"Tuturututut tututut Dora, Dora... Dora! Swiper no swiping! Swiper no swiping! Oh men! Let's go, vamonos!" Awit ni Mystika habang nagsusulat ng statement tungkol sa isa nanamang paraisong natagpuan niya.
"Ano ba friend! Dumudugo na ang tenga ko kakanta mo ng Dora-Dora Echos na yan eh! Pwede ba? Tigilan mo na please! Ang baduy pakingan!" Reklamo ni Rica na bestfriend/room mate ni Mystika. (Si Rica po ay galing sa story ko na "My First Time -One Shot BS story- Basahin niyo po please! Paki-vote nadin =)
"Edi wag mong pakingan." Maikling sagot niya.
"Tssss...." Sabay irap ni Rica. Na siya namang ikinapikon ni Mystika.
"Rica, rica! Diyos ko! Kung hindi lang talaga kita kaibigan! Malamang kalbo ka na ngayon!" Tili niya habang pinipigilan ang sariling wag ituloy ang pag-sabunot dito.
"Hay naku Ms. Mystika Mondragon kung gusto mo go lang! Basta gaganti ako sa'yo ha!" Sarkastikong sabi ng kaibigan habang inilalapat ang buhok sa kanyang mga kamay.
"Hay..." Buntong hininga niya saka walang lakas na umupo ulit sa kinauupuan. "Hindi mo kasi ako maintindihan eh. Si Dora na nga lang ang inspirasyon ko para mag-explore eh." Parang bata niyang sabi saka nag-pout.
"Ba't di ka kasi mag-dyowa! Ako nga eh! Laging energetic dahil sa dyowa ko! Kilig!" Maarte nitong sabi habang magkahugpong ang dalawang kamay at nakatingin sa taas na tila nangangarap.
"Alam mo Ms Rica, hindi yan madali no! Lalo pa na isa akong explorer, wala akong time sa mga boyfriend-boyfriend na yan! Palibhasa kasi hindi ka explorer kaya di mo maintindihan." Singhal niya sa kaibigan.
"Hoy hoy hoy! Anong hindi explorer ang pinagsasasabi mo? Na-explore ko na ang buong katawan ni Kev no! Ahihihi! And I'm telling you! Mas masaya maghanap sa kiliti ng dyowa mo kesa mag-hanap ng mga hidden paradise! Bongga! Hahaha!!!" Malisyosang wika ng kaibigan na siyang kinagulat niya kaya niya ito binato ng unang katabi niya.
"Yuck! Kadiri ka Rica! Sarilinin mo na nga lang yang kagagahan mo! Nakakapanayo ka ng balahibo eh!"
"Whatever." Tipid nitong sagot saka siya inirapan.
Sandaling dumalaw ang katahimikan sa kanilang dalawa bago siya mag-salita ulit.
"Hay... Kailan kaya ako kukunin ng America para maging isa sa mga explorers nila doon? Ang tagal ko ng explorer dito sa Pilipinas ah! Don't tell me di padin sila bilib sa'kin."
"Girl alam mo ilang beses mo nang sinabi 'yan. Kung destined ka talagang mapunta doon mapupunta at mapupunta ka doon kahit na hindi ka mag-paimpress diyan sa mga kanong yan noh. Ang mas mabuti pa... Asikasuhin mo muna 'yang lovelife mo 'teh. Mahirap tumandang nag-iisa..."
"Hay naku! Ilang beses mo na din bang sinabi 'yang tungkol sa lab-lab na 'yan ha? Tsaka day! Hindi tataas ang estado mo sa buhay kung hindi ka maghihirap at mag-papaimpress 'noh! Mas gusto kong yumaman kesa magka-lovelife."
"Hay naku Mystika Mondragon! Daig ka pa ng idol mong si Dora! Buti pa siya may lovelife! Meron siyang boyfriend na Diego at hindi tatandang dalaga!"
"FYI Ms. Rica Sanchez, pinsan niya si Diego at wala siyang boyfriend kaya parehas lang kami 'noh!" Katwiran niya saka binelatan si Rica.
"Ewan ko sa'yo! Eto girl ha, seryoso na'ko. Hindi buhay na tao si Dora kaya hindi niya kailangang mag-boyfriend. Pero ikaw girl? Isa kang living organism na nilalang ng Diyos! Sabi nga sa simbahan, humayo kayo't magparami! Paano ka naman magpaparami kung nag-iisa ka ha? Tsaka eto pa, paano kapag matatanda na tayo at nagkasakit ka? Sino mag-aalaga sa'yo? Ako? Naku hindi pwede 'yun teh 'noh! Kasi ako, mag-aasawa ako. Tsaka ang pera? Hindi mo naman 'yan madadala sa langit eh! Pero ang pagmamahal at ligayang naibigay sa'yo ng partner mo? Teh! Hangang kamatayan baon mo yan! Tandaan mo Mystika Mondragon... We are not getting any younger! Gaano kasarap ang magkwento sa mga apo mo ng love story niyong mag-asawa 'diba? You know what dear? Life is not a life without love." Seryoso nitong sabi saka bumalik sa thesis na isinusulat. Aminado siya sa sarili na tama ito. Pero sadyang matigas siya kaya hindi pa'rin siya makikinig sa payo nito. For her, mas importante ang pera kesa sa love life. May boyfriend ka nga or may asawa't anak. Wala ka namang pera! No use di'ba!
"Ah basta." Sagot niya. Tila sumuko na ang kaibigan kaya umiling nalang ito at tumahimik. Natulog narin siya dahil maaga pa siya bukas para sa isa nanamang adventure sa Palawan.

BINABASA MO ANG
Mystika the Explorer (One Shot)
Novela JuvenilSi Mystika Mondragon ay isa sa mga pinakamagagaling na Explorer sa bansa. Siya ang nakadiskubre sa iba't ibang hidden paradise dito sa Pilipinas. She never thought na hindi lang mga hidden paradise ang kanyang matatagpuan sa trabaho. She also found...