Chapter Four

11 0 0
                                    


What's with 'The Morgans'? Are they some kind of a group? A band? Some idiots? Some bastards? Who the hell are these guys? Bagong pasikat nanaman ba 'to? Mga pa-famous? Attention whores? Famewhores? Ugh, whatever.


Bumalik ako sa katinuan nang biglang may umupo sa harapan namin ni Gia at kinuha ang pizza na dapat ay isusubo ko na. Kumulo ang dugo ko sa mga nangyayari. Padabog akong tumayo at dinuro-duro ang dalawang lalaki sa harapan namin ni Gia. "WHAT THE HELL IS YOUR PROBLEM, YA'LL?! I JUST WANT TO EAT THIS FUCKING PIZZA PERO DAHIL SA KAINGAYAN AT KAGAGAHAN NIYO, HINDI AKO MAKAKAIN! IS IT RUDE FOR ME TO HAVE A BITE?! JUST A BITE! WHAT THE FREAKING FREAKING HELL! MGA LETCHUGAS. ANG IINGAY NIYONG LAHAT!" dire-diretso at walang preno kong pagsigaw.


Napansin kong natahimik silang lahat na nasa canteen, at ramdam ko ang pagkahingal ko. Ang sama ng tingin ko sakanilang lahat lalo na sa dalawang lalaking sa harapan ko ngayon. Nakangiti ang isa sakin habang ang isa naman ay parang walang pakialam sa mundo. "BUY. ME. ANOTHER. GODDAMN. PIZZA. OR I'LL BREAK YOUR NECK. MEET ME AT THE BACK OF THE SCHOOL." pagkatapos kong sabihin iyon ay lumabas na ako sa canteen at dumiretso sa likuran ng school.


Bwiset na mga taong yan! Pizza na nga lang ang kakainin ko, aba't hindi pa'ko pinagbigyan! Ang iingay! Nakakairita sa tenga, mga walang hiya! Padabog akong umupo sa sahig at sumandal sa pader. Huminga ako ng malalim at marahan kong pinikit ang mga mata ko. This is what I want.


Walang ingay, walang sigawan, walang kahit na anong nakakaistorbo. Kung kaya ko lang gawing payapa ang buhay ko? Nagawa ko na. But, no. I'm not some kind of an expert or some magician. Pero lagi kong hinihiling na sana, magkaroon ako ng tahimik na buhay. Walang gulo, walang away. Ganito lang, tahimik at payapa.


Kung kaya ko lang magpalabas ng genie ngayon? Gagawin ko. I will wish for a peaceful, and a happy life. But.. I can't. It's too impossible for it to happen. It will never happen.


Pinunasan ko ang luha na pumatak sa mata ko. If I could stop my tears from falling? I will. But it's so fucking hard. How can I stop myself from crying if I can always feel the pain, the hurt, and the sadness? My life's a mess. A total mess. And it's a mess that no one can clean up, even a tiny bit.


Minulat ko ang mga mata ko nang tumama ang sikat ng araw sa mukha ko. Napatakip ako ng mukha sa init, at lumipat ng pwesto. Narinig ko na ang pagring ng bell, which means, break is over.


Aalis nalang ako, wala din naman akong gagawin dito. Pumunta ako sa gate, kung saan madalas akong lumalabas kapag nagcu-cutting ako. Dahan-dahan ko itong binuksan, at nalabas ko na ang isa kong paa. Lalabas na sana ako ng tuluyan pero may narinig akong nagsalita sa likod ko, "Trying to cut class, Miss?" oh boy.


Nilingon ko kung sino ang nagsalita at nakahinga ako ng maluwag. Akala ko pa naman ay guard o kaya teacher. Buti nalang at estudyante lang to.. teka, "YOU?!" I pointed out my fingers on him. Siya yung lalaki kanina sa canteen! The guy who stole my pizza!


"You son of a jerk, where's my pizza? You stole my pizza!" nakasimangot ako habang sinisigawan ko siya, pero nakangiti lang siya habang nakatingin sakin. Mas lumapit ako sakanya at sinigawan siya ulit, "HEY! ARE YOU DEAF? I'M ASKING YOU, MORON! WHERE'S MY PIZZA?!" kung iniisip niyong adik ako sa pizza, hindi naman talaga, pero napipikon lang ako kasi simula kaninang umaga ay hindi pa ako kumakain. Yun na nga lang ang kakainin ko, kinuha pa ng isang mokong na to.


Nakangiti parin siya sakin kahit na sinisigawan ko na siya, nagtaka ako sa pagngiti niya, baliw ba to? "Hey, are you, uhm.. crazy?" tanong ko sakanya habang nag-action ako na iniikot ang daliri ko sa gilid ng ulo ko. "You know, kung sinabi mo ng mas maaga edi sana naintindihan ko, hindi yung ngiti ka lang ng ngiti, nagmumukha kang tanga." I glared at him at nakita ko siyang sumimangot. Aba bipolar ang gago?


"Seriously? After mong ngumiti-ngiti, sisimangot ka naman ngayon? Ano mamaya, iiyak ka? Magagalit ka? DON'T TELL ME, ABNORMAL KA?!" nakita ko naman siyang tumingin ng matalim sa mga mata ko. At nakita ko siyang ngumiti ulit. Why the hell am I talking to this guy though? Feeling ko ako ang mas nagmumukhang abnormal saaming dalawa.


"You know what.." aba buti naisipan niyang magsalita. Nagaalala lang naman ako kasi baka mamaya mabulok ang laway niya sa bibig niya. Siguro ang baho ng hininga nito. Hindi nagsasalita masyado, puro ngiti. Parang timang. "..YOU'RE SO LOUD! I can't even say a word because of you blabbering about some piece of pizza, about me being, what? ABNORMAL?! This irresistible handsome face?! Tsk tsk. That's a big no-no." inirapan ko lang siya. Pa-english english pa tss.


"You know what.." paggaya ko sa tono ng boses niya. "..I DON'T CARE! JUST GIVE ME BACK MY PIZZA! AND WHAT?! IRRESISTIBLE HANDSOME FACE?! Seriously? Ang sarap kurutin ng nailcutter yang makapal mong mukha! Pwe!" pag-act ko pa na parang nandidiri. Hah! take that!


"Pffft. A'right. If you want I can lend you my nailcutter. At pwedeng paki-palas na rin yung mga kuko ko? Ang haba na kasi eh." what the, aba at ang kapal talaga ng mukha ng lalaking to ah? I can't take it anymore. Walang kahit na sino ang nakakapagbara sakin ng ganito. He's the first one. Except for Gia.


I grabbed his colar and whispered to his ear, "YOU DON'T KNOW ME, MISTER. SO BETTER BE CAREFUL. Hindi porket lalaki ka, hindi kita papatulan." after that, umalis na ako. Lumabas ako sa gate at iniwan ko siya doon.


Hindi ko alam kung saan ako didiretso, pero pumunta ako sa bahay. Kapag ganitong oras, walang tao sa bahay. Nagpalit ako ng damit, I wore a simple white v-neck shirt, faded ripped jeans, and a pair of white shoes. Inipit ko ang buhok ko at kinuha ang susi ng motor sa ibabaw ng lamesa ko. Motor ang gagamitin ko ngayon, baka magtaka sila pagkabalik at hindi nila makita ang sasakyan ko dito. Nagcommute lang kasi ako papuntang school. Because they won't allow me to use my motor or my car. What a life.


Tumigil muna ako sa likod ng school at tinext ko si Gia.


To: Gia


Hoy nasa likod ako ng school. Kunin mo yung bag ko sa classroom namin, and yours. Dalian mo, naghihintay ako!


After a minute nakita ko ang reply niya,


From: Gia


Oh my gosh fren! Isasama mo na ako? Oh my gosh talaga! Osige sige, kukunin ko na hehe. See you!


Habang naghihintay ako, biglang may sumakay sa likod ko, and then he started the engine. This scenario is so familiar.


Nilingon ko kung sino siya, "Ikaw nanaman?!" nakakainis, nakakainis! Bakit siya nandito?! Akala ko pa naman hindi ko na to makikita! Ugh!


"How are you, flat?" naramdaman ko ang paginit ng mukha ko. This crazy bastard!


Akala ko matitigil na ang pagkita ko sa mga abnormal na lalaking katulad niya. Pero hindi, padami sila ng padami! Nakakaasar!


"STOP DRIVING OR I'LL KICK YOUR ASS. BASTARD!" I heard him chuckle, pero hindi niya padin tinitigil ang pag-drive. Ang awkward ng posisyon namin ngayon, seriously. Nasa likod ko siya, nasa harap niya ako, at nakakulong ako with his two arms. Bwiset.


Dahil ayaw niyang tumigil kinurot ko yung hita niya, with full force! "O-ouch! H-Hey stop it! A-aray! Shit!" tss, ayaw pa kasing itigil, nakakaimbyerna 'tong lalaki na to, parang kurot lang sakit na sakit. Pano pa kaya kapag sinuntok ko to sa mukha niyang nakakainis. Psh.


Tinigilan ko siya sa pagkurot nang bigla niyang itabi yung motor sa gilid ng kalsada. Umalis ako sa motor at hinila ko rin siya. "What the hell is wrong with you?! Sayo bang motor to, ha?! Ang kapal ng mukha mo! Sa susunod na makita pa kita at gamitin mo 'tong motor ko, hindi lang kurot aabutin mo sakin! Masusupalpal talaga kita! Hayup ka!" tinignan ko siya ng masama at sumakay nako sa motor ko, mabilis ko itong pinaandar. Nakita ko siya sa side mirror, nakatingin siya sa direksyon ko habang nakapamulsa. Jerk.


Dumiretso na ako sa bahay at tinawagan ko si Gia, sinabi kong hindi na muna kami matutuloy. Nagpalit ako ng damit bago humiga sa kama ko. I closed my eyes, at naalala ko nanaman yung mga nangyari ngayon. Ughhhh!


This day sucks!


Hindi na nga ako matahimik sa bahay, pati ba naman sa labas? Sa school? Sa mall? Saan pa ba? Kelan ba ako magkakaroon ng payapang buhay?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Everything Has ChangedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon