Masyado kang malapit.
Pero kung lalayo ka naman ay hindi ko rin kakayanin. Tamang distansya, sapat na nga ba? O mas maganda pa rin kapag malapit ka?
Aatras, aabante, hanggang saan dadako ang mga hakbang ko? Sigurado akong sayo pa rin ang diretso ng daan na ito.
Masyado kang malapit.
Hindi ako makahinga. Hindi tumitigil ang mabilis na pagtakbo ng puso ko. Hindi ako makatingin ng diretso.
Pero wag kang lalalayo.
Tama lang yan. Lumapit ka pa. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya lalo't malapit ka.