The Walkers 4

586 18 4
                                    

16 HOURS ERLIER

Nagmamadali ang mag-asawa na makasakay sa kanilang kotse, kailangan nilang pumunta sa Lotus City para dalin ang kanilang nagiisang anak sa Divine Hospital dahil sa malubhang sakit nito.

Subalit, habang sila’y naglalakbay bumungad sa kanila ang buhol buhol na traffic.

Ang sanhi ng traffic ay ang mga sundalong nakaharang sa kalye kung saan papunta ito sa Lotus City, mistulang pinipigilan nila ang mga tao na makarating sa kabilang bayan.

Dahil sa hindi na makatiis ang magasawa sa nangyayari sa kanilang anak, dumaan sila sa kabilang lane kung saan maluwang ang daan.

Napatigil sila ng humarang ang isang sundalo sa harap ng kanilang kotse habang nakataas ang isang kamay.

Bumaba ang may hawak ng manibela at lumapit sa sundalo. “What the Hell are you doing!!!”

“I’m Sorry Sir. You can’t pass.” Sabi ng sundalo.

“Please, let… us pass. Kailangan na naming dalhin ang anak ko sa hospital.”

“I’m sorry Sir. You can’t pass hanggat hindi kayo na quarantine.” Sinabi ito ng sundalo na may tindig na pangangatawan habang ang lalaki hindi makapakali at naiinis.

“Quarantine!!?”  Pagtataka ng lalaki sa mga sinasabi ng sundalo.

“Yes Sir.” Tipid na sagot ng sundalo.

“I don’t care!! About Quarantine!!! Look!!! My son is sick!! We need to go to hospital!!! anong klaseng tao ka! kung hindi ka maawa sa batang may sakit.”

Tinanaw ng sundalo sa kotse ang batang may sakit, namumutla ito at nakayuko.

“I’m sorry Sir. We have orders. Just go back to your car.”

“F*ck orders!!!” sabay tulak sa sundalo.

“Honey. Stop! It won’t help.” Sigaw ng kanyang misis.

“Anong nangyayari dito.” Concern ng isang babaeng sundalo.

“Lieutenant Russell!” sabay saludo sa kanya ng sundalo.

“Judy!?”

“Mr. Carpenter… ” sabay handshake sa kanya. “may problema po ba?” Matagal na silang magkakilala dahil lumaki si Lieutenant Russell sa lugar kung saan siya’y nakdistinong magbantay.

“Tulungan mo ko Judy, kailangan kong dalhin sa hospital ang anak ko. Hanggang ngayon kasi mataas parin ang lagnat niya, tatlong araw na siyang ganyan.”

“Merong malapit na Center Clinic po dito. Mabuting dalin niyo muna po siya don.  We have orders po kasi from government, it’s a 3 days Quarantine before you can pass to Lotus City.”

Dahil sa paliwanag ni Lieutenant Judy bumalik sa sasakyan ang ama ng bata, sinundan naman ito ni Lieutenant.

“Salamat Judy. I mean Lieutenant… Lieutenant Judy Russell.”

“You’re Welcome Mr. Carpenter” sumilip si Lieutenant sa bintana ng kotse at ngumiti.

Sinunod ni Mr. Carpenter ang sinabi ni Lieutenant na pumunta sa Center Clinic. Kaya lumiko na ito at umalis.

Pinagmasdan naman ni Judy ang pagalis ng magasawa habang nakangiti.

“Lieutenant…” lumingon naman si Judy sa tumawag sa kanya. “alam niyo po ba? kung bakit ipinagutos ng government ang pagquarentine ng mga tao sa bayan na kinalakihan niyo?”

The Walkers {SLOW UPDATE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon