Dear, crush.
Nakita nanaman kitang nakangiti. Huwag ka naman sanang palaging ganyan. Nahuhumaling kasi ako lalo sayo. Nakangiti ka habang tunutugtog ng gitara. Iyan ang palagi mong hawak kasama ang mga kabarkada mong nagtatawanan sa isang topic na hindi ko alam kung ano.
Nagulat ako noong nakita mo akong nakatitig sayo. Biglang nawala ang mga ngiti dyan sa labi mo. Pero mas nagulat ako noong bigla nanamang may sumilay na ngiti sa labi mo. Sa sobrang gulat ko, Umiwas ako ng tingin at muntikan ko nang mahulog ang mga dala kong libro. Matapos kong ayusin ang aking mga libro muli ko namang ibinalik ang tingin ko sayo. Nalungkot naman ako dahil hindi ka na nakatingin sakin.
Sadyang mapalad lang ba talaga ako dahil kapatid ko ang isa sa mga kabarkada mo? Alam kong hindi. Kasi kahit anong gawin ko hindi mo naman ako nakikita. Oo, nakikita mo ako ng literal ngunit hindi kasama ang ibang pakiramdam.
Kasama ko ang mga kaibigan ko dumaan kami sa harap ng room nyo. Vacant time nyo pala. Nasa labas ka at nakatayo lang.
Nagtatawanan kami noong biglang nakita ka ng mga kaibigan ko. Jusme, kung alam mo lang! Dumadagundong yung puso ko. Grabe!. Feeling ko sasabog na yung puso ko sa sobrang talon.
Hanggang sa sinabi ng isa kong kaibigan ang....
"Kuya! Crush ka po nito oh!"
Sabay turo saakin.Bigla ka naman napatingin.
Grabe sobrang nakakahiya lalo na noong naghiyawan na ang lahat pati mga kaklase mong narinig.
Wala akong nagawa kundi manigas sa kinatatayuan ko at mag dasal na sana lamunin na ako ng lupa.
Ikaw naman tong may ngiti sa gilid ng labi. Hindi ko nga alam eh parang galit ka pa ata.Hindi ko na talaga kinaya. Nag walk out ako sa sobrang kahihiyan lalo na at matatalim ang tingin ng kuya ko saakin.
Doon nag simula lahat. Lahat lahat. Nalaman ng lahat. Nalaman mo rin. Haaaay. Pero tandaan mo, Crush pa rin kita hihi.
Only yours,
Autumn Claire Sebastian.
BINABASA MO ANG
Dear, Crush.
Teen FictionDear, crush. Gustong gusto kita, masusuklian mo ba ang pagkahumaling ko saiyo?