Chapter 11

4 0 0
                                    

Tulog - tulugan


"Ayun na yung bus oh!" Sabi ni Michael

Dali kaming tumakbo papunta dun sa bus kaso biglang umandar kaya hindi rin kami nakasakay.

"Dito guys sakay na tayo wala pa masyadong pasahero"

Sumakay na kami sa nakatigil na bus at totoo nga na kami palang yung pasahero at isang lalaki lang.

"San tayo uupo?" Tanong ni Angel.

Kasi yung left side ay pangtatluhan ang pwede maupo samantalang ang sa right side ay pangdalawahan lang.

"Sa harap tayo dun nalang kayo sa left side Michael" sabi ko
"Tara dito labz"

Ayun naupo nalang kami at naghintay ng mga sasakay pang pasahero. Sobrang tagal namin naghihintay doon at konti palang ang sumasakay.

Ang tanging maingay lang sa loob ng bus ay ang nakabukas na TV, comedy yung palabas eh pero di ko alam title.
Tawa lang ako ng tawa sa pinapanood namin habang siya ay nakatingin ulit sa phone niya.
Napagod na ko kaya di na ko nanuod ng TV.

"Inaantok na ko" ani ni MJ

"Tulog ka na"

"mamaya na".. humikab lang muna siya bago ulit nagsalita "lagi ako ganito pag sa biyahe parati ako nakakatulog"

"edi dapat pala lagi kang may dalang unan haha. antukin ka pala"

"oo eh"

"oh sige na tulog ka na"

imbes na sumandal lang siya..... pinagmamasdan ko siyang nakapikit na at AYAN NA, AYAN NA, ETO NA TALAGA SIYA unti unti siyang sumasandal sa balikat ko, sheet! tang na moo pa .. tapos ayan na naghargumentado na yung insides ko nakakapanlambot.. Ian be patient, act natural so ayun di ako kumilos.. di ako makakilos. nang medyo humupa na yung nararamdaman ko ay bigla niyang inangkla yung braso niya sa braso ko

"tumaas ka ng konti nangangalay ako"

aba grabe siya haha. anyways ginawa ko parin. bilang distraction ay nanuod ulit ako ng TV pinipilit ang sarili na tumawa syempre mahina lang nakakahiya sa ibang pasahero pero wala kinikilig si kuya mo Ian eh. Umandar na yung bus sa wakas tapos nagising lang si MJ nung magbabayad na. pagkabayad lumingon lingon muna siya sa paligid habang nakatigil kami.

"malayo pa ba tayo?"

"yep"

"di ka ba matutulog?"

"hindi ako natutulog sa biyahe"

"sabi ko sayo parati akong tulog sa biyahe kaya oo nagdadala ako ng unan at kumot kapag aalis kami at nakakotse kami ng family ko"

"bihira lang ako makatulog pag nasa moving vehichle tho para kasi ako nahihilo pag ganun"

"ah ganun...nako sana makauwi na tayo agad para makain nila yung donut na uwi ko"

mapungay na yung mata niya habang nagsasalita at nagpapahiwatig na inaantok ulit siya. humikab na ulit si MJ at bumalik sa position niya kaninang nakasandal sa left shoulder ko habang nakaangkla ulit sa braso ko ang kanyang mga braso , nasa may window kasi ako gusto niya daw sa may aisle eh.

ayun tulog nanaman si labz. habang umaandar yung bus ay gumagalaw galaw din yung ulo niya na parang babagsak kaya tinataas ko yung balikat ko para hindi tuluyang mahulog yung ulo niya para di siya magising. ngalay na ko pero ayos lang.

nasa EDSA kami napatingin ako sa labas ... hay nako sobrang traffic, pag sinabing traffic as in di manlang gumagalaw yung mga kotse . all I see are red lights from the vehichles around us the lights from the billboards and many buildings. I didn't care about it at all kasi napapangiti nalang ako kapag naiisip ko na makakasama ko si MJ ng mas matagal, I don't want this moment to end. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 15, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Pretender (ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon