Chapter 3: Text Message

68 5 0
                                    

"Uy bes, sabihin mo na kasi."

Ayan na naman. Kanina pa sya ganyan ng ganyan. Nakakairita na sya. Kung hindi ko lang talaga sya bestfriend baka, sinipa ko na palabas ng kwarto ko to, ang kulit nya masyado.

Tinatanong nya kasi yung nangyare sa pag uusap namin ni brent kahapon. Wala lang naman. Wala namang nangyare. Pagkatapos lang naman kasi sabihin ni brent sakin na, 'I'm truely badly crazy inlove with you.' Nag walk out na agad ang loko. Hindi man lang nya ako hinintay magsabi din ng 'Me too. Me too Brent.' Diba?! Psh, bakit ba lahat nalang dinadaan ko nalang sa biro.

Oo. Aaminin ko, masaya ako. Kasi sabi nya mahal nya parin ako. Kaso wala na kami. Wala ng kami. Ang sakit lang. Ang sakit lang kasi. Nag assume ako na gusto nya parin ako, ang saya ko kasi tama pala yung inassume ko na gusto nya parin ako. Kaya lang. Paano kung mag assume din ako na babalikan nya ako? Magiging tama rin ba ulit ako?

Gusto kung bumalik ulit sa pagka bata. Kasi pag bata ka naglalaro ka lang ng naglalaro. Pero ngayon, Ikaw na ang pinaglalaruan. Pag bata ka. Kain,tulog,laro ka lang. Ngayon, kakain kana nga lang may iniintindi kapa. Matutulog ka na nga lang nagiisip at namomroblema kapa. Laro. Makikipag laro ka na nga lang, paglalaruan kapa. Sabi nga nila. "Matuto kang makipag laro, kung ayaw mong ikaw ang mapag laruan"

Dati, isa lang naman ang gusto ko eh. "A good laugh and a long sleep." Yan lang naman e, siguro kasalanan ko to. Kung hindi sana ako na inlove sakanya edi sana hindi ako nasasaktan at wala akong pinoproblema ngayon. Ngayon ko lang talaga na realize na nasa huli talaga ang pagsisisi. Pero hindi ko naman pinagsisisihan na minahal at nakilala ko si Brent e, Kung di naman dahil sa kanya hindi ako naging masaya.

Kinwento ko na kay bes yung nangyare sa pag uusap namin ni brent. Simula dun sa babaeng nag sabi na
boyfriend nya daw si brent hanggang dun sa huling pag uusap namin. Na shock naman siya bigla.

"What the?! May sakit si Brent?! Hays. Tadhana nga naman oh, kung kailan nagiging masaya kana sa mahal mo dun kayo paglalaruan." Nag pout pa sya. Tama nga naman sya e. Kung kailan masaya kana, tsaka ka pa paglalaruan. Wait? Ginaya ko lang ata sinabi nya e.

"Ganyan talaga bes," tinap nya yung likod ko, "Nga pala, may lakad nga pala ako, text nalang kita ha?" Tumango nalang ako tsaka ngumiti. Umalis na si bes, iniwan ako. Hay, daya.

Kung kailan akala mo happy ending na, ending lang pala. Walang happy.

Nakakainip sa bahay. Shete. Ayaw ko namang umalis o magbonding with my self. Tinatamad ako. Ano kayang pwedeng gawin? Mag jack and poy sa tapat ng salamin? Psh, palagi naman akong panalo dun e.

Magpa sounds at sumayaw ng sumayaw nalang kaya ako? Malamang mapapagod lang ako dun e, humiga nalang kaya ako hanggang sa makatulog ako. Katulad ng ginagawa ko dati. Ganun na lang.

Pipikit ko na sana yung mga mata ko, kaya lang may nagtext sakin.

From: 0936********

"Mas maganda ang maghintay sa tamang panahon, kesa masaktan ng paulit ulit sa maling pagkakataon."

Mali ba yung pagkakataon namin? Mali ba na naging kami? Aish! Teka?! Sino ba tong nagtext na ito? Oo! Nagtext siya! Hindi kasi sya GM e. Pinapatamaan ba ako nito? Ano bang ginawa ko sakanya?! Bakit sya nagtext ng ganito? Pero, hindi ko naman kilala to. Baka kaibigan ko dati? Pero bakit parang pinapatamaan nya ako? Close ba kami?

Kahit pala gaano mo kamahal ang isang tao, mawawala't mawawala yon kapag hindi ka nya pinahalagahan.

Pero bakit ako, hindi mawala wala yung nararamdaman ko kay brent kahit na alam kung hindi na ako mahalaga sakanya. Bakit ba ang martyr martyr ko? Nasasaktan at nahihirapan nako pero ito parin ako. Umaasa ng umaasa na sana mahalin nya parin ako.

Hinayaan ko nalang yung nagtext sakin, baka na wrong send lang, number lang kasi sya e. Pero bakit saakin pa talaga na send yun? Hays! Nakaka stress! Pinikit ko na ang mga mata ko. Matutulog na lang ako.

***

Nagising ako ng parang may nakatitig sakin, sino ba to? Nakakainis na sya ah! Natutulog ako e, ipinikit ko na lang uli yung mga mata ko.

"Tulog mantika ka talaga!"

"Hoy! Gising na!"

"Bwiset! Ugh! Gising kana dyannnnn!"

Nakakainis 'to ha. Sabi nya may lakad sya tapos babalik balik siya dito? Psh. Kasalanan ko ba na pagod na pagod ako kahit wala naman ako ginawa.

"Ano ba! Lintek na. Umalis ka. Kasi sabi mo may lakad ka, hindi kita pinigilan umalis kahit na gustong gusto ko ng karamay dahil sa problema ko, kasi baka mahalaga yung lakad mo. Tapos ngayon na ang tahi tahimik kung natutulog ginising mo ako! Ano problema mo?" Gulat na gulat sya sa mga sinabi ko, nako! Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang masigawan kita. "S-Sorry." Yinakap ko sya, Ano ba kasing nangyayare sakin?

"Bakit ka nagso-sorry?" Tanong nya sakin. Hindi ba obvious? Kasi nasigawan ko sya! Mag bestfriend talaga kami. Pareho kaming slow.

"Kasi sinigawan kita?"

"Hahahahahaha." Tawa sya ng tawa. Dalin ko na kayo to sa mental hospital?

"Why are you laughing?" Irita kung sabi. Ano ba kasing nakakatawa? Baliw ba to?

"Kasi.. Kasi.. Kasi.." Pabitin! Nakakainis! May kasi pa syang nalalaman! Kasi.. Ewan!

"Kasi?!" Nakapamewang kung tanong.

"Kasi ano.. Ano kasi.." Nakakainis na sya ha! Tinignan ko sya ng masama. As in masama.

"Ano ba kasing ano yan ha?! Sasabihin mo ba o gusto mo na may dumanak na dugo dito?! Ano?! Kasi ano?!" Panakot ko sakanya. Napalunok naman siya, epektib ata.

"Angepicmolangkaninanungsinisigawanmoako," Sabi ko na nga ba e. Ano daw? Hindi ko maintindihan!

"Ano?!"

"Ang.. Epic.. Mo.. Lang.. Kanina.. Nung.. Sinigawan.. Mo.. Ako.." Mabagal nyang sabi.

"Gago ka tigil tigilan mo lang ako! Peste ka! Batukan kaya kita!"

"Awts, makamura wagas ha, para wala ng bukas."

"Isa pa talaga! Baka ikaw ang hindi abutan ng bukas dyan."

Natahimik siya at nag kwentuhan nalang kami ng nag kwentuhan hanggang sa napagdesiyunan na nyang umuwi, hinatid ko na sya sa harap ng bahay namin para makauwi na sya.

Bumalik na akong ng kwarto ko para makapag pahinga narin. Pagod na pagod na ako sa kakaiyak. Grabe kasi sya! Gusto nya mag kwento ako ng kwento. Kainis sya. Pero, kahit papano na labas ko yung mga nararamdaman ko, atlis hindi na masyadong mabigat sa feeling.

Sana maging okay na si brent, ang laki na kasi ng binago nya e. Iba na sya manamit, Ibang iba na. Parang wala ng syang pake sa buhay nya. Hindi naman porque may ka sakit sya e, gagawin nya nalang basta basta nalang yung buhay nya.

Kung ako lang ang nasa sitwasyon nya, papahalagahan ko nalang kung anong meron ako. Magiging masaya nalang ako.

Napabuntong hininga nalang ako. Tumingin ako sa kisame. Patuloy ako sa pag de day dream ng umilaw ang aking pinakamamahal na cellphone.

From: 0936*******

"Hi? Hindi ko alam kung may pakealam ka parin sa sasabihin ko. Pero, gusto ko lang naman sabihin sayo na mahal parin kita. Mahal na mahal. Hindi ko to sinasabi para balikan mo ko. Gusto ko lang naman magsabi yung nararamdaman ko, bago ako umalis. A-Ah magpapagamot na kasi ako sa states. So... Gusto ko lang na alagaan mo mabuti ang sarili mo. Huwag ka ng manununtok ha? Tsaka... Sana mahanap mo na talaga yung taong para talaga sayo. Uhmm, so goodbye. Once, i love you always and forever."

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Hi readers! Huhu naiiyak ako. Kasi wala naman masyado bumabasa ng story ko. Pero okay lang sakin. Third story ko kasi ito. Ito lang talaga yung pinag tutuunan ko masyado ng pansin, feel na feel ko kasi yung story na to.

So, please vote at comment na! Advance thankyou nga pala! :))

Dear ex, How to un-love you?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon