Chapter 1

40 0 0
                                    

Ash and Nate

---------

"Ang pag ibig, kusang darating yan. Kaya huwag kang magmamadali."

Tignan mo 'to. Hugot na naman. Ewan ko ba dito sa kaibigan kong 'to. Di ko maipinta eh. Siya lang din nagpapayo sa sarili niya. Paano ba naman kasi, nireject kuno daw siya nung nililigawan niya. Kalalakeng tao humuhugot diba? Lakas ng tama sa babae eh.

"Bes, ano ba. Damayan mo naman ako oh. Grabe ka naman saken. Di mo ko pinapansin. Nasaktan na nga ako oh. Kasi naman eh, ano bang wala ako na meron dun sa Richard na yun? Gwapo naman ako, matalino, mayaman, wala na siyang hahanapin saken." Madramang niyang litanya.

"Oy! Ano ka ba?! Lalake ka ba talaga? Hahaha. Grabe ka bes! Imbes na maawa ako sayo, natatawa ako eh. Ang corny mo beb! Nakakaloka ka. Okay na sana yung matalino at mayaman eh. Wag mo nang dagdagan ng gwapo. Pls bes hahahaha." Srsly. Natatawa talaga ako sa kanya. Grabe hahaha.

Kanina pa kami nag uusap dito pero di niyo pa kami kilala. Ok. Lemme introduce myself first before my boy friend. I'm Andy Natasha Sophia Garcia, 17 years of age. At itong boy friend ko ay si Jarvis Nathan Lee. 20 years old na yan. Tanda na diba? Pero di ko yan tinatawag na kuya. Ayaw niya e. Baduy daw hahaha. Tsaka sabay kami ng birthday, oh diba? Bff goals? Hahaha. February 14 birthday namin. Nang aasar yung petsa diba? Araw ng mga puso talaga eh. Kaya ayun, kaming dalawa ang magkasama pag araw ng mga puso. Kaya akala ng iba, boyfriend ko 'tong mokong na 'to.

"Ash, tara date na lang tayo. Ayoko ng isipin yung babae na yun. Di siya kawalan." Ay? Parang kanina lang halos maiyak na 'to ah.

"Okay tara Nate basta ba treat mo? Ano? G?"

"Edi G na! Namiss din kita eh. Tara." Inakbayan niya ko, papunta kaming parking lot. May sarili siyang kotse eh. At aba naka mustang ang loko. Madami kasi 'yang kotse. Inispoil kasi nila Tita. Dalawa lang naman din silang magkapatid.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, wow gentleman naman ng bestfriend ko. Pupunta daw kami sa Sm. Manunuod daw kami ng sine.

----------

Hay! Wala naman akong naintindihan sa pinanood kuno namin. Eh pa'no, natulog lang ako. Di naman kasi ako fan ng Star Wars. Jusko! Anong alam ko dun.

"Nate, kain na tayo..." pagmamakaawa kong sabi. Kanina ko pa kasi sinasabi sa kanya na kumain na kami dahil gutom na gutom na ko. For pete's sake! Di pa ko naglulunch.

"Wait lang Ash. Tapusin ko lang 'to. Namiss ko 'to e. Last na 'to promise *shoot* AYOS! 3 points!" Ok. Ang hilig talaga ng isang 'to. Nanggigigil na ko sakanya! Hay nako. Pigilan nyo ko! Nandito kasi kami agad sa Quantum.

"JARVIS NATHAN LEE! I said I want to eat! Kainis ka na ah."

"Heto na po boss, iniinis lang naman kita eh. Cute mo kasi pag naiinis ka." Nakangising sabi ng loko.

"Tara na, san tayo?"

"Nasa sm po tayo madam." Aba't! Namilosopo pa talaga!

"Pag ako talaga napuno sayo Jarvis ha! Iiwan kita ditong mag-isa!" Sigaw ko. Kaya ayun nakuha ko yung atensyon ng mga taong malapit kung saan kami nakapwesto. Ay pake ko ba noh! Eh naiinis ako eh.

"Ha ha ha. Ok, Let's go na. Where do you want to eat?" Tanong niya saken. Nagc-crave ako sa chicken ng Jabi.

"Jollibee nalang! Namiss ko manok nila eh. Langhap sarap hahaha"

"Ako di mo ba namiss?" ngisi pa Harvs! Tadyakan kita eh!

"Landi mo boy. Syempre hindi. Palagi tayong magkasama oh. Kambal tuko nga tayo diba? Tabi pa nga tayo matulog eh. Nahihibang ka na ba?"

"Ok ok. Joke lang naman yun Ash eh. Sorry na hehehe. Oh nandito na tayo sa Jabi mo. Anong order mo po miss?"

"1 pc. chicken, mango pie, large fries, coke float, sundae, yum, spaghetti." Gutom na kasi ako guys! Hahaha.

"Uy di porke libre 'to ha. Ok Ash, takaw mo talaga kahit kailan! Mamumulubi ako sayo eh. Oh sige na. Ako na oorder. Hanap ka na ng upuan. Daming tao eh. Baka mamaya pagkaguluhan pa 'ko."

Di ko na siya sinagot. Umalis na ko doon kasi nga maghahanap pa ko ng upuan namin.

----------

Ang sarap talaga ng mga pagkain dito sa Jabi! Hays. Muntik ko ng makalimutan pangalan ko. Panalo yung manok eh! Ang sharaaaaaaap!

"Pst Nate, diba ayun si Shaira? Yung niligawan mo? At bakit parang iba kasama niya?" sabay turo ko dun sa table na katapat lang namin.

"Sht! Si Michael yan eh! Tropa ko! Sht kaya pala! Inaahas na pala ako nang di ko alam." Mura siya ng mura. Halikan ko 'to para manahimik eh. Syempre biro lang kasi di naman kami talo. Hahaha.

"Oh? Akala ko ba dahil kay Richard kung bakit ka niya di sinagot? Aba't di ako nainform na may pagkamaharot pala yang niligawan mo ha Nate? Magtigil ka na nga. Sapakin kita dyan eh."

"Hayaan na nga. Kung saan siya masaya dun siya. Nandito ka naman eh. Ayiiiiiie kilig siya oh! Hahahaha." Pabiro niyang sabi.

"Epyu bes. Walang ganon. Di tayo talo. Hahaha. Loko ka ah. Hilig mong magjoke."

Kakadaldal namin hindi namin namalayan na ubos na pala 'tong mga kinakain namin. Hihi. Sorry na, napakadaldal kasi eh. So ayun, lumayas na kami doon sa Jabi baka kung ano lang masabi ko sa maharot na Shaira'ng yon.

---------

Pauwi na kami, as usual, nakasakay na kami dito sa Mustang niya. Alangan namang maglakad kami diba. Hahaha. Just kiddin'. Sinabi ko sa kanyang bumalik kami sa school dahil may klase pa ko ng 5pm.

Nagpark na siya. At nauna siyang lumabas dahil pagbubuksan niya ako ng pinto. Oh ang gentleman talaga ng best friend ko. Pagkalabas ko ay inakbayan niya na naman ako.. Yung mga kaschoolmate namin grabe makatingin. Akala naman nila aagawin ko 'tong idol nila. Campus heartthrob kasi 'tong si Nathan. Ewan ko ba kung saan banda sa mukha niya nakita yung salitang heartthrob. Mga bulag yata 'tong mga 'to eh.

"Oh sige, dito na lang ako bes. Thank you sa treat! *sabay yakap sakanya* Ooopps! Sige na mamaya na lang ulit, chupi na! Dami ng nakatingin oh! Bye!" nagwave na ko sa kanya. Daming usisero't usisera sa room eh. Mind your own business, btches.

"Ok sige Ash. I'll fetch you later. Bye." Then he gave me a soft kisses on my forehead.

SOMEDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon