[WB: JM5]

543 23 3
                                    

[WB: JM5]

Khloe’s POV

Katatapos lang naming maghapunan, in fairness, amgaling palang magluto si JM. Sabagay, isa siyang doktor na kung saan-saan pinapadala. Huling pinuntahan niya ay Batanes. Mahigit isang linggo din siya doon. Iniwan ko siya sa loob, nagkusa siyang maghugas, eh.

Naglalakad-lakad ako ngayon dito sa gilid ng dagat, walang masyadong tao doon dahil medyo magkakalayo ang mga cottages. Ang tahimik pa nga, nakakapanibago. Tiyak na may maisusulat na naman ako bago matulog mamaya.

“Claw!”

Naman, ngayon pang nagda-drama ako. Niyakap ko ang sarili ko, naka-sleeveless lang kasi ako at naka-shorts, malamig pa naman ang hangin doon. “Ano?” lumingon ako sa kanya. Papalapit na siya sa akin. Ngiting-ngiti pa. “Alam mo bang ikaw ang goal ng buhay ko?” naningkit ang mga mata ko sa kanya.

“Ayie, ang sweet ng Claw ko, ha, nakakain lang ng luto ko, bumabanat na? Oh, sige, bakit?”

Banatan ko siya, eh, “kasi ikaw ang pang-‘goal’o ng buhay ko, alis nga diyan,” tinapik ko ang pisngi niya saka siya nilagpasan. Lumayo ako sa kanya saka umupo sa buhanginan, maga-alas nuebe na kung di ako nagkakamali. Tanging mga torch na lang na dalawang metro ang layo sa isa’t-isa ang nagbibigay liwanag sa paligid.

“Claw.”

“Ano na naman?” kung kailan ako nag-iisip ng magandang isusulat, saka naman sumisingit si JM. Tumabi siya sa akin, yung tipong magkadikit na ang mga braso namin. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang napansing tumitibok ng ganun kabilis ang puso ko.

“Hindi ka ba nilalamig?”

Napansin din pala niyang kanina pa ako yakap ng yakap sa sarili ko. “Medyo lang,” simpleng sagot ko. Parang ayoko munang makipagsagutan sa kanya ngayon. Masyadong maganda ang tanawin para lamang i-spoil at makipag-argumento sa kanya.

“Gusto mo bang pumasok na tayo o ikukuha na lang kita ng jacket mo sa loob?”

“At bakit bigla-bigla kang naging concern, aber?” umingos ako, “wag na, magpapakapagod ka lang. Ikaw na lang ang pumasok, baka inaantok ka na. Nakakapagod din ang byahe kanina. Susunod na lang ako.”

“Lika na nga lang dito,” at hinila niya ako palapit sa kanya. Kinulong niya ako sa mga braso niya. “Ayan, hindi ka na nilalamig.”

“Ano ba---“

“Claw, ngayon lang, magiging yelo ka na, oh,” pigil niya sa akin. Naramdaman kong pinatong niya ang baba niya sa ulo ko.

Hindi na nga ako nakipagtalo pa sa kanya. Besides, tama naman siya. Baka magkasipon pa ako kapag di ako agad nainitan. “Thanks,” simpleng sabi ko sa kanya. Hindi ko naman pala ikakamatay kung minsan magkasundo kami.

“Etong resort na ‘to, pagma-may-ari ni Francis,” kwento niya, “kita mo yun?” may tinuro siya mula sa kalayuan, kumikislap-kislap iyon, “yun ang light house. Sa baba nun, dun kami nag-camping ng boy scout nun, mga grade 5 yata kami nun. Iba-ibang school ang pinanggalingan namin. Sa kasamaang palad, ako, si Eph, si Amiel, si Xhin, si Raph, si Ethan at si Francis, naihiwalay kami sa kanya-kanya naming school nang groupings na. Awkward nga nun, eh, hindi ko sila kilala tapos ito pang si Amiel, bawat madaanan naming bato nung adventure namin, alam ang pangalan. Tapos etong si Francis, walang ibang kinuwento kundi ang kababata din niyang si Louise na pakakasalan daw niya,” tumawa pa siya, “pero kita mo naman, nang dahil lang sa camping, nagkakakilala kami. Akala ko nga nun, hindi na kami magkikita-kita pa pero nung tumuntong na ako sa highschool, nakita ko si Francis sa katabing eskwelahan, hanggang sa mabuo ulit kami. Hanggang ngayon, magkasama pa rin, kanya-kanyang buhay na. Si Eph nga, bumubuo na ng pamilya.”

Bumubuo ng pamilya, napangiti ako doon. “Ikaw, wala kang balak bumuo ng pamilya?”

“Gusto mo na ba?”

Nabingi yata ako, “ha?”

“Wala. Ang sabi ko, hindi pa yata handa ang babaeng gusto kong pakasalan.”

Hindi ko alam pero daig ko pa ang tinadyakan ng kabayo sa dibdib. “B-Bakit naman?”

“Dapat kasi, maging komportable muna siya sa akin bago ko siya yayain... pero dapat ligawan ko na muna pero mukhang ayaw magpaligaw. Ayos lang sa akin yun basta wala pa siyang maging boyfriend sa ngayon.”

“Ang sama mo pa rin hanggang ngayon,” pumikit ako. Dinig na dinig ko ang tibok ng puso ni JM, hindi ko nga lang masabi kung normal ba iyon o hindi. Masyado yatang mabilis. Pinakinggan ko pa iyong maigi at tinapat ang kamay ko sa kaliwang dibdib ko. Parang sabay na sabay ang pagtibok ng mga puso namin.

“Hindi, ah, marunong lang talaga akong maghintay,” sabi niya. Tumaas-baba ang dibdib niya, halatang huminga ng malalim. “Ikaw, Claw, wala ka pa bang balak mag-asawa? 21 ka na, mag-22 ka na ilang buwan mula ngayon.”

“Wala pa, wala pang nagkakamali, eh,” natatawang sabi ko at minulat ang mga mata ko. Tumingala ako sa kanya para lamang malamang nakatingin na pala siya sa akin.

“Hindi naman ako nagkakamali, eh.”

Tinitigan kong mabuti ang mga mata niya. Parang sinsero naman siya. ‘Sige, paniwalain mo ang sarili mo, Khloe, magpakahulog ka ulit, paulit-ulit,’ bulong ng isang parte ng utak ko. “Hmm?” sa pagtatalo ng isipan ko ay hindi ko na siya naintindihan.

“Wala, tara na sa loob?”

Ayoko pa sanang kumalas sa kanya pero siya naman na itong lumayo. Inabot pa niya ang kamay niya para tulungan akong tumayo. Pagkatayo ko ay agad niyang dinantay ang braso niya sa balikat ko. Hindi na lang ako kumontra, para saan ba ang isang gabi ng pagpapakatangang muli? Baka kasi hindi na ‘to maulit pa. “Good night,” ngumiti pa ako sa kanya bago binuksan ang pinto ng kwarto ko.

“Good night,” sabi rin niya at binuksan na rin ang pinto ng kwarto niya.

“Sweet dreams,” pumasok na ako sa kwarto ko pero nakasilip pa rin sa labas.

“Sweet dreams,” gaya niya, pumasok na rin pero nakasilip rin, “matulog ka ng mahimbing, ako na ang bahala sa breakfast bukas.”

“Thank you, matulog ka na rin,” ano bang nangyayari sa akin? “Bye,” sinara ko na ang pinto at narinig ko na rin ang pagsara ng pinto niya. Sumandal ako sa pinto. “Ugh,” gusto kong sabunutan ang sarili ko, ang tagal na panahon na niyon pero bakit parang bumabalik na naman? Nakaya ko siyang iwasan ng ilang taon, bakit ngayon pa? Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayaw ko siyang makasama, eh. Binuksan ko ulit ang pinto.

“Claw.”

“JM.”

Sabay pa kaming lumabas ng kwarto.

“Mauna ka na,” nakangiti pa siya sa akin.

“Ahm, a-ano, itatanong k-ko lang sana kung g-gusto mo ng... ng kape, gusto mo ng k-kape?”

“Why not?”

Huminga ako ng maluwag. Bakit ba ako lumabas ng kwarto, eh, wala naman akong sasabihin sa kanya? At teka nga, bakit nga rin ba siya lumabas ng kwarto niya?

Hindi ko na iyon natanong pa sa kanya. Nagsabay na lang kaming pumunta sa kusina.

What Boys Think: JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon