[WB: JM8]

537 16 1
                                    

[WB: JM8]

Khloe’s POV

Tinanghali na kami ng gising. Ganoon na naman nung isang gabi pero noon, nakangiti akong nakatulog... hindi gaya kagabi na kusang bumulwak na parang ilog ang mga mata ko. Hindi kami nag-uusap habang kumakain. Hinugasan ko na rin ang pinagkainan ko at kusang binuhat ang mga gait ko papunta sa kotse. Hindi na ako nagpatulong kay JM na mukhang malalim rin ang iniisip. Napag-isip-isip siguro niya ang ginawa niya.

Habang nasa biyahe ay tahimik pa rin kami. Nakatalikod lang ako sa kanya na kunwari ay natutulog pero sa totoo lang, nakapikit lang ako at nagpapabalik-balik ang nangyari kagabi.

Mga alas-siyete na ng gabi nang makarating kami sa bahay. Wala na masyadong taong nagdaraan. Binaba ko na lahat ng gamit ko. Simpleng ‘thank you’ lang ang nasabi ko sa kanya. Ipapasok ko na sana ang susi sa may pinto nang marinig ko siyang tinawa ako.

“Khloe.”

Nagulat ako. Sa unang pagkakataon, tinawag niya akong ‘Khloe’ at hindi ‘Claw.’ “Hmm?” pineke ko ang ngiti ko nang humarap ako sa kanya. Ayokong makita niyang nalulungkot akong malalayo na sa kanya.

“I love you.”

Ilang segundo rin bago tuluyang ma-realize ko ang ibiga sabihin ng sinabi niya. Hindi ko iyon inaasahan, hindi mula sa kanya, “JM,” huminga ako ng malalim bago tumingin ng diretso sa kanya, ilang hakbang lang ang layo niya mula sa akin, “we just kissed but that doesn’t mean you have to marry me. You don’t have to say things you don’t actually mean... wala kang dapat panagutan. Teenagers nowadays just kissed wherever, tayo pa ba? I’m 21 and you’re 23, what’s the big deal?” parang sarili ko lang ang sinasaktan ko habang binibitiwan ang mga salitang iyon. “I don’t know why you kissed me... and why I kissed you back... but... may you please stop playing around with my heart?” umiling ako sa kanya at di ko namalayang may pumatak na luha mula sa mga mata ko, “I’ve been hurting since 4th year highschool... since you broke my trust...” iniikot ko ang susi sa pinto at agad na pumasok doon.

Agad akong tumakbo sa kwarto ko. Wala sina mama, baka may pinuntahan. Great, para di nila makita ang kamiserablehan ng bunso nilang anak ngayon.

I’ve said it. JM used to be my childhood friend, magkasundo pa nga kami. He was my crush, alam iyon nina mama kaya tinutukso nila ako ngayon kay JM sa pag-aakalang di pa rin ako nakakamove on sa pagkakaroon ko ng crush sa kanya... ang hindi nila alam, it evolved long time ago. I was already in love.

I was about to confess sa JS promenade nung 4th year dahil nangako siyang siya ang magiging escort ko... but he left me in thin air.

I was a fool hoping na hahabol siya. But he didn’t. And when he was back, I already graduated high school. He didn’t even bother explaining.

I need to be wise this time... it’’s for the better.

***

JM’s POV

“She thought I was joking,” tumira ako.

“You are always joking,” tugon ni Francis na sumunod na tumira dahil walang pumasok sa shot ko. “This is one of the problems of being a happy person. You tell jokes, people will take it seriously. You tell the truth, people will laugh at you. Fncking piece of sh1t.”

Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit halos mabaliw si Eph nang hindi siya paniwalaan ni Ashley. “She said she was hurting since...” tumungo ako, “fourth year high school.” Napaisip ako at napatingin sa mga kaibigan ko na kanya-kanya ang mga pinaggagagawa, “did I somewhat hurt her? Magkakakilala na tayo since elementary, so, baka may alam kayong nagawa ko sa kanya?” kay Amiel lang ako nakatingin dahil siya lang naman ang may matalas na memorya sa amin.

“Hmm...” kinamot niya ang baba niya, “aside from always joking her, you are always joking her,” nagkibit-balikat pa siya sa akin.

“Ethan?” kanina pa siya tahimik, eh, baka siya, may alam.

“What? Telling her you’ll be her escort yet you didn’t attended, nothing more... but, JM, where were you that time?”

Nagsalubong ang mga kilay ko, “damn myself. I’m the fncking piece of sh1t.”

“You were and still are,” pakli ni Xhin.

Bakit nga ba hindi ko naalala iyon? Kinausap ako ng parents ni Claw para maging escort niya sa JS Prom at pumayag naman ako. I promised na dadalo ako pero kinailangan ako sa Baguio dahil nagka-problema sa mga result ng tests ko, may nangsabotahe at kailangan kong i-take iyon para hindi ako bumagsak, isang sem din iyon. “Sh1t,” gusto kong magmura. Sa dinami-rami ng pwedeng makalimutan, iyon pa. Hindi ako nakapag-paalam. Hindi ko rin naman alam na sineryoso ni Claw iyon. “Aisht,” tumira ulit ako at sa pagkakataong iyon ay may pumasok na.

“Akala ko hinding-hindi mo ito gagamitin?” nanunuyang tanong ni Eph sa akin.

“Shut up,” tumira na naman ako hanggang sa mapasok na ang lahat. Narinig na lang namin ang mahinang pagmumura ni Francis. It was unusual, hindi kami pala-mura ni Francis pero sa pagkakataong iyon, mukhang ku-quota kami.

“What’s your plan?” tanong ni Raph.

“Liligawan siya, ano pa ba?” sa pagkakataong ito, magseseryoso na ako.

“Need help?” tanong naman ni Xhin.

“Mukhang kailangan ko nga yan.”

Nag-brainstorming agad kami ng pwede naming gawin.

“Nga pala,” singit ni Eph, “you’re all invited,” at may binaba siya sa billiard table ni pinapaikutan namin.

Nanlaki lahat ng mga mata namin. “Wedding invitation!” masayang sigaw ni Xhin at Raph, nagsabay pa talaga sila.

“Congrats, pre,” isa-isa naming tinapik sa balikat si Eph. Kung kailan gahol na sa oras, saka lang niya naisipang ibigay iyon, isang linggo na lang.

“May naisip akong plano,” sabi ni Amiel. Lahat kami ay nakinig sa kanya. Umiral na naman ang pagka-romance writer niya. “Payag ba kayo?” tanong niya pagkatapos ipaliwanag lahat ng gagawin.

“Game,” sabay-sabay naming sagot.

What Boys Think: JoshuaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon