Author Note: Almost a month na rin nung uli akong nagsulat tungkol sa mga paranormal experience ko, at isa na dito ang My Midnight Costumer.
At halos mag iisang buwan na rin nung uli kong makita o maramdaman yung nagmumulto dito sa internet cafe kung saan ako natatrabaho.
Kung mapapansin ninyo? specially dun sa mga nakabasa na nung uli kong kwento, mahikli lang ito at parang napaka bilis lang ng mga pangyayari.. minsan lang kasi ito nagpakita, at nung mga sumunod pang mga araw ay tuluyan ng nawala.
Yup! wala na! kaya naging kampante ako pero.. this past few weeks lang, dahil hindi ko inexpect na. . .
.
.
.
"Mas malala pa pala ang mga susunod na mangyayari"
___________________________________________________________________________
( Aug11 - Thursday Night )
10pm na ng gabi pero ang dami paring costumer.. Whew!! ngayon lang nangyari ito ah??
Sabado, linggo at lunes lang ang mga araw na kadalasang dagsa ang mga costumer namin. . halos kasi mga estudyante ang sumasadya dito para magpaprint, at para gumawa din ng kanilang mga homeworks.
pero sa unang pagkakataon ay dinagsa din kami ng mga costumers ng araw na yon. . at sakto pa naman na hindi makakapunta si kuya john, kaya pinakiusapan nya akong magstraight o magbantay hanggang gabi.
11:28pm. sa wakas at wala nang costumer. . pero meron paring naglalaro, si JAY-JAY at si Lean. kabarkada sila ni kuya, at si lean naman ang aking kapalitan sa trabaho pero nung araw na yon ay may lakad sya at 11:17pm na lang din sya nakauwi. .
11:42pm.
KUYA JOHN : bilangin mo na ang kinita natin ngayon, at pagkatapos ay magsara kana. .
- geh kuya..
JAY-JAY : Tara lean, magyosi na lang tayo sa labas. .
Pagkatapos kong makapagbilang ay nilabas ko na rin ang mga lock para magsara. . habang si jay at si lean naman ay nagyoyosi sa may upuan sa harap mismo ng shop. .
Lean : ok kana dyan jhayp???
- Oo. . ok na!
Jay - Jay : oh pano na yan??? goodnight na mga Fu***'n BullSh**!! ( Pabiro nitong sabi ) sanay na kami sa ganung ugali ni jay-jay. . natural na talaga siguro sa kanya ang gawing panamis ang pagmumura, Baka trip lang nya. .
- Oh panu yan?? bukas na lang mga repa. .
Lean : Sino magbabantay bukas ng hapon???
- Ikaw na daw sabi ni kuya.
Pagkatapos nang mahikli naming pag-uusap ay agad na ding umuwi si Lean, ako naman ay may kailangan pang tapusing trabaho.
12:28am.
Habala ako sa pagddownload ng mga kanta, magbuburn kasi ako ng limang cd at kailangan din mismo bukas kaya rush parin kahit medyo antok na ako, at habang hinihintay kong matapos ang mga dinadownload ko ay saglit ko muna ipinikita ang aking mga mata at sumandal sa upuan.