Wico P.O.V.
Grabe naman yung babae na yun ano bang masama sa ginawa ko? Tsk. Bakit totoo naman ah bitter lang talaga sya kaya sya ganun. Akala mo naman naka patay ako sa sinabi ko.
"Manong pinag lihi ba sa sama ng loob yung babae na yun?"
"Ano ka ba naman Wico malay mo naman may mabigat na dahilan si Nics kaya sya ganun di ba?"
"Aba grabe naman talaga ang galit nun ah akala mo talaga naka patay ako eh."
"Hahahaha loko kang bata ka hayaan mo na lang yun."
"Ayyy na ko manong grabe talaga yang si Ms. Bitter"
"Miss Bitter?" nag tatakang tanong sakin ni mang nolie
"Yuuup! yung nics na yun sya si miss bitter simula ngayon yun na ang tawag ko sa kanya"
"Hahahaha bahala kang bata ka oh sya ito na yung binili mo"
"Salamat po manong"
At umalis na din ako binilhan ko ng isaw baka mamaya bumalik pa dun si Miss Bitter at kung ano ano na naman ang sabihin sakin nun eh hindi ako maka pag timpi baka magantihan ko lang yun kahit na babae pa sya.
-------------------------
KINABUKASAN!
"Hoooooooy Wico ano di ka ba gigising jan ha? Anong oras na malelate ka na"
Nagising naman ako sa sigaw ni mama langya oo nga pala may pasok nga pala ako shiiiiit bakit naka limutan ko at hindi ako na gising ng maaga!
"opo ma anjan ko! Maliligo lang ako" Sabi ko naman sa mama ko at nag mamadali ako nag punta sa C.R, ng kwarto ko at naligo na syempre di na ko mag sasayang ng oras baka malate pa ko.
Pag ka tapos kong maligo nag punta na ko ng kusina at nandun pa din si Mama, Kumuha na ko ng sandwich at ang hinge ng pera.
"Ma bye na!" sabi ko
"Di ka man lang ba mag aagahan ha?"
"Ayos na to sakin sa school na lang ako kakain"
"Sus! sige na ingat ka anak kumain ka ha?"
At ayun umalis na kaagad ako at nag abang ng jeep. Actually may sasakyan naman kame kaso ayoko lang gamitin ngayon. Pag sakay ko ng jeep siksikan na buti na lang naka singit pa ko. Kaso tengene nemen di ako komportable sa pwesto ko yung tipong kalahati na lang ang inuupuan ko.
"Kung gusto kase ng maluwag na upuan umarkila ng jeep" sabi nung kalapit ko na parang familiar sakin yung boses ah
"Pake ko?" sabi ko
"Napaka arte aba!"
"Pwede ba miss wag mo na lang akong paki alaman" at nilingon ko kung sino yung nag salita
"Ikaw?" sabi ko sa kanya
"Oh bakit?"
"Ah miss bitter hi!"
"Baka gusto mong malaglag sa kina uupuan mo"
"Joke lang naman miss bitter agang aga highblood huh!"
"May pangalan ako"
Sabi ko na nga ba sana dinala ko na lang talaga yung sasakyan namen.
"Oo meron miss bitter right?"
Langya tong babae na to bigla ba naman umusod sa may katabi ko at mejo siniko ako para malaglag sa kina uupuan ko sa jeep. Nag tinginan tuloy lahat sakin ng pasahero at nag si tawanan.
"Sabi ko naman kase sayo may pangalan ako. Hahahaha"
Nababaliw na ba sya ngayon naman tumatawa sya. Ngayon ko lang ata to nakitang tumawa ah.
"Aba himala tumawa ka"
Bigla naman syang nag poker face ulit.
"Manong bayad po" sabi nya at hindi na nya ko pinansin nag bayad na din ako baka sabihin pa neto hindi ako marunong mag bayad.
"Para po" sabay pa namen sinabi.
whaaaaat the? pareho pala kame ng school ka pag minamalas ka nga naman oh sa dami ba naman ng magiging schoolmate ko sya pa bakit dito pa ko nag transfer.
"oo dito din ako nag aaral wag ka ng mag taka" sabi nya sakin aba kailan pa sya natutong mag basa ng isip.
"Tinatanong ko ba?"
"Hindi naman na basa ko lang sa utak mo na yun ang sinabi mo"
"edi wow!"
Hindi na nya ko pinansin at pumasok na sya sa gate ng school sana naman hindi ko na sya kaklase sana hanggang schoolmate na lang oh baka hindi ko na makayanan ang katarayan netong babae na to. Mukha talaga syang pinag lihi sa sama ng loob aba pero infairness ha marunong din pala syang tumawa mas maganda sana kung lagi na lang syang masaya kesa naman sa napaka sungit nya aba grabe na talaga yun.
"Oh pare!"
"Nico walanja ka aba sabi ko sayo sabay tayo ah"
"Sorry naman pre na miss mo ba kaagad ako?"
"Bwiset ka edi sana wala akong naka sabay na babaeng sobrang sunget"
"Hahahaha bakit pare?"
"Taena talaga nung babae na yun biruin hinulog ba naman ako sa upuan ng jeep at ayun pinag tawanan lang naman ako ng mga pasahero ng jeep"
"Hahahaha nakaka tawa nga yun pare"
"walang hiya pag tawanan din ba ko"
"Jusko babae lang na talo ka pa"
"Ubod kaya ng sungit yung babae na yun akala mo laging may menstruation."
"Grabe ka naman. Hahaha tara na nga lang sa room natin"
At nag lakad na nga kame papuntang room. Bwiset kase tong si nico eh hindi sana ko dito mag tratransfer kung hindi dahil sa kanya at pinilit laang ako. Sabagay boring naman sa dati kong school eh maiba naman ngayon.

BINABASA MO ANG
Bitter turns to Sweet
Teen FictionHindi magiging bitter ang isang tao kung hindi sya na saktan o iniwan ng dahil lang sa simpleng bagay. Sa pag kakaalam ko kase ka pag mahal ka ng isang tao hindi ka basta basta nya susukuan. Dahil sa dami na ng sakripisyong ginawa nyo para lang sa r...