Prologue

18 2 0
                                    

"Punuan na ang jeep Zhaii. Pero kailangan na nating sumakay. Sumiksik nalang muna tayo para maka-uwi na tayo. Late na oh."

"ANO!? Ayoko nga. Tayo na naman ang sisiksik. Mahirap ipagsiksikan ang sarili sa mga taong walang ibang ginawa kundi itulak ka palayo. Wag na. Masakit kaya."

"Zhairrah Marie Villamonte. Huhugot ka na namaaan!? Unahin naman natin makasakay, Pag ako pinagalitan ni Tita. Malalagot ka sakin!"

Sagutan ng dalawang babaeng nasa kanan ko. Kilala ko sila. Si Ynnah Castilla at si Zhairrah Marie Villamonte. Campus Queens. Sobrang ganda kasi nilang dalawa. Pero para sakin mas maganda si Zhairrah. Magkakasing year kami, 4th year highschool, at magkakaklase pa. Close ko si Ynnah pero ayoko kay Zhairrah. Puro hugot nalang kasi. Konting hulog ng ballpen may hugot. Nakakarindi pakinggan sa room. Pero yung ibang lalaki, sus pini-praise pa yata ang bawat hugot ni Zhairrah. Parang bago parati eh paulit-ulit lang naman. Sus. Nakakasawa nga. Pero minsan naitatanong ko sa sarili ko, saan ba nanggagaling lahat ng pinagsasasabi ni Zhairrah? Nakaka-curious din naman kasi eh.

"Oh ayan meron nang jeep na maluwang. Hindi kasi natin kailangan Ynnah ipagsiksikan sarili natin. Tingnan mo, may dumating na bukas na bukas at handang handang tanggapin tayo."

"HAY OO NA. TARA NA."

Sumakay na sila ng jeep. Naiwan akong nag-iisip parin. Saan galing yun? Saan nga ba galing ang walang katapusang hugot ni Zhairrah Marie Villamonte. Malalaman ko rin yun.

"Sa tamang panahon jake. Sa tamang panahon malalaman mo rin yan." sabi ko sa sarili ko habang pasakay ng bakanteng jeep na huminto sa harap ko.



Falling inlove with the Hugot Queen (One-shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon