Chapter 1: Ateneo vs NU

426 8 0
                                    

Commentator: "Santiago with a running hit! ... And NU continues to scorch Ateneo!"

Ano ba yan! Ang sarap ng tulog ko tapos ang ingay ingay ng pinapanuod ni mama! Masilip nga kung ano yun, kanina pa din kasi siya tili ng tili eh! -.-*

"Mah! Pakihinaan naman yang pinapanood mo, ang sarap ng tulog ko eh tapos bigla ka nalang nagtititili dyan."

"Eh ang ganda kasi ng laban oh. 2-0 tapos NU ang may hawak ng dalawang set."

"Sus! Ateneo na yan. Lagi naman sila ng La Salle ang magaling eh."

"Hindi. Ang galing nga ng NU oh, tinatapatan nung Kai Nepomuceno at Dindin Santiago si Alyssa Valdez!"

"Sige Mah, pustahan tayo, 3rd 4th at 5th set sa Ateneo. Di papayag yang Gervacio na matalo sila noh." :p

"wow! Akalain mo yun? May kilala ka sa larangan ng volleyball? Eh wala ka ngang pake sa volley eh." O_O

"Eh lagi kasi yan pinagpupustahan nila Tin sa school eh. Ay basta mah! Watch and learn nalang. Ateneo mananalo dyan." :p

Hindi nga ko nagkamali. Boom! Ayun, panalo ateneo, 3 sets to 2. Ayos nga eh, ang gulo ko. Bigla ako napasimangot nung natalo ang NU. Ewan ko ba! Moodswings ang peg. -__-*

Hindi nga ko nagkamali, BOOM! Ayun, panalo ang Ateneo. 3 sets to 2. Ayos nga eh, ang gulo ko. Bigla ako napasimangot nung natalo ang NU. Ewan ko ba! Moodswings ang peg. -_____-*

Ay oo nga pala, sorry nalimutan ko magpakilala. Ako nga pala si Phoebe Joy Biong Gonzales. Taray noh, kumpletong kumpleto. X)) Isa akong estudyante ng Fiat, secondyear high school bale, na wala talagang interes sa volleyball. Actually meron naman, kaso naglalaro ako pag boring lang. Kaso, payat kase ako, kaya lagi nilang tukso sakin ay "Kalas-buto", ayan tuloy, wala na talaga ang hilig ko sa volleyball. Hindi kase ako kasing galing ni mama at ni ate na nakakakuha pa ng awards nung panahon nila. Okay na saken yung medal na Best in Math at mga kung ano ano pa.

Okay mahaba na'to! Tama na echos. Basta ayan, kilala nyo nako ha? (;

Haynako! Di ko talaga alam kung bakit ako hindi mapakali kanina pa. Mukha na nga kong abnormal dito sa computer shop habang dinaramdam ang pagkatalo ng NU. Ewan ko ba, diba dapat natutuwa ako kase nanalo ko sa pustahan namen ni mama? -.-* Ayan! Di nako nakatiis, bigla nalang gumalaw ang mga daliri ko at sinearch ang fb nung Dindin Santiago na yun. Eh wala eh! Nacurious ako, bat ba! :p Automatic nga eh, pinindot ko agad yung "Add as a Friend", pero mas naloka ko sa sunod na nangyare, may lumabas na pop-out na "This person has reached the friend request limit and can't accept any more."eh anak ka nga naman ng peklat! Kainis, di ko siya ma-add. ano nang gagawin ko? :(

Tres Santiagos and I.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon