"Mariah! Ano ba? Almost 30 minutes na tayong late."
"Oo eto na. Excited ba naman."
"Salamat. Bumaba na rin ang prinsesa" pang asar ni kuya tumawa pa ng malakas. Asar. Nag roll eyes lang ako.
Hay nako Cyre Marco Lee kahit mapang asar kang kuya thankful parin ako na ikaw ang naging kuya ko. BTW I'm Princess Mariah Mickaehla Mendez | 16 yrs of age| NBSB pero may naka MU na hanggang dun lang. HAHAHA
Almost 30 minutes ang biyahe at sa wakas nandito na kami.
Welcome In White Paradise
Well, well, well ang ganda ng place. White sand beach. Super linis ng tubig. Marami palang kasama siguro 15+ kasama kase mga gf nila si kuya lang yung wala. HAHAHAHA torpe ba naman.
Pumunta akong sea side ang ganda kase ng view. Nagselfie muna ako. *click* *click* *click*
Natigilan ako sa kaseselfie ng mapansin kong nakatingin sakin si Prince, pinaka bata sa tropa ni kuya kasing age ko lang pero di ko classmate, section II siya. Nakakunot noo niya at siya lang ang hindi ko close sa tropa ni kuya paano ba naman yung mukha niya kase parang laging pinagsakluban ng langit at lupa. Hay nako.
Still nakatingin pa rin siya. Kaya bumalik na ko sa cottage.
"Mariah asan si Marco?" tanong ni Cj, bestfriend ni kuya.
"Malay ko dun. Baka may pinopormahan na. HAHAHA" nagtawanan kami.
At lumipas ang oras, 5pm daw uuwi na e. It's alreay 3:00pm di na gaanong mainit kaya naligo na ko.
"Prinsesa, tara dito." tawag sakin ni kuya.
"Dito na lang ako malalim na jan." sagot ko.
"Di yan. Prince, alalayan mo ngq yang kapatid ko papunta dito."
Nagkatinginan kami ni Prince pero sa ngayon di na nakakunot noo niya pero wala paring emosyon mukha niya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala ako kay kuya.
Infairness! Ngayon lang to.
"Thank you." pasasalamat ko pero wala siyang sagot. Ok lang sanay na ko. HAHAHA
Mga bandang 5pm umahon na kmi ni kuya at pinagbanlaw na niya ako. Ganon din yung iba. 6pm narin kami naka alis doon, may kanya kanya namang kotse mga kaibigan ni kuya, traffic pa. Hay nako. Nakakapagod. Past 7pm na nang makauwi na kami at ayun comatose kami sa higaan ni kuya.
zzzzzzz.
"Princess."
Nagisimg ako sa alog ni Mommy. Antok pa ko pero bumangon na ko.
"Yes Mommy" sagot ko.
"Aalis kami today ng daddy mo pupunta kaming Japan 1 week kami don biglaan din alam na to ni kuya mo. Behave my little girl. ok?" *kiss*
"Asan po si kuya? Mommy pano yan bukas na first day of school."
"Nasa barkada niya. Use your credit card baby. Iloveyou."
At umalis na sila. Ipina-ayos ko na kay ate Sally yung mga uniform namin no kuya para handa na bukas.
*PHONE RING*
"Prinsesa, magbihis ka. I pick you up at 4pm."
Phone hung up.
Bastos. Asar. 2pm na rin naman kaya nagayos na ko. Dumating na si kuya at pumunta kaming mall namili ng sapatos, bag at ilang notebooks. Halos 3 hours kami ni kuya don kase di agad ako makapili ng sapatos.
Sleep time na.