Chapter 2

10 1 0
                                    

Nica Alexis P.O.V.

Pag ganto ba naman ang makikita mo sa jeep mayayamot ka yung tipong puro mag shoshota ang makaka tabi mo. Tapos ganto pa yung maririnig mo.

"Mahal na mahal kita" sabi nung lalaki sa girlfriend nya

"Mahal na mahal din kita" sabi naman nung girl 

"Ayyy na ko ate wag kang maniwala jan iiwan ka din nya tas sa huli ikaw lang ang masasaktan. Oh paki abot yung bayad ko kanina ko pa kase sinasabing paki abot ayaw nyong pansinin panay kayo harutan jan." sabay abot ng bayad dun sa girl.

"Ayyy sorry po. Hehehe" sabi nung girl

"Okay lang"

Maya maya pa naka dating na ako sa boarding house namen ni Mariez . Bago ako bumaba tumingin ulit ako dun sa babae at lalake na naka tabi ko sa jeep sabay sabing.

"Walang Forever mag brebreak din kayo nyan." sabay baba ng jeep.

Na rinig ko pang sabi nung lalake na "ay ang bitter ni ate" eh ano ngayon kung bitter ako. Pag pasok ko ng loob wala pa pala si Mariez dito ano ba naman yun na unahan ko pang maka uwi eh samantalang na una sya sakin. Maka pag palit na nga muna at maka bili na muna din ng pag kain sa labas na gugutom na ko eh.

Lumabas na ko ng boarding house namen para maka bili ng makakain tamang tama naman at may nag titinda ng isaw dito whooooo! saakto.

"Kuya paluto naman ako ng anim na isaw"

"Oh Nics ikaw pala yan"

"Akala ko naman kung sino kayo mang nolie kamusta po?"

"Okay lang bakit jan ka na naka tira?"

"Ah na upa lang po kame ng boarding house ni Mariez para po mas malapit kame sa school namen."

"Ah kaya pala kamusta kayo ni"

"wala na po kame" hindi ko na pinatapos ang sasabihin ni mang nolie dahil alam ko na naman kung sinong itatanong nyan eh.

"Bakit?"

"walang forever mang nolie eh hahaha"

"Meron miss bitter ka lang"

Huh? sino naman kaya tong naki singit sa usapan namen ni mang nolie.

"Pag di kase kasali sa usapan wag maki singit ha?"

"Hahahaha ikaw talaga Wico."-Mang Nolie

"sorry naman" sabi nung lalaking dumating

"Ah manong luto na po ba yung isaw ko?"

"malapit na nics konti na lang"

"Ah sige po kaya ko pa naman mag intay eh"

"Oh ikaw wico anong bibilhin mo?"

"syempre gaya ng dati manong"

"Okay. oh nics luto na tong isaw mo."

"Mag kano po lahat manong?"

"trenta lang lahat limang piso ang isa"

"Okay po" kukuha na sana ako ng pera ng bigla naman nag salita tong Wico daw na yun.

"Manong ako na lang po ang mag babayad baka sakaling hindi na maging bitter si ate ka pag naka libre. Hahahaha"

Tsk pinapainit netong lalaki na to ang dugo ko ah!

"Ano ka ba naman Wico. Hahahaha"-Mang Nolie

"Ako na may pera akong pang bayad no."

"Ang sungit mo naman"

"Ano bang paki alam mo ha? pwede bang manahimik ka na lang ha? nakaka pang init ka dugo."

"okay fine relax ka lang miss. Ako nga pala si Wico Drei Dominguez"

"Oh anong gagawin ko sa pangalan mo?"

"Nakiki pag kilala lang naman"

"well I'm not interested. Mang Nolie eto po ang bayad ko salamat po"

"Walang anoman nics. Oh eto ang sukli mo"

"Ang sungit aba" sabi nung wico

"May sinasabi ka ba ha?"

"wala po"

"Good."

Aalis na sana ako pero may kailangan pa pala akong sabihin kay mang Nolie

"Ah mang nolie may sasabihin pa po pala ako"

"Ano yun nics?"

"Ah paki sabi naman sa mga susunod na mga bibili dito na ka pag hindi sila kasali sa usapaan wag silang maki sali kase minsan nakaka bastos yung mga ganung tao lalo na kung hindi nila alam yung dahilan. Salamat po" Sabay ngiti ka mang nolie at inirapan ko naman yung Wico na yun.

"Hahahaha ikaw talagang bata ka. Oh na rinig mo ba yun wico ha?"

Sabay bumalik na ko sa bahay namen ni mariez akala siguro nung lalaki na yun aatrasan ko sya pwes nag kakamali sya. bwiset na yun maka sali sa usapan akala mo naman alam yung pinag uusapan nakaka yamot talaga ang mga taong ganun. wala na sira na ang raw ko neto maka tulog na nga lang muna pag katapos kong kumain. Bahala ka na munang mariez ka di na ko mag luluto panigurado busog ka na naman pag uwi mo.

Bitter turns to SweetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon