“May gusto ka kay Darius?"
Bungad ni kuya pagkarating nya ng bahay.“Ah-eh. K-kuya. Bawal ba?”
Sht. Utalness nanaman?Napakasungit talaga ni kuya. Hmp. Pinaglihi ata yan sa sama ng loob eh.
“Yes. Because paano kung masaktan ka nya? Alam mo namang barkada ko sya kaya alam ko na ang ugali nya.”
Humalukipkip sya’t nag tiim bagang.“I know naman kuya. But hindi naman na ako bata para hindi mag karoon ng crush diba? Crush lang naman eh.”
Nakapout kong sabi.Tumalim ang titig nya sakin at ginulo ang buhok.
“Bullsht, Autumn! Paano kung saktan nanaman niya yang puso mo? Wag kang lalapit sakin pag nangyari ulit iyon”
Bigla nalang syang umalis at pumunta na sa kanyang kwarto.Pero t-teka? Anong nanaman? Anong nangyari? Ugh. Makasulat na nga lang sa diary ko.
Dear, Crush
Alam mo bang pinagalitan ako ni kuya ngayon? Baka daw kase saktan mo ako. Eh ang ipinagtataka ko eh crush pa nga lang kita. Paano mo naman ako masasaktan? Haay. Di ko nanaman makalimutan yung mga ngiti mong abot mata.
Ano kayang ginagawa mo ngayon?
Tulog ka na rin kaya?
Iniisip mo rin ba ako katulad ng pagiisip ko sayo tuwing gabi bago matulog?Sana... sana nga ganoon.
Goodnight na! Makikita pa kita ulit bukas
Ps. Crush na crush talaga kita.
Only yours,
Autumn Claire Sebastian.*-*-*-*-*-*-*
“Autumn!”
Sigaw ni ClaraNapaka tinis talaga ng boses nito. Pero kahit ganyan yan madaming nahuhumaling dyan. Her long black and natural curls sa dulo are always swaying. Pero ewan ko ba palaging nakatabing sa mukha nya kaya siguro ang dami nyang pimples. Haaay puberty stage kase siguro.
“What do you want, Clara?”
Sagot kong nakataas ang isang kilay. Oo alam ko na ang kailangan nya.“Eh kase diba sabi mo, sasamahan mo ulit ako manuod ng liga?” sabi nya habang nakanguso.
Tss. Ang hilig niya kasi sa basketball player. Pero pumayag na ko kase andon naman si Darius my love so sweet.
Papasok pa lang kami ng court rinig na rinig na ang sigaw ng mga tao. Kanya kanyang cheer ang maririnig mo mula sa kanila.
Umupo kami sa bleachers kung saan medyo malapit sa mga naglalaro. Nakareserve na kasi ito. Well, ano namang magagawa ng iba kung mismong anak ng may ari ang nagsabi na dapat may upuan kami dito diba?
“Kyaaaaaah! Storm! I love you naaaaa! You're so galing talaga sa basketball!”
Sigaw ng katabi ko. Haay grabe sa dinami dami ng pwedeng magustuhan eh yung kuya ko pa.“Clara, umayos ka nga. Pinagtitinginan tayo mg mga tao oh” bulong ko sa kanya.
“Autumn, hayaan mo sila. Tsaka subukan lang nila akong pigilan baka tanggalin ko pa sila dito sa school” Sagot nya ng nakatingin sa kuya ko. Haaay, grabe iba talaga pag nagiisang anak ka lang tapos may ari pa kayo ng school.
Nakita ko si Darius na seryoso at hinihingal na sa sobrang paglalaro. Nakatukod ang dalawa nyang kamay sa kanyang tuhod. Di ko alam kung paano at naramdaman nya ata na nakatingin ako sa kanya. Dahilan kung bakit sya tumingin sakin.
Nakipagtitigan ako sa kanya ngunit agad nya din itong binawi at tumakbo na para umagaw ng bola.
Nang naagaw nya sa kalaban ang bola biglang lumakas ang sigawan. Tinignan ko ang oras at sampung segundo nalang ang natitira hawak hawak nya ang bola at patuloy na dinidribble patungo sa ring nila.
“KYAAAAAH! DARIUS I LOVE YOU KAYA MO YAAAAN! SHOOT THE BALL!” Sigaw ko. Napalakas ata ang sigaw ko dahilan para tumingin ang mga tao.
Lumingon si Darius sakin at......
At.....
Kinindatan ako't ngitian bago ishoot ang bola sa ring.
Like omgs. Di ko na alam ang nangyare basta ang alam ko lang kinilig ako sa mga oras na yon and everything went black.
BINABASA MO ANG
Dear, Crush.
Teen FictionDear, crush. Gustong gusto kita, masusuklian mo ba ang pagkahumaling ko saiyo?