"Sinasakripisyo mo ang lahat para sa taong minamahal mo, sa huli sarili mo ang sinasaktan"
-Ilovechocolate45 ☆
Lakad-Takbo ang ginagawa ko papunta sa sakayan ng jeep, paano naman kasi tanghali na ang gising ko. Fishtea kasi 'tong cellphone nag-alarm daw ako mali naman pala ang orasan at petcha! Haisht.
Patay ako neto, may bagong aplikante pa naman naka-schedule ngayon para sa interview.Ako si Katsiya Evie Navarette. Half Mexican, Half Filipina. Si Mama ko ang Mexican at si Papa ang Filipino. HR sa isang kompyana. Nakapag-aral sa Mexico ng kursong Sikolohika, gusto ko kasi maranasan ang edukasyon sa ibang bansa at makasakay na rin ng eroplano. Hiwalay na ang mga magulang ko kaya ako na lang mag-isa ang sumusuporta sa sarili ko. May tatlong kuya ako na nasa Mexico na lahat ay kasal at isang bunso na nag-aaral dito sa 'pinas. Magkasama kami sa isang apartment, tamad kasi humanap ng matitirhan at nang maka-libre na rin daw ng upa.
*ring-ring*. Si boss na ata ang tumatawag. "Hello? Good morning mam". Agad kong inilayo sa tenga ko ang cellphone, sumisigaw na naman kasi. "Ms Navararette! Where are you?! Alam mo bang kanina pang naghihintay sa'yo ang mga aplikante dito?! wag ka masayado pa-vip dahil ako ang nagswe-sweldo sa'yo! Dapat kanina ka pa nandito pero mag-aalas-onse na, wala ka pa! Mag o-overtime ka mamaya! Pinababalik ko na lamang ang aplikante mamaya ng alas kwatro! But I want your ass off in this office right now!" Toot-toot. Okay wala lang man goodbye? OT na naman mamaya, hayy. Maka-pag-brunch nga muna, nakalimutan ko na nga kumain dahil sa pagmamadali ko. Kawawa naman mga fats ko hinde ko na pinapakain.
Nakasakay na ako ng jeep nung tumawag ang boss ko. Bumaba ako sa isang fastfood restaurant. Nasa pintuan ako nang may tumawag sa akin "Katsiya!", nilingon ko ang tumawag at nakita ko ang kaibigan ko umuumbok na tiyan na kinakawayan ako. Agad ko naman to nilapitan at niyakap "Gwen!, kumusta ka na? Ang laki-laki na ng tiyan mo! Ilang buwan na to?" Sabay turo sa kanyang tiyan, gumaganda sya ngayon, mukhang bumagay ang pagbubuntis sa kanya "ito maayos, sa susunod na buwan ang due ko. Ikaw nga tong walang balita ng dalawang taon, ikaw ang kumusta?, office girl na peg natin ha?". Ngumiti na lamang ako. "Grabe ka! Simula naghiwalay kayo pati ako tinanggal mo ng komunikasyon, ano tayo ang naghi-" *ring ring ring ring* "teka! Sasagutin ko muna toh, baka si hubby to", tumango na lamang ako bilang pagpayag. "Hello, ha? Ikaw san ka ba sumusuksok ha? Baka nambabae ka na naman ha?!, tandaan mo nakikita kitang 24/7!", I chuckled to what I've heard, they never change, still the same. "Honey, andito lang ako sa likod mo" Agad nanlaki ang mata nya at sabay lingon, at nakita ang kanyang asawa "Ikaw ha! Palusot, hmmph" sabay panggap na parang nagtatampo, hinalikan na lamang sya sa pisngi ni Karl na agad naman ikinangiti nya. "Katsiya, long time, no see" tumango na lamang ako at sumasaludo "yow" sabi ko, naiilang kasi ako sa kanya "Kagagaling namin sa ob at nag-pa ultrasound na rin para alamin ang kasarian ni baby, babae sya. Panalo ako sa pustahan!" Hinamas ang tiyan ng kanyang asawa na ikinapait naman ng mukha. " hmmph! Tsamba, Basta yung ice cream ko, kung hinde alam mo na!" tumingin na lamang ako sa kanila at may naalala ako sa ganung eksena. "o sige na, Mauuna na kame ha? Bibili pa kasi kame ng ice cream" ani ni Karl. "Sige mag-iingat kayo" sabi ko nang sinundan ng tiningin hanggang umalis.
Pumila ako sa counter para umorder at humanap na rin ng mauupuan, agad naman ako nakahanap malapit sa bintana, habang kumakain ako ay naalala ko pa rin ang pag salubong sa kanila, pinagpatuloy pala nila ang forever, ngumiti na lamang ako sa naisip ko. Mahigit dalawang taon na pala nang huli ko sila makita. Kilala ko si Gwen Yap dahil magkaklase kame nung elementarya at nung mag-nobyo-nobya pa lamang sila ni Karl Cortez una ko pa nga nakilala ang nobyo nya at nagulat na lamang ako nung pinakilala nya sa akin ang girlfriend nya.
Cortez, ang apelyido na matagal ko na dapat nakalimutan. Tatlong taon na ang nakalipas simula ng magkahiwalay kame ng nakakabata nyang kapatid. Tatlong taon na pala, ang bilis ng panahon naalala ko pa, nang minsan tumambay kame sa terrace ng bahay nila. "Balang araw, tatayo tayo dito at pinapanood natin naglalaro ang mga anak natin" sabi nya habang naka-sandal ako sa dibdib nya "bakit ilang anak ba ang gusto mo?" tanong ko na habang pilit tinatago ang kilig "mga labing-lima" binatukan ko nga "tingin mo sa akin inahin? Try mong maging babae" tinawanan lamang ako at sinimulang halikan leeg "kaya ngayon pa lang sisimulan natin" agad akong lumayo "hoy Mr Cortez! Tumigil ka! Kulang pa ako ng diploma!" na tumakas sa kanya at hinabol ako hanggang sa na-corner ako. Biglang uminit ang pisngi ko.