Step Two: Past meets Present

38 2 0
                                    

Lumapit kaagad kami ni Connie sa isang malaking bulletin board kung saan naka-post lahat ng listahan ng mga estudyante at ang kanilang respective blocks.

Halos wala nang estudyante sa hallway. We're absolutely late.

"Uhmm. Gotcha! Room 554. Room 554 ang classroom ng Block B." Connie said.

 So, Block B si Connie. Next to Block A. The section where greatest students gather.

"Block D students is nasa Room 509. Let's Go!"

Inumpisahan na namin hanapin ang kanya-kanyang classroom.

Si Mr. Hottie Driver? Este yung Ivan?
Andun. Iniwan na namin. Nauna na kami. Mukhang walang balak na pumasok sa first class.

Hala! Sige!

Takbo pa!

Takbo dito. Takbo doon.

"Rhaine! Wait!"- Napatigil kami sa pagtakbo. - " Bakit ba tayo nagpa-panic?! Tignan mo ako." Humarap siya sa'kin. "Haggard na ba ako? Okay pa ba yung make-up? Ha?"

"Connie naman. Alam naman nating dalawa na kahit ma-haggard o masira yang nasa mukha mo, maganda ka pa rin. Kaya wag kang ano dyan. "

"Really?"

"Ang kailangan nating gawin ngayon ay mahanap na yung respective classrooms natin para matapos na 'to. Okay na? Tara na ba?"

"Okay." Ngumiti siya.

"Is it really a big deal na ma-late ngayong first day of classes?"

Natigilan kami sa paglalakad at lumingon kami sa likuran namin kung saan galing yung boses ng nagsalita.

Napahawak si Connie sa bibig.

"Mr. Hottie Driver?" sabi ko. Shucks! Lumabas ba yun sa bibig ko?! Nakakainis ka Rhaine!

Tama. Yung Ivan nga yung nagsalita. Nakasandal siya sa wall at naka-crossed arms. At naka-shades pa rin. Para siyang nakatayong Glutathione sa puti niya. Ang guwapo naman nito! Sheet of paper!

"Mr. Hottie Driver?" He laughed. Lumapit siya sa'kin. "Yun ba yung tinawag mo sa'kin? Haha! Well. Totoo naman 'yun. Thanks for the compliment." He smirked.

"Ha?" Napalayo ako sa kanya. "Umm... Saan nanggaling 'yun? S-sinabi ko ba 'yun? Hindi ah! Mukha mo!" I raised an eyebrow. "Hottie Driver? Tsss. In your dreams."

"Okay, okay! I give up!" Tinaas niya yung kamay niya, admitting na nagkamali siya ng narinig. Well. Kahit ako yung mali. Sarreh.

"Binibiro ka lang naman eh. Masyado kang defensive. Napaghahalataan ka eh." Tumawa siya.

"Ako? Defensive? Hindi kaya! Alam mo nakakainis ka rin ah! Papatulan talaga kita kahit guwapo ka!" Oh!!! Ano ba, Emma! Kung anu-ano na lumalabas sa bibig mo!

"Guwapo? Really? Well. Wala tayong magagawa dyan. Ganun talaga eh." Nag-Pogi sign siya at kumindat.

"Oo, guwapo ka nga. Pero sinabi ko sa sarili ko, di bale na lang. Kasi mas mahangin pa ikaw sa Signal No. 4 na bagyo!" Tinulak ko siya ng mahina. "Wow. Ang lupit mo ha! Hindi tayo close. Kaya nga wag mo akong inaano. Okay?"

Grabe pala 'to! Mayabang! Ang sarap sapakin! Kumukulo na dugo ko sa kanya!

"At bakit ka nga pala nandito? Inii-stalk mo ba kami?"

"No." Kalmado at tipid niyang sagot.

"Sabi ko na, Connie eh. May balak 'to sa'tin."

Hindi siya makapag-salita at tinignan niya lang ako ng seryoso. "Natameme ka no? Hah! Wag kami. Marami dyan oh!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Her Gorgeous StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon