The Walkers 5

394 14 3
                                    

ISSE POV

“Ano ang gagawin natin ngayon?” bulalas ni Djen.

Patuloy ang pagkalabog ng mga walkers sa pinto. Rinig na rinig namin ang ingay mula sa labas. Kulob itong napasukan namin, isa kasi itong storage ng mga gamot. Walang bintana at tanging pintuan ang labasan.

Natrap na kami dito.

Kapag ipinagpatuloy ng mga walkers ang ginagawa nila baka tuluyan ng mawasak ang pinto. Siguradong sa dami nila hindi kakayanin ng pinto kahit na may mga gamit na nakaharang dito.

“Kailangan nating makaalis dito.” Sabi ko sa kanila. Alam ko may paraan pa para makaalis dito.   

“Pano?? Walkers are everywhere and we’re trap! Here!! In this damn storage room!!” inis ni Gee.

Napatingin ako sa paligid. Hindi ko naman inaasahang mapapatingin ako sa itaas. “Not really everywhere.” Nakita ko ang isang ventilation at sa tingin ko kasyang kasya kami don.

Nagmadali kaming ipinagpatong patong ang mga gamit para maabot namin ang ventilation at tanggalin ang cover nito.

Sa pagbukas ko nito pinauna ko sina Djen at Gee. Dahan dahan kaming gumapang sa ventilation duct, may posibilidad kasing mawasak ito dahil medyo may kalumaan na.

Every ventilation cover na nadadaanan namin sumisilip ako dito. Hindi maganda ang mga nakikita ko mukhang mahihirapan kaming makaalis dito dahil nagkalat ang mga walkers sa buong Center Clinic.

Napansin kong huminto sila sa paggapang. “Anong nangyayari?” tanong ko sa kanila.

“Si Djen nahihirapang huminga.” Sabi sa akin ni Gee.

Hindi kami nagkikitaan dahil nakaharang sa harapan ko yung hawak kong gallon ng gas bukod don makitid ang ventilation duct, saktong sakto lang sa aming katawan.

Hindi rin namin maiwasang matakot dahil may posibilidad na ma-stock kami dito.

“Konting tiis lang Djen makakaalis na tayo dito.” Pampalakas loob ko sa kanya.

Wala siyang isinagot pero naramdaman kong nagpatuloy siya gumapang.

Hanggang sa nakarating kami sa Canteen. “Sandali.” Pigil ko sa kanila. Sumilip ako sa ventilation cover kung may walker sa paligid at sa tingin ko… secured ito.

Siguradong may pagkain dito na madadala namin sa paglalakbay. “Baba ako.” Sabi ko sa kanila.

“Ano? Bakit? Anong gagawin mo?”

Hindi ko sila sinagot dahil siguradong pipigilan nila ako.

“Dito lang kayo, babalik din ako agad.” Binuksan ko ang ventilation cover at bumaba.

Pinakiramdaman ko muna ang paligid kung may mga walkers nang bigla akong nakarinig ng isang kalabog.

Mula pala ito sa taas kung saan nanduon sina Djen at Gee. 

Pumunta agad ako sa pintuan at sinuguradong sarado ito.

Medyo malaki ang Canteen ng Center Clinic. Meron pang isang silid na sa tingin ko nandoon ang kitchen at storage ng mga pagkain.

“Isse… delikado ang ginagawa mo… bumalik ka na dito.” Mahinang sinabi ni Gee habang nakasilip mula sa butas ng ventilation duct.

Hindi ko siya pinakinggan at ipinagpatuloy ang pagmamasid sa paligid, pagkarating ko sa pinakahuling lamesa may nakita akong walker na nakahandusay.

The Walkers {SLOW UPDATE}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon