[MBIACC]1: First day First kiss (part1)

219 46 2
                                    

CHAPTER1: FIRST DAY FIRST KISS (PART1)

(Selena's PoV)

"ang ganda nya no?"

"witwiw kinis ng legs"

"miss akin ka nalang"

Yan lang naman ang naririnig ko sa corridor papuntang classroom.

First day ko dito sa St.Ann Academy.
Ako nga si Mindy Selena Imperial, 17 years old. Anong face ko? Hmmm,
Syempre pang dyosa ang alindog ko. Yung tipong lahat ng lalaking madadaanan ko mapapalingon sakin.

May mahaba't maputing legs na parang labanos.
May bangs at buhok na hanggang bewang ang haba. Kissable lips, kulay brown ang aking mata at tama ang pagka payat. Sexy ako at higit sa lahat hindi ako flat Chested!

Usapang damit?
Nako! Lagi akong naka dress na maikli tapos high heels! Oh diba? Sosyal ako no!

Pero syempre JOKE lang yun.

May mahaba't maputing legs ako pero laging naka Leggings at naka rubbershoes. Parang nag A-aero lag no? Mapayat? Oo talaga yan.

Brown eyes? Yes naman! Pero Laging natatakpan ng napaka kapal na lens ng eyeglass ko at kung akala nyo ako talaga ung sinasabihan ng Makapang PURI na salita! Of coarse not!
Ang sinasabihan nila non ay yung taong nasa harapan ko! Si Mira Serene Gonzales.

Isa sa sikat dito sa St.Ann Academy.
Maganda sya pero Mean yan! Halatang halata sa mukha.

"Oh guyz look at that girl"
Sabay turo sakin nung girl na kinulang sa tela ang damit.
Mag BIKINI ka nalang! Nahiya pa! Mag swimming ka sa Fountain. Bwiset.

"school po yung papasukan mo nerd hindi aero! Bwahahahaha!!"
Sabi naman nung isang girl na kasama ni girl 1.
Eh tignan nya nga mukha nya!
Ang laki nung bunganga tas ang kapal ng make up! Isa din to! Mag BIKINI NALANG KAYO!! NAHIYA PA KAYO! Leche. Nakakahiya sila!
Tiningnan nila ako mula ulo hanggang paa tapos umirap.

"ano ba yan! Bakit may commoner dito?"

Hmmpf! Di ako commoner no! Pasalamat kayo scholar ako! Kundi kanina ko pa kayo sinabunutan.

Di ko na sila pinansin at naglakad nang papuntang room.

At nang mskarating, syempre sa first row ako!
Hanggang sa dumating yung teacher.

DISCUSS.

DISCUSS.

DISCUSS.

*BreakTime*

Habang papunta ako sa canteen. Ayan nanaman ang mapanlait na mata at bibig nila. Kaasar.
Di ko nalang sila pinansin at tumuloy na lang ako sa pag lakad. Im so pathetic pag pinatulan ko pa sila.

Hanggang sa nakarating na ako sa canteen. Ganun parin, puro mga nanlalait ang mga mata at bibig nila.

TSS!

Sana naman wala silang gawin na masama sakin katulad ng mga nababasa ko sa Wattpad.

Pumila na ako at bumili ng Pepsi-in-Can, french fries at Burger.
Tipid tipid muna ako.

Nilibot ko yung paningin.
Wala akong maupuan. May magtatangka bang magpaupo sakin dito yang mga brat nayan? Dahil sa wala akong mauupuan, sa rooftop nalang ako. Sariwa ang hangin dun at tahimik.

Nang makarating ako, umupo ako sa sahig. Kinuha ko yung headset at cellphone ko at nakinig ng music at kain lang ng kain ng French fries.

"you made my insecure to me i wasn't good enough--"

Napayuko ako ng may bumato sakin ng bato. Maliit lang yon pero masakit. Hinanap ko kung sino bumato sakin. May nakita aong paa, tumingala ako pero dahan dahan lang...

Hanggang sa makita ko yung mukha nya.

B-bat ang gwapo ng lalaking to?

Pero bakit kelangan nya pa ko batuhin ng bato? Argh! Wala pa naman akong tinapay dito.

*ting*

Woahh! Bright idea.

*poink*

Hah! Kala nya ha!

"Hey babe, why did you do that?" aba? Nakapout pa! Pero ang cute nya! Kyaaaah!
At.. Teka? Sino bine-babe nito?

"Babe babe! Babe-in mo mukha mo! Kalalaking tao ang landi!"

"Babeeee!"

Bakit nga kase ang pogi nito. Ang ganda ng mata nya. Kulay light green

*tingin papunta sa labi*

Pinagnanasahan ko ba 'tong lalaking nasa harapan ko?

"Uyyy! Si Babe pinagnanasahan ako!"

*wink*

Ang .. Gwapooo! Kyaaaah!

Pero mali! Baka pinaglalaruan ka lang nyan.

"Tigilan mo nga ko! Babe babe babe na nalalaman! Hindi ako baboy! At pwede ba wa----"

My body froze... Why did he... K-kiss me?
That was my first kiss!
Pero bat ang galing nito humalik at tsaka bat ang sarap?

Argh! MALI TO!

*BLAG*

Agad kaming napahiwalay na dalawa.
Nagluwal yung pinto na isang babae. Maganda pero.... MALANDI!

Lumapit sya samin.

"BABE! ARE YOU CHEATING ON ME?"
Sigaw nung babae na umiiyak.
Ohhh. Poor you.

"Yes babe, isn't it obvious? Im cheating on you right now"
Sabi nung cheater at nag smirk.

Nyeta. Ganon lang yon? Ako pa ginamit nya sa pagloko dyan sa girlfriend nya! Lumapit sakin yung babae at tinuro ako.

"YOU! SL*T B*TCH! YOUR A BOYFRIEND STEALER! LOOK AT YOUR FACE!! YOUR JUST AN F*CKING NERD AND AN F*CKIN' COMMONER! NAGKAMALI KA NG KINALABAN MO! TANDAAN MO TONG ARAW NA TO! IPAPAPATAY KITAAAA!"

Naiwan akong tulala at naiiyak. Umalis na yung malanding babae.
Itong katabi ko may kasalanan eh! Dinamay nya pa ako sa kagaguhan nya! Huhuhuhu.

Humarap ako sa katabi ko at binigyan sya ng isang malutong na sampal.

"CHEEEEATER!"

Sigaw ko at umalis na. Bat ang malas ng first day ko! Una nalait ako, pangalawa hinalikan ako! Take note FIRST KISS YAN! At pangatlo. Nabantaan pa ang buhay ko, ang malas.

My BoyFriend is A CERTIFIED CHEATER (MBIACC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon