No matter the situation, never let your emotions over power your intelligence.
-anonymousIn a secured container
I can't do anything but drown myself to alcohol after the phone call. Nagising nalang ako nasa bahay na ako. Perks of having good friends, hindi ka pababayaan. Napailing nalang ako sa sakit ng ulo. I took a bath and went downstairs.
"Good morning."
"Magandang umaga rin hijo. Kain na. Kape." Tinanguan ko lang si Nanay Nona at naupo.
Nanay Nona is my nanny since I was little at hanggang ngayon inaalagaan niya parin ako.
"Tumawag nga pala ang papa mo."
Saad ni nanay na nagpakunot ng noo ko. Ano naman kaya yun? He doesn't have to remind me very fucking minute.
"Hijo nangangamusta lang ang papa mo at wala siyang binanggit tungkol sa usapan nyo. Ang aga-aga hindi na maipinta ang muka mo."
I let out a deep sigh. Wala pa akong sinasabi pero alam na agad ni nanay ang nasa isip ko.
"Hindi ako sanay na ganyan ka hijo. Ngiti naman dyan."
Ani ni nanay na nagpangiti sakin. Shit! Bading yata ako. Well if you love someone, you will smile for them.
"Nay ayoko pong mag asawa." Sandali siyang natahimik. I just wanna fuck and go. No commitment means no disappointment and heartaches. Oo na duwag ako. I have my reasons! So fuck off.
"Edi tatanda kang lonely. Anong gagayahin mo yung matatandang nagaalaga nalang ng aso? Sige ka masarap kaya ang may kayakap at katabi Gabi-gabi na pwede mong himashimasin."
Natawa kami pareho. Kahit kailan baliw talaga ito si nanay. Sa kanya yata ako nagmana hindi sa mga magulang ko.
"Loko ka talaga nay. Kumain na nga po tayo."
After breakfast umakyat ako ulit sa kwarto at natulog. Wala naman akong ibang pwedeng gawin. Wala akong trabaho eh, ayoko kasi. Panigurado din na nasa trabaho pa yung mga gugong.
Bakit ayokong magtrabaho? Simple lang tinatamad ako. I'm a happy go Lucky guy so what?!
Nagising ako dahil sa malakas na katok sa pinto, malamang! Who the fuck he is?! Hindi yan si nanay for sure. I stood up ang open the door.
"Bro." Si Phobos.
"What?! This better be very very important. Kung hindi sasapakin kita kaliwa't kanan."
Bulyaw ko sa kanya. Sleep intruder!
"Trust me. Baka nga halikan mo pa ako pag narinig mo ang sasabihin ko eh." Sabi niya habang nakangiti na halos umabot hanggang likod ng tenga niya.
We went to the living room. Nasaan kaya si nanay at nakapasok ang isang ito nang matiwasay.
"What now?!" Tinaasan ko sya ng kilay. Yung hanggang bunbunan ang taas.
"You need a child right?"
"Obviously." Tamad na sagot ko.
"Here's the answer to your prayers bro." He said while grinning. He put a brown envelope on the coffee table.
Kinuha ko ito at sinipat.
"Envelope? Ginagago mo ba ako?! Eh mukang walang laman ito!"
"Gago! Buksan mo."
I opened it and found a piece of paper. Ano ito?
"The EC Company is the answer to your prayers bro. Nag research ako ng kumpanyang nagseservice ng egg cell. Pwede kang mamili ng egg cell na may desirable trait. Then you will give your own cell. Tapos ita-transfer nila yun sa surrogate mother na willing and available. With in 9 months daddy ka na! Pero walang asawa. Di ba gusto mo yun?!"
Napatitig ako sa kanya. Shit! Is this for real?!
"Samahan mo ako pumunta na tayo sa company nila!"
Akmang tatayo na ako nang magsalita ulit siya.
"Online yan Jaycobe. Tsk Hindi mo binasa yung papel? Kahit kelan ang tamad mo."
"Online?" Binasa ko ulit ang papel. Edi wow. Tsss.
I hurriedly went upstairs and openned my laptop. Pumasok rin si Phobos at naupo sa tabi ko pero hindi ko siya pinansin.
"Bakit kailangan pang mag sign up. Badtrip ang daming alam!"
reklamo ko."Bobo that's for security purposes and for them to know if you're really interested."
Tumango nalang ako. When I'm done nagmessage agad ako sa kanila. Mabilis ang naging proseso. Pinapili nila ako sa mga egg cell na nasa screen, malamang.
"I'll go get some food. For sure matatagalan kang mamili." Hindi ko siya pinansin. Busy ako.
Inisa-isa ko lahat ng available egg cell. Nakakatuwa dahil may mga pangalan yun kahit hindi pa naman nila alam kung babae o lalaki. Binasa ko lahat ng description ng babaeng pinanggalingan ng egg cell. Wala silang picture for privacy siguro.
Height: 5'6
Skin color: white.
Hair: curly tips.
Eyes: shades of blue
Identify: half Filipino half British.She might be beautiful. Pwede na siya. I sent the control number of the egg cell I want then paid for it using PayPal account. I waited for their confirmation.
20 mins. Ang tagal naman. Nakabalik na lahat lahat itong si Phobos gugong eh. Kumain muna kami. Then suddenly the laptop beeped.
"Congratulations! Your order has been successfully completed. A staff will be at your house tomorrow evening at exactly 11 pm to get your sperm cell. Please put it in a secured container. Thank you."
So mag mamariyang Palad ako?! Fuck!
(Edited 09/04/21)
BINABASA MO ANG
Act II: The Carrier ✓[EDITING]
قصص عامة18+ Act II Jaycobe Joaquin was desperate. Malapit ng maubos ang panahon na binigay sa kaniya ng kanyang papa ngunit wala pa siyang anak. Wala naman kasi siyang asawa o mas madaling sabihing ayaw niya naman kasing mag asawa. Kailangan niya ang mana n...