Czarina's POV
Pagka gising na pagka gising ko, si Rachael agad ang bumugad sakin. Hays. Nakakakilabot talaga yung mukha niya.Nagulat ako ng biglang bumukas yung TV mag isa
(_ _) Rachael naman eh ( rey-shel)" Nandito po tayo ngayon sa Kingdom Mall para makita si Geun Suk at ang Bride to be!"
Bride to be?
"Magandang araw po, Mr. Geun Suk. Live po tayo ngayon. Kelan po ang kasal niyo ni Ms. Shin Hye?" Tanong ng reporter.
"This upcoming August 9. I hope na susuportahan niyo kami ni Shin Hye." Sabi ni Geun Suk.
"Maraming Salamat po, Mr. Geun Suk. Hello po, Ms. Shin Hye. Ano pong masasabi niyo sa kasalang magaganap? Excited na po ba kayo?"
"Of course. Sino ba namang hindi? Lalo na kung yung papakasalan mo ay ang taong mahal mo."
Maganda, maputi, at mukhang mabait.
Biglang namatay yung TV. Kaya napatingin ako kay Rachaep.
"Anong gagawin natin? Wag mong sabihing tututol tayo sa kasal nila?" Tanong ko sakanya.
Umiling siya at ngumiti.
"Kung saan siya masaya, hahayaan ko siya. May gusto lang akong sabihin sakanya kaya ako bumalik."
Nakatingin lang ako sakanya.
"Bakit hindi nalang ikaw ang magsabi?"
"Hindi niya ako nakikita at naririnig. Tanging ikaw lang ang nakakarinig at nakakakita saakin. Kaya parang awa mo na, tulungan mo ako."
"Oo. Ano bang gagawin natin?"
*****
Nasa tapat ako ng isang napakalaking bahay.tinignan ko muna si Rachael bago pindutin yung door bell.
Dingdong. Dingdong.
Naghintay lang ako ng ilang segundo.
ng biglang bumukas yung malaking gate at ang bumungad saakin ay si Geun Suk.
"Sino ka?"
Ang pambungad niya sakin."Di mo na kailangang malaman. Nandito ako para ibigay sayo ito. Napaka halagang tao ang nagpapabigay nito. Naging malaking parte siya ng buhay mo. May pinapasabi siya."
Naramdaman ko nalang na parang may kung anong pumasok sa katawan ko. At alam kong si Rachael yun.
"Hindi mo dapat sisihin ang sarili mo sa nangyari saakin, Geun Suk. Wala kang kinalaman doon. Wag mong sisihin ang sarili mo. Mabuhay ka ulit. Ibalik mo ang dating ikaw. Ibalik mo ang dating lalaking mahal ko at patuloy na minamahal. Kahit wala na ako sa tabi mo, sana manatili parin ako diyan sa puso mo. Mas gugustuhin ko pang mag mahal ka ulit. Ibalik mo ang dating ikaw, mahal ko. Ang susi na ito ay ang regalo ko sayo. Tanggapin mo at gamitin mo ulit, mahal ko. Sana sa huling pagkakataon, makita kitang ginagamit mo ito habang naglalaro ka. Mahal kita, Geun Suk."
At sa pagkakataong iyon, nilisan ni Rachael ang katawan ko.
Napaupo ako sa sahig.
"R-rachael?"
Napatingin ako kay Geun Suk.
"Hindi ako si Rachael. Ang kaluluwa ni Rachael ang pumasok sa katawan ko kanina."
"Paanong nangyari iyon?"
"Mahaba at komplikadong kwento. Ingatan mo ang susi na ibinigay sayo ni Rachael. Mauna na ako."
BINABASA MO ANG
EXO The Lost Planet University
Teen FictionEXO THE LOST PLANET UNIVERSITY -- Isang paaralan kung saan natuto ako, sumaya ako, nagkaroon ako ng kaibigan at kaaway, at NAGMAHAL AKO.