni Cassandra. Nagtaasan kami ng kilay. Una akong umirap. Bwahahaha, uunahan ko na sya.

"Bwisit!! Pasalamat ka!"

Humarap ako sa kanya.

"Thank you!"

And i wink at her.

Hahaha. Mainis ka beybe.

Inirapan nya lang ako at nauna nang pumunta sa Cr ng Girls, habang ako tawa ng tawa. Hahaha, her face was so priceless.

Dumiretsona agad ako sa cr ng boys. Wala naman tao, nagsimula na akong damputin ang mga Tissue na nagkalat. Binuhusan ko na rin yung mga inidoro. Walang problema kasi hindi mapanghi.

Nag-igib ako ng tubig at nilagyan ng sabon. Binuhos ko yun sa floor ng cr tsaka ni-map.

"Ang tanga kase ng kapatid ko yan tuloy, tagalinis ka nalang ng banyo. Tss."

Tiningnan ko ng masama si kuya. Dinampot ko na yung pinaglinisan ko kase tapos na ko.

Lumapit ako sakanya.

"Akala mo ba nakalimutan ko na yung ginawa mo kay Vieo."

Taas kilay kong sabi.

"Binalaan naman kase kita sister. Kaso di ka nakinig."

Ngumiti ako ng parang demonyo.

"Whats with that smile?"
He asked.

Lumapit pa ako ng konti sa kanya.

"Wala naman......"
Sagot ko.

Bigla ko syang tinuhuran sa 'where it hurts the most' nya.

My BoyFriend is A CERTIFIED CHEATER (MBIACC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon