Chapter 33.

14 0 0
                                    

3rd person's POV

Umaga na at still, tulog parin ang dalawa. Tutal, sabado naman ngayon kaya tanghali nanaman ang gising nila. Pero, ang araw din ng sabado ang araw na dapat uuwi sila sa bahay nila. Napagusapan kasi yan ng pamilya na kapag weekends ay sa bahay ang dalawang dalaga.

Si faye naman ay biglang tumayo at pinatay ang aircon ng kwarto. At muling humiga, samantalang si Czarina naman ay nananaginip nanaman.

( czarina's dream )

Ang usok naman dito. Ang dilim dilim pa. Puro damo at puro p--

Wusssshhhh~

kakaibang hangin an humampas sa mukha ni Czarina. Tila ba may ipinapahiwatig ito.

" Tulungan mo ako, Czarina."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Czarina ng marinig nanaman ang pamilyar na boses na iyo.

Lumingon siya sa taong nagsalita at mas nagulat siya sa nakita niya.

Kung dati, ang babaeng nakikita niya ay duguan na nakasuot ng wedding gown, pero ngayon ay isang babaeng ubod ng ganda na nakasuot ng wedding gown. Tila napako ang kanyang mga mata sa babae ng biglang nagsalita ito ulit.

"Tutulungan mo ba ako?"
Muling tanong nito.
Pero isa lang ang nasa isip ni Czarina.

Ang tumanggi.

"Hindi. Pakiusap, lumayo ka saakin."

tinignan siya ng babae at nakita niya ang sakit sa mga mata nito.

Bigla nalang nahilo si Czarina at napunta sa ibang lugar.

Sa simbahan.

Tila ang lahat ng tao ngayon na nandito ay masaya at kinakabahan na may halong excitement.

Nakasuot sila ng magagarang gown at may bulaklak sa ulo.

Mula sa kinakatayuan niya, mas lalong lumaki ang bukas ng pintuan at nakita niya ang mga ngiting sumilay sa mga taong nasa loob ng simbahan.

Humakbang siya ng dahan-dahan sa gitna na may red carpet. Nakita niya mula sa kinakatayuan niya ang altar sa harapan. May pari doon. Sa bandang baba ay dalawang lalaki na nakasuot ng amerikana at nakatingin sakanya ng may ngiti sa labi.

Ikakasal ba ako?

Ang nasa isip ni Czarina.

May lumapit sakanyang dalawang matanda. Isang babae at lalaki. Hinawakan ang kanyang dalawang braso at sumabay sa lakad niya.
Habang naglalakad siya ay napatingin siya sa lalaking naka puting amerikana.

Nakangiti ito sakanya.

Sino ka?

Malapit na siya sa altar ng huminto siya sa paglalakad niya.
Pero nagulat siya ng makitang may tumagos sakanyang katawan na isang babaeng naka wedding gown. Nagpupunas ito ng luha na may ngiti sa labi.

Ibinigay ng dalawang matanda ang kamay ng babaeng naka wedding gown sa lalaking naka puting amerikana. Nakita ni Czarina ang pagmamahalan sa ngiti ng dalawang taong ito.

Hindi pa man nagsisimulang magsalita ang pari ay biglang bumukas ng malakas ang pintuan. May nakita siyang babae...

May baril.

Makikita mi sa mata nito ang galit.

Lumiliyab sa galit.

Halos manghina ang tuhod ni Czarina ng lumapit ito sakanya ng dahan-dahan.

Tumigil ito sa harap niya.

Nagtama ang kanilang mga mata.

Ang mga mata niyang gustong ...




Pumatay.

" Hindi niyo man lang ako inimbita sa kasal niyo? "

Biglang sabi ng babaeng may hawak ng baril.

Magsasalita na sana si Czarina ng biglang nagsalita ulit ang babaeng may hawak ng baril.

" Ni invitation card hindi niyo ako pinadalhan. Nakakatampo naman kayo, BESTFRIEND. "

At kinasa nito ang baril na hawak niya.

Gulong gulo na si Czarina sa nangyayari.

Lumapit sakanya ang babaeng may hawak na baril.

Pero mas ikinagulat niya ng tumagos ito sa katawan niya.

Nasa panaginip ako...

Ang nasa isip ni Czarina.

Nakarinig siya ng mga sigawan kaya napalingon sa siya sa harapan niya.

Ang Bride, Groom, at Babaeng may hawak na baril.

Itinaas ng babae ang baril na hawak niya at itinutok sa ulo ng lalaki.

Makikita sa mata nito ang takot.

halos matumba si Czarina ng biglang ilipat ng babae ang baril niya sa ulo ng bride.

May ngiting sumilay sa labi ng babaeng may baril.

Napapikit nalang ang bride.

pero Iisa lang ang tumatakbo sa isip ni Czarina.

Tumakbo siya papunta sa kinakatayuan ng bride at hinarap ang baril.

gusto niyang iligtas ang bride.





limang malalakas at umaalingaw na tunog ang bumalot sa buong simbahan.

Napatakip nalang si Czarina Ng bibig ng makita ang bride sa harap niya na duguan at walang malay.

" hindi pwede. ako dapat yun! Hinarangan ko siya! "

Nagwawala na si Czarina doon. Pero parang isang hangin lang siya sa mga tao doon. Nagsigawan ang mga taon at nagsilabasan ng simbahan.

naiwan silang apat...

Tumakbo siya papunta sa bride na walang malay...

Hahawakan niya sana ang mga kamay nito kaso tumagos ang kamay niya.

Halos maiyak si Czarina sa mga nakita niya ng oras na iyon.

Napatingin siya sa dalawanf taong nasa gilid niya...

Ang groom at ang pumatay sa bride.

tatayo na sana si Czarina ng biglang umikot nanaman ang paningin niya...

***

" KYAAAAAAAAAH! " Hingal na hingal si Czarina ng bumangon siya sa higaan niya.

Ngayon alam ko na...

Pumunta sa Czarina sa labas ng pinto ng biglang salubungin siya ni Faye.

" AHHHH! NYETA! "

Kung titignan mo naman kasi si Faye eh, mukhang multo.

She's wearing white dress na hanggang lapag.
Nakafacemask na lagi naman niyang ginagawa.

At gulo gulong buhok.

" Ah eh? Why? " tanong ni Faye.

" WALA! SHOOO! " umalis na si Faye at pumasok ulit sa kwarto.

akala ko yung ano...

wusssshhhhh~





" Oo na. Tutulungan na kita. Ano bang kailangan kong gawin? "

*********
DONT FORGET TO COMMENT AND VOTE KEKEKEKE

-jus

EXO The Lost Planet UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon