Wake up call.
"Prinsesaaaaaa" sigaw ni kuya habang kumakatok ng sobrang lakas. Ay nakalock nga pala kwarto ko.
"Pababa na."
Agad akong bumangon at madaling bumaba. Bread and Milk lang para iwas sa bilbil. HAHAHA. Naligo na ako at nagbihis.
Wow 6:46am na. Ang aga namin ni kuya today sana araw araw na din. HAHAHA
Sakay ulit sa kotse ni kuya, birthday gift ni Mommy at Daddy kay kuya nung nag 18 siya. 1st year College na si kuya at sa pinapasukan namin magkasama ang highschool at college.
Pagkapasok pa lang ng gate nandun na agad nakatambay yung tropa ni kuya sa kubo. At naiwan ako mag isang pumuntang room.
Wala pa si Chloe for sure late yon. As usual wala namang bago. At late nga ang loka. For this day sinabi lang ng mga teachers yung requirements kada subjects. At dumating na ang pinakafavorite subject ko RECESS TIME.
@Wilford Cafeteria
Sabay kaming pumunta si Chloe sa cafe. Milktea atsaka Cheese bread lang. Hmm yum yum yum. Habang nakain kwentuhan lang kami ng kwentuhan sa lovelife ng magaling kong bestfriend. Nauhaw ako. Water! Water! Kaya tumayo ako para kumuha ng tubig.
Well, all eyes on me when I walk in. As usual wala namang bago. Nagtatawanan pa ang iba, siguro may amos ako. Wait tingnan ko nga wala naman. Asar. Habang nakuha ako ng tubig may kumulbit sakin at pagtingin ko. O.O owemgeeee Nanlaki mata ko. Si Prince problema nito.
Tinaasan ko siya ng kilay.
"Problema mo?"
"Ako wala, ikaw meron." Hinila niya ako sa loob ng stock room ng cafeteria.
"Ano ba bitawan mo ko." pag alma ko.
"You should your skirt off." sagot ni Prince na walang emosyon parin.
"What the-"
"Skirt off kase may red river ka." pagputol niya
"What the hell." hiyang hiya ako at agad kong tiningnan. Meron nga. What a mess. Kaya pala all eyes on me. Bat ngayon pa.
"Here. Take this." sabay abot sakin ng jogging pants at white v-neck tshirt.
Wala na kong hiya hiya kinuha ko agad. Palabas na sana ako ng stock room ng bigla kong maalala may tagos nga pala ako naiwan ko yung panyo ko sa table namin.
"Oh? What's wrong?" Pagtatanong niya.
"Kase e... Hmmm. Kase-"
"What?" Sabay kunot noo.
"Kase wala akong panyo. Nakakahiya naman wala tong takip."
"Shut up." inabot niya sakin yung panyo niya at umalis na iniwan ako.
Dali dali naman akong nagpalit da CR. After 1626729172 years natapos din binalikan ko si Chloe wala na siya sa table for sure nasa room na yon. Last subject na ang english kaya nagcutting na lang ako late narin naman ako ng almost 15 minutes. Nag-stay na lang ako sa Garden.
Bell Ring.
Tumakbo na ko sa room at sa di inaasahan. May nakabungguan pa ko. Aray! Mahilo hilo ako. Napahawak ako sa ulo ko habang nakatungo at napa-upo.
"Sorry sorry." paghingi ko ng tawad.
"What the hell. Arrgh."
Tumunghay ako para makita ko kumg sino nakabungguan ko. Well ,girl siya di ko siya kilala pero alam ko 4th year din siya at section II.
"I'm so sorry."
"Ok lang. Pero sana sa susunod tumingin ka na sa dinadaanan mo at magdahan dahan ka. ok?" pagsagot niya habang nagpapag pag ng palda niya. Agad naman siyang umalis.
Hay nako! What a mess day Mariah. Good job Mariah. Pumunta na ko sa room and thank God naabutan ko pa si Chloe.
"Mariah. San ka ba galing? Akala ko nilamon ka na ng tubig. Nakuha mo.pang magcutting." bungad niya
"Mahabang kwento nakakahiya sobra. Ang daming nangyari." pagsasabi ko.
"Share mo. Maaga pa mamaya pa labas ng kuya mo." pangatwiran niya
Kinuwento ko na ang mala MMK
na nangyari at wala siyang nasabi kundi ang mapanga-nga. Maya maya pa lumabas na si kuya at umuwi na kami napansin niya agad na naka P.E uniform ako."First day of school nag PE kayo?" tanong ni kuya
"Hindi. Kay Prince to. Kuya red days ko ngayon at nakita pa ng maraming tao nakakahiya buti na lang sinabi sakin ni Prince at pinahiram sakin to."
"HAHAHAHAHA. Ewww"
Tinawanan lang ako ng mokong. Hay nako.
Pagkauwi nagpahinga na ako. Ginising ako ni kuya ng mga bandang 6pm natawag kase si Mommy nangangamusta.