Chapter 4: Desperate

54 4 1
                                    

"Class dimiss."

Narinig ko ang teacher namin. Sinabi na nya ang mahiwagang salita. Na kapag narinig mo ay mapapatalon ka sa sobrang kasiyahan. Na kapag narinig mo ay makakain kana. Speaking of pagkain, gutom nakooo. Gutom na gutom.

Antagal kasi mag discuss ni Sir Gil, okay lang sana kung matagal sya mag discuss e, basta wag lang sya magpa quiz. Ang hirap ng mga problems na pinapasolve nya. Nakakainis. Bakit kasi may math pa? Sabi ni sir, lagi mo daw kasama ang math kung saan ka man pupunta. Maski sa palengke,mall,jeep,damit at sa pagkain. Magkakasama mo ang math.

Sa jeep,mall,palengke,damit at sa pagkain ba e, bago ba kayo magbayad may pinapasolve ba sainyo na (x2) - (3x4-6+1). Meron ba? Wala naman diba? Aish!

"Like I'm gonna love you, like I'm gonna lose you."

"Ay butiki!"

"Psh, lagi ka nalang tulala,wala sa sarili. Ano ba nangyare sayo?" Tama nga si bes, Ano ba nangyayare sakin?

"Mahal ko pa siya. Sige, magalit kana sakin. Pero bes. Siya parin, kahit na anong pilit ko. Siya parin alam kung ang tanga tanga ko kasi, mahal ko parin sya. Pero wala akong magawa para makalimutan 'siya. Bes. Nahihirapan nako." Basang basa na yung mukha ko dahil sa mga luha kung abno.

Tumayo sya at kinuha ang bag nya, "Tara." Sumama naman ako sakanya kasi may tiwala naman siya sakin. Itatanong ko na sana kung saan kami pupunta kaya lang nagsalita siya. "Mamaya ka na mag tanong." Nabasa nya yung nasa isip ko? "Bestfriend kita isabel, kaya wag ka ng magtaka kung pati tumatakbo sa isip mo e alam ko." Sabi ko nga.

Huminto naman yung sasakyan sa ewan ko kung saan to. Niyaya nya na akong bumaba, napanganga nalang ako sa nakita ko. As in nga nga ha.

Wow, ang ganda dito.

Nasa taas kami ngayon, as in taas. Kita kasi dito yung mga buildings tapos may mga bahay. Ang ganda dito. Kahit medyo mainit sa pwesto ko hindi ko nalang pinansin kasi pag nandito kana sa tuktok mawawala yung nararamdaman mo. Kasi sobrang ganda dito. Hindi naman masyadong mainit kasi humahangin.

"Sigaw."

"Huh?"

"Sigaw ka. I sigaw mo yung sakit,lungkot, na nararamdaman mo. I labas mo na yung nararamdaman mo. Huwag kang mag alala bes, tayo lang dalawa tao dito tsaka masyadong malayo ang mga buildings at bahay sa lugar na to. Kaya go' do what you want!"

"Sigaw kana!"

Tama sya. Dapat ilabas ko tong nararamdaman ko sa pamamagitan ng pag sigaw. Umepektib man o hindi. Atlis, nasabi ko ang nararamdaman ko. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko. Gustong gusto kong makalimutan na siya. Pero paano? Paano ko ka kalimutan yung taong nagpasaya at kumukumpleto ng buhay ko?

Siguro. Tama nga si brent, dapat kalimutan ko na siya. Ugh! Bakit ba ang abnormal ng puso ko?! Gusto kung kalimutan na lang siya. Pero parang may pumpigil sakin!

"Ahhhhh! Ang sakit sakit. Paano ka ba makalimutan?! Pakyu ka! Pakyu! Pakyuuuuuu! Hindi ba pwedeng mag balikan nalang tayo?! Para maging masaya na lahat!"

"Waaaaaaaaaa! Balikan mo nalang ako. Please? Sabi mo sakin ako lang, na ipaglalaban mo ako,hindi mo ako iiwan. Pero ano ginawa mo?! Sinira mo tiwala ko!!!"

"Bakit ba ganyan kayong mga lalake? Puro sakit lang lagi iniiwan nyo samin."

"Di nyo ba inisip na, mahal na mahal namin kayo, tapos kayo naman. Balewala lang sainyo. Ilan nalang ba ng seryosong lalaki sa mundo? Apat? Tatlo? Dalawa? Isa? O baka wala na talaga!"

Dear ex, How to un-love you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon