Chapter Two

5 0 0
                                    


Crazy Bastard


Naririnig ko nanaman yung ingay, yung sigawan, yung pagkalabog ng pinto, yung padabog na pagakyat sa hagdan. Naririnig ko nanaman.


Gustong tumulo ng luha ko pero pinipigilan ko. Gusto ko silang sigawan, gusto ko na silang pigilan, pero nawawalan ako ng lakas ng loob. I can't.


Humiga ako sa kama ko at pumikit. At doon nagsimulang tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Hindi ko na kaya mamuhay ng ganito. Araw-araw nalang ba?


Araw-araw nalang bang ganito ang scenario sa lugar na to? Minsan gugustuhin ko nalang na hindi umuwi kesa madatnan ko yung ganitong pangyayari.


I just want to leave this place. This place is hell.


Nang natahimik na sila, kinuha ko ang sweater ko, nagpajama ako, kinuha ko ang susi ng motor ko. Tahimik akong lumabas.


Buti nalang at tulog na sila. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto atsaka ako lumabas. Hinila ko palabas ang motor ko, hinila ko ito palayo sa bahay, at doon ko palang ito pinaandar.


Hindi ko alam kung saan ako pupunta, it's already 11 p.m and I've got nowhere to go. Tinext ko si Gia.


To: Gia

Hoy, gising ka pa? Wanna chill?


Ilang minuto ang nakalipas bago siya magreply.


From: Gia

Ano ba naman, fren. Natutulog na ako, ikaw nalang mag-isa mo! Di moko sinama mag-cutting! Good night!


Napangiti ako habang napapailing sa text ng bestfriend ko, kahit kailan talaga.


Dumiretso nalang ako sa 7/11, buti at 24 hrs itong bukas. Pinarada ko sa gilid ang motor ko at pumasok sa loob. Kumuha ako ng red tea at isang spicy noodles. Binayaran ko na ito, at umupo.


Habang tumatagal, tumutulo na ang sipon ko. Why did I even think about buying spicy noodles? Ugh. After every 3 seconds ay sumi-singhot ako. Nakakainis naman eh.


Humihigop parin ako ng sabaw kahit na anghang na anghang na ako, halos mangiyak narin ako sa sobrang anghang ng nabili ko.


Muntikan nang mabuhos sakin yung noodles nang biglang may kumalabit sa braso ko. Dahan-dahan akong tumingin sa kung sinong kumalabit sakin. Bakit parang kinakabahan ako? Paano kung holdap pala to? Paano kung may adik dito? Susuntukin ko ba sa tiyan? Tatadyakan ko? Sasampalin ko?


Sa sobrang kaba ko, nasapok ko yung nasa gilid ko. "Oww!" rinig kong sigaw niya.


Nanlaki ang mata ko at yumuko, "Sorry! Di ko po sinasadya!" nakayuko parin ako habang sinasabi iyon.


Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon