Doll [Sad Love Story]

1.3K 3 0
                                        

Kricia's POV

HAAA! Mag-gagabi na, ngayon yung date namin ni Winston. OMFG! Excited na ako, parang kahapon Friday lang pero miss ko naagad siya. Saturday! Waaa! Tama lang yung beauty rest ko. To maintain my beauty and sexy gorgeous body.

Winston Calling...

[Babe, where are you?]

OMyGosh! Ba't kinikilig yung buong katawan ko 'pag dating sa bakulaw na 'to?! Waaaa!

"Ahm, i'm coming."

Hahaha! Oo, tama ang nabasa niyo.

Naligo agad ako at nagbihis, walang oras na dapat masayang.

**

"Ma! Mauna na ako, may date pa po kami ni Winston." beso beso.

"Sige, Kricia."

Pagkalabas ko, may kotse palang naghihintay sa akin. Ang ganda ng kotse. Pumasok ako at pinaandar agad ng driver.

Malayo-layo pa naman yung pupuntahan ko, so, kukuwentuhan ko muna kayo.

Ako si Kricia Shanbell, 25, mayaman, sabihin na nating maarte, honest, mabait naman, maganda at sexy. Isa akong Attorney.

My boyfriend, Winston Clinton Baldemoro, gwapo, sexy, matangkad. Isang Engineer.

Nagsimula ang love story namin, way back 5 years? 5th Anniversary namin ngayon mga Mars! 5 years na pala kami? Ang saya ko, the best day ever!

*flashback*

"Bii! Punta tayong plaza, may show daw." sabi ng best friend ko.

"Wae? Saang basurahan mo nakalap ang balitang yan?" pagtataray ko.

"Tayo na! Bilisan mo na!" kinikilig ang bruha. Parang may something sa babaeng 'to. Nagbabasa ang tao ng libro, eh. Ito pa naman yung favorite story ko. Sa wattpad, sige na nga, mamaya na lang. Guess niyo na lang.

Ayun, hindi ko siya nahindian. Tumayo kami at nag umpisa ng naglakad. Argh! Malayo pa naman ng konti yung plaza dito. Hate you, Bii.

Malapit na, natatanaw ko na yung mailaw na plaza, christmas ngayon kaya maraming pailaw. Hay, ilang minutes pa ba kaming maglalakad? One millin minutes? Sure. Aargh! Si Bii, eh. Pasalamat siya hindi ko siya hinihindian, siya kasi yung nag iisang best friend ko, yung iba iniwan ako sa ere nung nag hirap kami, naka-revive naman kami at muling yumaman.

After 123456789 years, nakarating na kami sa plaza. Haaa! Tubig, please?! Yung best friend ko hindi ako mapansin, may tinatanaw sa 'di kalayuan. Kilig na kilig ang witch. Tinitignan ko siya habang ako naman parang asong nanghihikapos dito sa kinatatayuan ko. OMG. Poise, Kricia. Mukha na akong ale, nakayuko.

"Bii! Bii!" hinampas ako ng SARILI KONG BEST FRIEND. Sanay na ako.

Kapag ang babae kinilig, lumayo ka na.

"Bii! Tara na!" hinila niya ako ng walang pahintulot. Hate ya, how dare you to bring me in the, the, the middle part of the park! What?! Alam kp maganda ako, sexy, pero hindi naman sa puntong ipapakalandakan ko 'to. Iniwan na ako ni Bii. Sige lang, sanay naman na akong iniiwan.

Nandito parin akong nakatayo, inilibot ko yung paningin ko. May malaking speakers, may show nga ata. At mga taong nakapaligid sa akin. Yung mga babae kinikilig, isama mo na yung mga bakla, yung mga lalaki may hawak na roses. Aw! Ang sweet naman nila. Lucky girl.

Nandito parin ako, natatapatan ng mga ilaw. Argh! Center of Attraction ako. Nakakairita na ako, ha? Aalis na ako.

Hahakbang na sana ako ng may magsalita galing sa stage. "Kilala niyo ba siya?" OMG. Yan ako, oh. *Q*

One-Shot Stories [SPG]Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon