Chapter 2

35 0 0
                                    

Hanna and Vien

----------

Nandiyan na pala si Ash. San kaya galing yun? Aba't kanina pa wala dito! Sabagay, wala naman kasing gagawin dito sa loob ng school. Vacant naman eh. Siguro gumala na naman sila ni Nathan. Seatmate kami ni Ash. Si Nathan, sa kabilang building yan kasi Civil Engineer ang course nun. Eh kami ni Ash, Accountancy. Mathematician hays. Hahaha. Kidding aside.

"Hi Han! Miss me?" Nakangiti siyang nakipagbeso saken.

"Uhm. Hello Ash! What's with that smile huh?At saan ka galing aber?" Ngisi kong tanong sa kanya. Halos mapunit na labi nito sa lapad ng ngiti eh. Abot yata hanggang labas ng Universe.

"Wala lang. Baliw ka talaga. Haha. Ah. Lumabas lang kami ni Nate. Ang saya ko Han! Kasi nakakain na naman ako ng Jabiiii!" Hysterical niyang sabi.

"Ay! Akala ko naman tinamaan ka na kay Nate. Jollibee lang pala jusko." Infairness kasi, bagay sila ni Nate. Kaso best friend lang talaga yung dalawang yun.

"Baliw ka talaga Han, di kami talo noh. Sarap kasi talaga ng Jabi eh. Hihihi. May take out order pa nga ako eh. Para pag boring ang klase kakain na lang ako." Minsan kasi boring yung klase, minsan naman hindi. Kasi makakarelate ka sa topic o kaya naman, mukhang interested ang topic.

"Nandiyan na ang prof natin Guys! Kalma!" pasigaw na sabi ni Fiona, ang class president namin a.k.a look out namin.

Nagsiayos na kami ng upo dahil terror 'tong prof namin.

----------

"Class dismissed." at umalis na ang prof namin.

Hay salamat, natapos din. Thank God! By the way I'm Hanna Lynn Ramirez. Magkasing age lang kami ni Ash. February siya magdedebut, ako naman April pa.

Kasalukuyan akong naglalakad papuntang sakayan dahil magcocommute lang ako ngayon kasi nakaleave yung driver namin.. Nang may biglang bumusina sa likod ko. Ay teka! Nasa gilid naman ako naglalakad ah? Baliw yata driver neto.

"Hey miss! Gusto mong sumabay? Gabi na kasi eh. Delikado na sa daan." Pagkalingon ko sa nagsalita, napanganga ako. As in literal na nganga. Oh my God! Si Jayvien Montenegro nasa harap ko! Ang Ultimate crush ng bayan! OMG. Mahihimatay yata ako ngayon. Jusko po. Ang gwapo niya. Ang tangos ng ilong, yung kilay niya ang ayos ayos na akala mo nagpapathread lagi, yung mata niya ang ganda kasi kulay blue na akala mo nakacontacts, yung labi niyang ang perfect ng pagkashape, hays ang sarap halikan, tapos yung katawan niya, pak! Ang firm! Yung biceps---

"Hey miss, yung laway mo. Tutulo na hehe." sabay salo niya sa nagbabadyang laway na tutulo. Sht! Nakakahiya! Lahat ng dugo ko napunta na yata sa mukha ko sa sobrang pula. Gosh!

"Sorry po. Hehe. Ah ano nga ulit sabi mo?" Nahihiya kong tanong.

"Kung gusto mong sumabay na lang kasi delikado na sa daan, lalo na't hindi na dapat pa naglalakad sa ilalim ng gabi ang mga babaeng magaganda." May point siya. Delikado na nga ngayon. 9pm na kasi. Pero infairness ha, concern citizen pala itong si Jayvien.

"Ok. Di naman ako marunong tumanggi eh hehe. Lalo na't ikaw pa ang nag offer."

"So tara na?" sabay bukas niya pinto. Pumasok na ko dun kasi malamig na rin.

"Saan ba bahay mo?"

"Ah diyan lang sa unang village na madadaanan natin, sa may pang apat na bahay dun."

"Oh? Seryoso ka miss? Doon din ako nakatira sa village na yun. Sa may pang anim naman yung bahay namin. Ano nga palang pangalan mo? At anong course mo?" Magkalapit bahay lang pala kami. Pwede ko siyang dalawin. Hihihi. Landi.

SOMEDAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon